Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 10: Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 10: Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 10,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 10

Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage

kabataang nag-aaral sa computer

Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang matutuhan kung paano ipamuhay ang doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage sa mga sitwasyon sa totoong buhay. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng mga pagkakataon na magsanay na maipamuhay ang ilan sa mga doctrinal mastery passage na napag-aralan mo ngayong taon sa iyong sariling buhay.

Rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage

Gamit ang sumusunod na chart, rebyuhin ang unang 12 doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala mula sa Aklat ni Mormon. Pagkatapos, pumili ng isa na makabuluhan sa iyo at basahin ang buong scripture passage.

Unang 12 Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

1 Nephi 3:7

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:25

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.”

Scripture Reference

2 Nephi 26:33

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”

Scripture Reference

2 Nephi 28:30

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:3

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:8–9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan kayong laging manalangin.”

Scripture Reference

Mosias 2:17

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”

Scripture Reference

Mosias 2:41

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”

Scripture Reference

Mosias 3:19

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.”

Scripture Reference

Mosias 4:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.”

Scripture Reference

Mosias 18:8–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.”

  • Aling doctrinal mastery passage ang pinakamakabuluhan para sa iyo? Bakit? (Maaari mong ibahagi ang iyong piniling passage sa isang kaibigan o kamag-anak.)

Pag-uugnay ng mga katotohanan ng ebanghelyo sa iyong buhay at kalagayan

Habang pinag-aaralan mo ang mga banal na kasulatan, ang isang paraan para maiakma at maipamuhay ang natututuhan mo ay subukang gumawa ng mga ugnayan sa sarili mong buhay at kalagayan. Halimbawa, maaaring nahihirapan ka sa isang partikular na tanong o hamon. Ang paghahanap ng mga sagot habang binabasa mo ang mga banal na kasulatan ay isang epektibong paraan para mas maiugnay ang iyong pag-aaral.

Aktibidad A

icon, isulat
  1. Mag-isip ng kasalukuyang hamon o problema na karaniwan sa mundo ngayon na nakakabagabag para sa iyo. Ilarawan nang maikli ang hamon, pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong:

    • Mayroon bang anumang doctrinal mastery passage na sa palagay mo ay tutugon sa problema? Paano maiiba ang mundo kung ipinamumuhay ng karamihan ng mga tao ang mga katotohanan mula sa napili mong doctrinal mastery passage? Tumukoy ng isa o dalawang partikular na halimbawa.

    • Gamit ang doktrina mula sa napili mong doctrinal mastery passage, ano ang maaari mong sabihin sa isang taong nahaharap sa hamong ito?

Aktibidad B

Isipin ang iyong kasalukuyang sitwasyon, kabilang na ang anumang personal na tanong, hamon, o pag-uugali na maaari mong ihingi ng tulong. Rebyuhin ang listahan ng mga doctrinal mastery passage, at maghanap ng mga katotohanan na makatutulong sa iyo sa mga tanong, hamon, o pag-uugaling ito. Pumili ng kahit isang doctrinal mastery passage na maaaring makatulong sa iyo sa isang bagay na kinakaharap mo ngayon.

  1. Isulat kung aling doctrinal mastery passage ang pinili mo, pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong nang hindi nagbabahagi ng anumang bagay na napakapersonal:

    • Paano magiging pagpapala sa iyong buhay at kalagayan ang pagsasabuhay ng doktrina mula sa napili mong doctrinal mastery passage?

    • Paano makatutulong sa iyo ang pagsasagawa ng mga katotohanan mula sa passage na iyon para mas mapalapit ka kay Jesucristo at maging higit na katulad Niya?

    • Ano ang isa o dalawang maliliit na hakbang na magagawa mo para simulang ipamuhay ang mga katotohanang ito?