Pang-aabuso
Alamin ang mga Palatandaan ng Pang-aabuso


“Alamin ang mga Palatandaan ng Pang-aabuso at Mapang-abusong Pag-uugali,” Pang-aabuso at Proteksyon (2018).

“Alamin ang mga Palatandaan ng Pang-aabuso,” Pang-aabuso at Proteksyon.

Alamin ang mga Palatandaan ng Pang-aabuso

May mga pangkaraniwang palatandaan na dapat manmanan kung paano kadalasang nagsisimula at nagpapatuloy ang pang-aabuso. Sa pag-unawa sa mga palatandaang ito, malalaman natin kung ano ang dapat nating gawin upang maiwasan na mangyari ang pang-aabuso o mapatigil ito kung nasimulan na.

Mga Karaniwang Palatandaan ng Pang-aabuso

  1. Ang mga biktima ay kadalasang inaabuso ng kakilala nila.

    Ang nambibiktima ay maaaring kapamilya o kamag-anak, tulad ng magulang, lolo o lola, tiyahin, tiyuhin, pinsan, o kapatid, kaibigan ng pamilya, o kapitbahay. Iba’t iba ang edad ng nambibiktima. Ang nambibiktima ay karaniwang kakilala ng biktima.

  1. Maaaring unti-unting kinukuha ng nambibiktima ang tiwala ng biktima o ng kanilang kapamilya bago gawin ang pang-aabuso.

    Ang tawag dito ay “pang-eengganyo.” Karaniwang ginagawa ang pang-eengganyo sa mga bata o kabataan. Pang-eengganyo—Nangyayari ang pang-eengganyo kapag kinakaibigan o tinatangka ng isang tao na mapalapit sa kanya ang loob ng isang tao o pagkatiwalaan siya nito para seksuwal na maabuso niya ang taong iyon. Kabilang sa pag-uugaling ito ang pagbibigay ng regalo o pabor, paghiling na mapag-isa sila ng aabusuhin, pag-uusap ng malaswang paksa, o pagpapakita ng pornograpiya o pakikipagniig sa bata. Tatangkain ng mambibiktima na matagal na makausap o makaniig ang bibiktimahin. Nangyayari din ito sa internet at sa pamamagitan ng mobile device ng bata.

  1. Kadalasan nagsisimula ang mambibiktima sa paglabag sa mga personal na hangganan o limitasyon.

    Ang mga personal na hangganan ay mga limitasyong itinatakda ng isang tao bilang panuntunan sa dapat iasal o sabihin sa kanila ng iba na sa palagay nila ay nararapat o magpapanatili sa kanilang seguridad. Ang pang-aabuso ay paglabag sa mga personal na hangganan o limitasyong itinakda ng isang tao. Nangyayari ang pang-aabuso dahil walang hangganan o limitasyon para sa dapat na iasal ng dalawang tao. Maaaring simulan ng mambibiktma sa unti-unting paglampas sa mga hangganan para ang bibiktimahin ay mas maging komportable, manhid, o sanay sa hindi tamang inaasal o sinasabi ng mambibiktima. Maaari ring ganap nang balewalain ng mabibiktima ang mga hangganan.

  1. Ang kadalasang hinahanap ng mga nambibiktima ay ang mga taong madali nilang pagsamantalahan.

    Ang kadalasang hahanapin ng mga nambibiktima ay yaong mahihina at madaling mapaniwala (tulad ng matatanda, may kapansanan, o mga batang wala pang 18 anyos). Naghahanap sila ng mga taong walang kakayahan o kaalaman na magbigay ng pahintulot. Naghahanap sila ng mga tao na maaaring hindi paniwalaan ng iba. Tinatangka rin ng mga nambibiktima na hanapin ang mga taong iniisip nila na hindi makagaganti o hindi kayang sabihin sa iba ang pang-aabuso.

  1. Karaniwang tinatangka ng mga nambibiktima na ilayo sa iba ang mga biktima.

    Karaniwang tinatangka ng mga nambibiktima na pagbawalan ang kanilang inihahandang biktima na magtiwala o makipag-usap sa iba. Tinatangka nilang ilayo ang biktima para hindi nito malaman kung paano hihingi ng tulong sa iba. Maaari rin nilang bantaan ang pamilya o sisihin, hiyain, o gumamit ng pamba-blackmail para maituloy ang pang-aabuso.

    Ang kaalaman sa mga karaniwang palatandaang ito ay makatutulong sa iyo na matukoy o maiwasan ang mga sitwasyon na humahantong sa pang-aabuso. Maaari mong pigilan ang pang-aabuso bago pa ito mangyari.

Mga Sanggunian mula sa mga Komunidad at Simbahan

(Ang ilan sa mga sanggunian na nakalista sa ibaba ay hindi ginawa, pinananatili, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Bagaman ang mga materyal na ito ay ginawa bilang karagdagang sanggunian, hindi iniendorso ng Simbahan ang anumang nilalaman na hindi akma sa mga doktrina at mga turo nito.)

Kaugnay na mga Artikulo