“Mosias 5:1–5: Wala nang Hangarin pang Gumawa ng Masama,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Mosias 5:1–5,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Mosias 5:1–5
Wala nang Hangarin pang Gumawa ng Masama
Kung minsan, maaaring madama natin na kailangan nating gumawa ng mga pagbabago o pagbutihin ang isang bagay na ginagawa natin. Ganito ang nadama ng mga tao ni Haring Benjamin matapos makinig sa mga sinabi niya tungkol kay Jesucristo at kung saan Niya tayo inililigtas. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na madagdagan ang iyong hangaring magbago o patuloy na magbago sa tulong ng Panginoon.
Pagiging katulad ni Jesucristo
Tingnan ang mga sumusunod na bagay at pag-isipan kung paano nagbabago ang isang bagay at nagiging iba.
-
Ano ang nagpabago sa mga bagay na ito?
-
Ano ang mga dahilan ng pagbabago ng mga tao?
-
Paano natutulad o naiiba ang pagbabago ng Panginoon sa ating puso sa pagbabago ng mga bagay na ito?
Isipin kung gaano mo nadarama na angkop sa iyo ang sumusunod na pahayag:
-
Gusto kong tulungan ako ng Panginoon na magbago para maging mas mabuti.
Maglaan ng isa o dalawang minuto upang pag-isipan kung bakit ganoon ang nadarama mo. Maaaring kabilang dito ang pag-iisip ng mga paraan kung paano ka natulungan ng Panginoon noon.
Habang pinag-aaralan mo ang Mosias 5, alamin ang mga dahilan kung bakit gusto mong humingi ng tulong sa Panginoon para sa pagbabago at pagpapakabuti.
Pagkakaroon ng pagbabago ng puso
Matapos magsalita si Haring Benjamin sa kanyang mga tao, gusto niyang malaman kung sila ay “naniwala sa mga salitang kanyang sinabi sa kanila” (Mosias 5:1).
Basahin ang Mosias 5:1–5 upang malaman kung paano sila tumugon. Maaari mo ring panoorin ang video na “Nakipagtipan ang mga Tao ni Haring Benjamin” mula sa time code na 0:00 hanggang 1:37, na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.
Paano nagbago ang mga tao |
Ano ang dahilan ng pagbabago ng mga tao |
---|---|
Paano nagbago ang mga tao
| Ano ang dahilan ng pagbabago ng mga tao
|
Batay sa Mosias 5:1–5, kumpletuhin ang sumusunod na parirala.
Kapag nagbago ang ating puso sa pamamagitan ng Espiritu ng Panginoon, tayo ay …
Mahalagang maunawaan na bagama’t ang mga tao ni Haring Benjamin ay “wala nang hangarin [o pagnanais] pang gumawa ng masama” (Mosias 5:2), hindi ibig sabihin nito na hindi na sila muling nagkasala. Sa halip, binago ng Panginoon ang kanilang puso upang taos-pusong maghangad na gumawa ng mabuti at iwasan ang kasalanan.
Unawain ang pagbabago
Maaari mong markahan sa Mosias 5:3 ang pariralang “sa pamamagitan ng walang hanggang kabutihan ng Diyos.” Upang tunay na maunawaan ang pagbabagong nangyari sa mga tao ni Haring Benjamin, kailangan nating maunawaan kung paano tayo matutulungan ni Jesucristo na magbago.
Ipinaliwanag ni Sister Wendy W. Nelson:
Ang Tagapagligtas ang tanging tunay at buhay na tagapagdala ng pagbabago. Siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagbabago. … Ilalabas Niya ang pinakamagandang katangian ninyo, kapag bumaling kayo sa Kanya. Tunay ngang sasagipin Niya ang lahat ng pinakamagandang katangian ninyo na nasa kaibuturan ng inyong pagkatao. …
… Mahal Niya kayo. Mahal Niya ang inyong mga pagsisikap na magbago.
Nais Niya na magbago kayo, sa paglipas ng panahon, lubusang iwinawaksi ang likas na tao, magkaroon ng pagbabago ng puso, ng pagbabago ng pagkatao. Si Jesus ang Cristo ay ginawa ang lahat ng ginawa Niya upang makapagbago kayo! Siya ang Tagapagligtas ninyo at Tagapagligtas ko!
At habang masigasig tayong nagsusumamo upang magamit sa ating buhay ang kapangyarihan ng Kanyang walang-hanggan at nagbabayad-salang sakripisyo, ang Kanyang huling pagpapagaling ay magdudulot sa bawat isa sa atin ng pinakadakilang pagbabagong hinahangad natin. (Wendy W. Nelson, “Change: It’s Always a Possibility!” [Brigham Young University devotional, Abril 7, 1998], 10, speeches.byu.edu)
Isipin ang isang taong kilala mo na nagbago sa tulong ni Jesucristo. ChurchofJesusChrist.org
-
Paano tinulungan ng Panginoon ang taong ito?
-
Anong mga pagsisikap ang ginawa ng taong ito upang magbago?
-
Sa inyong palagay, bakit humahantong ang mga pagbabagong ito sa mas malaking kagalakan?
Gawing permanente ang pagbabago
Upang tapusin ang iyong pag-aaral, isipin ang iyong buhay at ang iyong kasalukuyang pagsulong tungo sa pagiging katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Pag-isipan ang nadarama mong ipagagawa sa iyo ng Espiritu Santo dahil sa natutuhan at nadama mo.