Seminary
Doctrinal Mastery: Mosias 3:19—“Hubarin ang Likas na Tao at Maging Banal sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.”


“Doctrinal Mastery: Mosias 3:19—‘Hubarin ang Likas na Tao at Maging Banal sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Doctrinal Mastery: Mosias 3:19,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Doctrinal Mastery: Mosias 3:19

“Hubarin ang Likas na Tao at Maging Banal sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.”

mga kabataang magkayakap

Sa iyong pag-aaral ng Mosias 3:19, natutuhan mo kung paano daigin ang likas na tao sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mosias 3:19. Makatutulong din ito sa iyo na maipaliwanag ang doktrinang itinuro sa passage na ito at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

Isaulo at ipaliwanag

Sa nakaraang lesson, natutuhan mo ang sumusunod na katotohanan mula sa Mosias 3:19: Sa pagbibigay-daan sa mga panghihikayat ng Banal na Espiritu, madaraig natin ang likas na tao at magiging mga banal sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mosias 3:19 ay “Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.”

Gumuhit ng isang tatsulok gaya ng sumusunod sa iyong study journal. Hatiin ang reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mosias 3:19 sa apat na bahagi. Isulat ang apat na bahagi sa iyong tatsulok. Halimbawa, maaari mong isulat ang “Mosias 3:19” sa itaas na bahagi ng iyong iginuhit, ang “Hubarin ang likas na tao” sa pangalawang bahagi, at iba pa. Magsanay sa pagsasaulo ng buong parirala sa pamamagitan ng pagtingin mula sa itaas hanggang sa ibaba ng iyong iginuhit hanggang sa maging komportable kang bigkasin ito nang hindi tumitingin.

simpleng itim-at-puting larawan ng isang tatsulok na may apat na bahagi
icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod:

    Kunwari ay nagtuturo ka ng lesson tungkol sa Mosias 3:19 sa isang primary class sa inyong ward o branch. Paano mo maipapaliwanag ang mensahe ng doctrinal mastery passage na ito sa isang grupo ng maliliit na bata? Sumulat ng maikling talata gamit ang sarili mong mga salita na nagpapaliwanag ng doktrina ng Mosias 3:19.

Pagsasabuhay

Rebyuhin sandali ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022). Pumili ng kahit isa sa tatlong alituntunin at magdrowing ng isang simbolo o simpleng larawan na sa palagay mo ay kumakatawan dito.

Maraming taon nang nahihirapan si Toviyah na kontrolin ang kanyang galit. Madalas siyang magalit sa kanyang mga kapatid at magulang at nagtataas ng kanyang boses. Nahihirapan din siyang makihalubilo sa iba sa paaralan. Isang araw, habang kinakausap ang kanyang mga magulang tungkol sa pagkamainitin ng ulo niya, ibinulalas niya: “Sana ay maging mas mapagpasensya akong tao, pero pakiramdam ko ay hindi ko kaya. Ganito na talaga ako!”

  1. Sagutin ang sumusunod na tanong sa isang talata na may kahit limang pangungusap lang.

    • Paano mo gagamitin ang mga turo ng Mosias 3:19 at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang makatulong sa sitwasyong ito?

Pag-isipan ang sumusunod kung kailangan mo ng tulong sa pag-unawa kung paano sasagutin ang nakaraang tanong.

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Sa iyong palagay, paano makatutulong ang mga turo sa Mosias 3:19 sa sitwasyong ito?

  • Ano ang ilang iba pang mga banal na kasulatan o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na sa palagay mo ay makatutulong?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Ano ang ilang paraan kung paano mo makikita ang alalahaning ito nang may walang-hanggang pananaw?

  • Paano makatutulong ang pag-alaala sa mga layunin ng Panginoon sa pagtutulot sa atin na mamuhay sa mundong puno ng kasamaan?

  • Ano ang alam mo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala na makagagawa ng kaibhan sa sitwasyong ito?

Kumilos nang may pananampalataya

  • Ano ang ilang paraan kung paano maaaring kumilos nang may pananampalataya ang isang tao sa sitwasyong ito?