Seminary
Doctrinal Mastery: Mosias 4:9—“Maniwala sa Diyos”


“Doctrinal Mastery: Mosias 4:9—‘Maniwala sa Diyos,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Doctrinal Mastery: Mosias 4:9,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Doctrinal Mastery: Mosias 4:9

“Maniwala sa Diyos”

Larawan
tinedyer na nakatingala, nagninilay-nilay

Sa iyong pag-aaral ng Mosias 4:9–10, natutuhan mo ang kahalagahan ng paniniwala sa Diyos. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mosias 4:9, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

Isaulo at ipaliwanag

Alalahanin ang iyong karanasan sa pag-aaral ng paanyaya ni Haring Benjamin sa Mosias 4:9–10 na maniwala sa Diyos ang kanyang mga tao. Kung kinakailangan, maaari mong basahing muli ang mga talatang ito at pag-aralan ang diagram na ginawa mo sa iyong study journal mula sa nakaraang lesson.

  • Anong mahahalagang katangian ng Diyos ang sinabi ni Haring Benjamin na paniwalaan ng kanyang mga tao?

  • Paano makakaapekto sa buhay mo ang paniniwala sa mga banal na katangiang ito ng Diyos?

Pumili ng isa sa mga katangian ng Diyos na binanggit sa Mosias 4:9–10 na itinuro ni Haring Benjamin na paniwalaan ng kanyang mga tao. Ibahagi kung paano mo ito maipaliliwanag sa isang taong hindi nauunawaan ang ibig sabihin nito.

Ang mahalagang parirala para sa Mosias 4:9 ay “Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.” Ang sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan na ito.

Sa iyong study journal, isulat sa malalaking titik ang salitang maniwala. Sa ibaba nito, isulat ang pariralang sa Diyos, at sa ibaba nito, isulat ang pariralang maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan. Pagkatapos ay isulat ang scripture reference na Mosias 4:9 sa malalaking titik sa ibaba. Simula sa itaas, sabihin nang malakas ang bawat linya habang itinuturo mo ang salita, parirala, o reference. Ulitin ang aktibidad na ito nang maraming beses hanggang sa maisaulo mo ito.

Pagsasabuhay

Rebyuhin sandali ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022). Maaari mong subukang ilista lahat ang tatlong alituntunin ayon sa pagkakatanda mo. Pagkatapos, sa iyong study journal, isulat kung paano mo nagamit, o magagamit, ang mga alituntuning ito.

Basahin ang sumusunod na sitwasyon, at mag-isip ng mga sitwasyon sa iyong buhay kung saan ang iyong paniniwala sa Diyos ay sinubukan o hindi kasingtibay ng gusto mo.

Nasa isang klase si Myra kung saan ginagawang katatawanan ng guro ang relihiyon at hindi ito naniniwala sa Diyos. Ang mga komentong ito ay bumagabag kay Myra noong una, pero pagkalipas ng ilang buwan sa klase, nagsimula na siyang mag-isip kung tama nga ba ang kanyang guro. Noon pa man ay naniniwala na siya sa Diyos, ngunit ngayon tila nadarama niya na nagsisimula na siyang mag-alinlangan na may Diyos.

Gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrina sa Mosias 4:9 upang makatulong sa sitwasyon ni Myra o sa ibang sitwasyon na may kaugnayan sa paniniwala sa Diyos na mas nauugnay sa iyong buhay.

Pag-isipan ang iyong mga sagot sa mga sumusunod na tanong habang pinag-iisipan mo kung paano mo tutulungan si Myra.

Kumilos nang may pananampalataya

  • Ano ang tapat na magagawa ng isang tao kung nahihirapan siyang maniwala sa Diyos?

  • Paano makatutulong sa kanya ang paggawa nito?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Anong mga turo mula sa Mosias 4:9 ang makatutulong sa isang tao sa sitwasyong ito para magkaroon siya ng walang-hanggang pananaw?

  • Paano makakaapekto sa kinabukasan ng isang tao ang desisyon niyang maniwala o hindi maniwala sa Diyos?

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Anong mga karagdagang scripture passage o karanasan (na mayroon ka o ang ibang tao) ang makatutulong sa isang tao na may ganitong hamon?

  • Saan pa makakahanap ng impormasyon ang mga tao upang matulungan sila sa ganitong sitwasyon? Humanap ng kahit isa pang mapagkukuhanan at ipaliwanag kung paano ito makatutulong.

  1. Ibahagi kung paano mo gagamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrinang itinuro sa Mosias 4:9 upang matulungan si Myra sa kanyang sitwasyon.

Print