Pang-aabuso
Ligtas na Paggamit ng Teknolohiya


“Ligtas na Paggamit ng Teknolohiya,” Pag-iwas at Proteksyon (2018).

“Ligtas na Paggamit ng Teknolohiya,” Pag-iwas at Proteksyon.

Ligtas na Paggamit ng Teknolohiya

Ang pagtuturo sa iyong mga anak ng matalinong paggamit ng teknolohiya ay makatutulong sa kaligtasan nila mula sa mga taong hangad na ipahamak sila. Nakatutulong din ito sa kanila na malaman ang mga pamantayan para sa kaligtasan at kung paano nila maiiwasang masaktan ang iba sa pamamagitan ng cyberbullying o harassment sa internet. Bilang magulang, maaari kang maging halimbawa kung paano gamitin nang ligtas at nararapat ang teknolohiya. Pagtuunan ng pansin ang sariling mga gawi at baguhin kung kailangan.

Itinuro ni Sister Joy D. Jones, General Primary President: “Anuman ang pangangailangan ng ating pamilya, turuan natin ang bawat isa sa pamilya natin na gamitin nang matalino at positibo ang teknolohiya sa simula pa lamang—para magkaroon ng moral na huwaran ng pag-iisip. Turuan natin ang mga bata sa positibong paraan para magamit nila sa kabutihan ang teknolohiya. Maaari nating ituro sa kanila na suriin ang sarili sa pagtatanong ng, ‘Makakabuti ba ang paggamit nito?’ Ang mga pipiliin nating paraan ng pagtuturo sa ating mga pamilya ngayon ay makakaimpluwensya sa mga darating nna henerasyon” (“It Starts With Us” [mensaheng ibinigay sa Utah Coalition Against Pornography Conference, Mar. 10, 2018], mormonnewsroom.org).

Pagtatakda ng mga Pamantayan

Ang mahalagang bahagi ng kaligtasan ay ang pagtiyak na makakagamit lamang ang ating mga anak ng mga digital device kapag nasa hustong gulang na sila upang gumamit ng mga ito nang responsable. Kapag nadama mo na kaya nang magamit nang tama ng iyong anak ang teknolohiya, magkasama kayong magtakda ng mga pamantayan na makatutulong sa inyo na panatilihing ligtas ang iyong pamilya.

Mahalagang malaman ng mga bata na hindi lahat ng taong online ay isang “kaibigan.” Palaging ituro sa mga bata ang matalinong paggamit ng mga digital device.

Dapat malaman ng mga bata na pinag-uukulan mo ng panahon na tulungan sila. Maaari mong talakayin ang sumusunod kapag nagpaplano ka ng ligtas na paggamit ng teknolohiya sa iyong mga anak:

  • Paano mag-post nang tama sa mga social networking site.

  • Paano tumugon sa cyberbullying o hindi nararapat na mensahe sa text.

  • Ano ang dapat gawin kapag nakakita sila ng hindi nararapat na pag-uugali o larawan.

  • Anong impormasyon o nilalaman ang hindi dapat ibahagi online.

  • Saan ang nararapat at ligtas na paggamit ng mga digital device.

  • Bakit responsibilidad ng mga magulang na magtakda ng mga pamatayan at access sa mga digital device.

Patuloy na pagtuunan kung paano iiwasang magkaproblema sa hinaharap. Ang bata ay maaaring kabado at nahihiya kung nakakita o nakibahagi na siya sa hindi nararapat na nilalaman o pag-uugali, at kung malumanay mo silang kakausapin, matutulungan mo sila na pagtiwalaan ka nang sapat para kausapin ka sa hinaharap.

Isipin ang ilan sa mga sumusunod na pamantayan para sa pamilya, at magkasamang magtakda ng mga panuntunan. Kausapin ang iyong mga anak tungkol sa:

  • Paglimita sa paggamit ng internet.

  • Paglimita sa pamilya o sa malalapit na kaibigan ng pamilya bilang mga taong kakilala online.

  • Pagtakda ng tama at limitadong oras sa paggamit ng internet.

  • Pagtakda ng oras bawat araw o linggo para sa “pag-unplug” ng pamilya ng mga digital device.

  • Pagtakda ng mga lugar sa tahanan na hindi puwedeng gumamit ng teknolohiya.

  • Paglagay ng recharging station kung saan maipa-plug ng mga anak ang kanilang mga digital device bawat gabi sa oras ng pagtulog.

  • Pag-block sa hindi angkop o hindi ligtas na application, na karamihan ay naglalabas ng impormasyon na hindi pa nasala o na-filter.

  • Pag-follow sa isa’t isa sa mga social media platform.

Paggamit ng Filter sa Teknolohiya

Tandaan na hindi naiba-block lahat ng mga setting at filter ang lahat ng hindi angkop na nilalaman. Gayunman, marami pang ibang mga sanggunian na makatutulong.

  • Mga safe-mode setting o safety apps. Ang mga add-on application ay matutulutan kang mamili ng ligtas na content para sa iyong mga anak, makita kung gaano karaming oras ang inuukol nila sa iba’t ibang aktibidad, at mahihigpitan sila sa pagtingin ng mga hindi katangga-tanggap na nilalaman. Maaari ka ring maglagay ng search at streaming platform para ma-filter ang hindi angkop na nilalaman.

  • Pag-filter ng nilalaman sa internet. Mahahadlangan ng mga filter ang ilang mapaminsalang materyal para hindi mabasa ng malilit na bata. Maaari mong i-filter ang software, hardware, at internet proxy.

Paggamit ng Filter sa Internet

Tulungan ang mga bata na maunawaan na ang pinakamahalaga at pinakaepektibong uri ng filter ay nasa loob ng kanilang puso’t isipan. Ang pagtatanong ng mga bagay na ito ay isang magandang paunang hakbang:

  • Ginagamit ko ba ang teknolohiya sa nakatutulong na paraan?

  • Pinapanatili ko bang ligtas sa iba ang aking personal na impormasyon?

  • Pinapalakas ko ba o pinapahina ang loob ng iba?

  • Maingat ba ako sa mga ibinabahagi ko sa internet?

Sa pagsunod na mabuti sa mga panuntunan at sa patnubay ng Espiritu Santo, magagamit natin ang digital media para mapalawak ang ating paghahangad sa mga bagay na “marangal, kaaya-aya, o magandang balita, o maipagkakapuri” (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13).

Mga Sanggunian mula sa Komunidad at Simbahan

(Ang ilan sa mga sanggunian na nakalista sa ibaba ay hindi ginawa, pinananatili, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Bagaman ang mga materyal na ito ay ginawa bilang karagdagang sanggunian, hindi iniendorso ng Simbahan ang anumang nilalaman na hindi akma sa mga doktrina at mga turo nito.)

Print