“1 Nephi 19–22: ‘Ang mga Ito’y Makakalimot, Ngunit Hindi Kita Kalilimutan,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“1 Nephi 19–22: ‘Ang mga Ito’y Makakalimot, Ngunit Hindi Kita Kalilimutan,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
1 Nephi 19–22
“Ang mga Ito’y Makakalimot, Ngunit Hindi Kita Kalilimutan”
Ano ang nadarama mo kapag naaalala ka ng isang taong mahalaga sa iyo? Habang nagtuturo tungkol sa pagkalat at pagtitipon ng Israel, ginamit ni Nephi ang mga propesiya ni Isaias upang ipakita na hindi malilimutan ng Panginoon ang nakalat na sambahayan ni Israel. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang madama ang pagmamahal ng Panginoon para sa iyo at sa lahat ng tao at ang Kanyang hangaring tipunin ka sa Kanya.
Ang pagmamahal ng Tagapagligtas para sa atin
May mga pagkakataon na bawat isa sa atin ay maaaring makita at madama ang pagmamahal ng Diyos sa ating buhay, ngunit kung minsan ay maaaring hindi natin ito nakikita. Kunwari ay kausap mo ang isang kaibigan na nagsabi sa iyo na hindi siya sigurado na mahal siya ng Diyos.
-
Ano ang maaari mong ibahagi mula sa mga banal na kasulatan na makatutulong sa iyong kaibigan?
-
Anong mga karanasan ang maibabahagi mo sa iyong kaibigan kung paano mo nalaman at nadama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo?
Isipin ang sarili mong nadarama tungkol sa pagmamahal ng Diyos para sa iyo, kabilang ang anumang tanong o alalahanin mo. Sa iyong pag-aaral, alamin ang mga katotohanan na makatutulong sa iyo na mas maunawaan at madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa iyo.
Nagturo si Nephi tungkol sa pagmamahal ng Tagapagligtas para sa atin
Sa 1 Nephi 19, ipinropesiya ni Nephi ang buhay at misyon ni Jesucristo sa hinaharap. Basahin ang 1 Nephi 19:7–10, at alamin ang itinuro ni Nephi tungkol sa paraan kung paano tinrato si Jesucristo sa Kanyang panahon sa lupa at kung bakit handa Siya para dito.
-
Anong mga salita o parirala ang mahalaga para sa iyo mula sa mga talatang ito? Bakit?
-
Paano nakakaapekto ang pag-unawa sa mga turo sa mga talatang ito sa iyong nadarama sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?
Matapos itala ang sarili niyang mga propesiya tungkol kay Jesucristo, nagbahagi si Nephi ng mga propesiya mula sa propetang si Isaias sa Lumang Tipan tungkol sa pagkalat at pagtitipon ng Israel. Ang mga propesiyang ito ay mahalaga kay Nephi at sa kanyang pamilya, na ikinalat mula sa kanilang bayan ng Jerusalem dahil sa kasamaan ng mga taong naninirahan sa lugar na iyon. Nakasaad sa mga propesiya ni Isaias na marami sa mga Israelita ang makadarama na parang nalimutan na sila ng Panginoon sa kanilang nakalat na kalagayan.
Basahin ang 1 Nephi 21:14–16 at alamin ang mga salita ng Panginoon sa mga taong makadarama na nalimutan na sila.
Ang pagmamahal ng Tagapagligtas ay nakikita sa kahandaan Niyang tipunin ang mga tao sa Kanya
Ang mga tao ng sinaunang Israel ay nakakalat sa tuwing titigil sila sa pagsamba kay Jehova at sa tuwing lalabagin nila ang kanilang mga tipan at ang mga kautusan ng Diyos (tingnan sa 2 Nephi 6:10–11; 10:3–6). Ang mga tao ng Israel ay natitipon kapag lumapit sila kay Cristo, kapag tinatanggap nila ang Kanyang ebanghelyo sa pamamagitan ng binyag, at pagsunod sa Kanyang mga kautusan. Nangako ang Tagapagligtas sa ikinalat na Israel na hindi Niya sila kalilimutan at titipunin Niya sila sa Kanya sa mga huling araw (tingnan sa 1 Nephi 15:13–14; 2 Nephi 6:11; 9:1–2; 10:7–8).
Pag-aralan ang mga heading ng kabanata ng 1 Nephi 21 at 22 upang mas maunawaan kung ano ang ipinropesiya at itinuro ni Isaias sa mga kabanatang ito.
Pag-aralan ang mga sumusunod na scripture passage tungkol sa pagtitipon ng Israel sa mga huling araw. Bigyang-pansin ang mga salita o parirala na nagsasaad ng pagmamahal ng Panginoon sa Kanyang mga tao.
Sa pagtapos mo sa lesson ngayon, isipin ang natutuhan at nadama mo tungkol sa pagmamahal ng Diyos. Isipin kung paano ka naalala at tinulungan ng Diyos nang may awa at kabaitan. Ano ang magagawa mo upang makapagpakita ng pasasalamat sa ginawa Niya para sa iyo? Maaari mong isulat ang mga naisip at espirituwal na impresyon mo sa iyong study journal.