Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Apendise B: “Malilinaw at Mahahalagang Katotohanan”


“Apendise B: ‘Malilinaw at Mahahalagang Katotohanan’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Aklat ni Mormon 2020 (2020)

“Apendise B,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2020

Apendise B

“Malilinaw at Mahahalagang Katotohanan”

Ang Aklat ni Mormon ay inihanda para ilabas sa mga huling araw, isang panahon ng malawakang pagkalito tungkol sa doktrina, o walang-hanggang katotohanan ng Diyos. Bahagi ng banal na layunin ng aklat na iyon, tulad ng nakinita ni Nephi, ang “[magpatibay] sa katotohanan ng [Biblia],” “[ipaalam] ang malilinaw at mahahalagang bagay” na nawala sa paglipas ng mga siglo, at “[ipaalam] sa lahat ng lahi, wika, at tao, na ang Kordero ng Diyos ang anak ng Amang Walang Hanggan, at ang Tagapagligtas ng sanlibutan” (1 Nephi 13:40).

Ang Aklat ni Mormon ay naghahayag ng mga walang-hanggang katotohanang nawala noong panahon ng Apostasiya at nagdaragdag ng ikalawa at naglilinaw na patotoo sa maraming katotohanang itinuro sa Biblia. Narito ang ilan sa mga katotohanang iyon. Hanapin ang mga ito at ang iba pang malilinaw at mahahalagang katotohanan habang pinag-aaralan mo ang Aklat ni Mormon.

Ang Panguluhang Diyos

  • Ang Ama sa Langit, si Jesucristo, at ang Espiritu Santo ay magkakahiwalay na nilalang ngunit iisa ang layunin (tingnan sa 3 Nephi 11:32, 36).

  • Ang Tagapagligtas ay may pisikal na katawan (tingnan sa 3 Nephi 11:10–17).

Iba pang mga talata sa banal na kasulatan tungkol sa Panguluhang Diyos: 2 Nephi 31:6–8; Eter 12:41

Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo

  • Si Jesucristo ay nagdusa para sa ating mga kasalanan at pasakit upang malaman Niya kung paano tayo tutulungan (tingnan sa Alma 7:11–13).

  • Tayo ay magiging perpekto sa pamamagitan ng biyaya ni Jesucristo (tingnan sa Moroni 10:32–33).

Iba pang mga talata sa banal na kasulatan tungkol sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas: 1 Nephi 10:6; 2 Nephi 2:6–9; Jacob 4:11–12; Mosias 3:1–19; Alma 34:8–16

Ang Plano ng Kaligtasan

  • Ang Pagkahulog nina Adan at Eva ay mahalagang bahagi ng plano ng Ama sa Langit (tingnan sa 2 Nephi 2:22–27).

  • Kailangan ang oposisyon para magamit natin ang ating kalayaan (tingnan sa 2 Nephi 2:11–16).

  • Tayo ay hahatulan alinsunod sa ating mga gawa at hangarin ng ating puso (tingnan sa Alma 41:3–7).

  • Ang “lawa ng apoy at asupre” ay simbolo ng pagdurusa ng mga hindi nagsisisi (tingnan sa 2 Nephi 9:16–19; Mosias 3:24–27).

Iba pang mga talata sa banal na kasulatan tungkol sa plano ng kaligtasan: 2 Nephi 9:11–26; Alma 22:12–14; 34:31–35; 42:1–26

Ang Apostasiya at ang Panunumbalik

Iba pang mga talata sa banal na kasulatan tungkol sa Apostasiya: 1 Nephi 13:1–9, 24–29; 2 Nephi 27–28

Iba pang mga talata sa banal na kasulatan tungkol sa Panunumbalik: 1 Nephi 14:7–12; 22:7–11; 2 Nephi 3:7–24; 25:17–18

Mga Propeta at Paghahayag

  • Pinatototohanan ng lahat ng propeta si Jesucristo (tingnan sa Mosias 13:33–35).

  • Ang kaalaman tungkol sa espirituwal na katotohanan ay dumarating sa pamamagitan ng Espiritu Santo (tingnan sa Alma 5:45–47).

  • Hindi lahat ng salita ng Diyos ay nasa Biblia (tingnan sa 2 Nephi 29:10–13).

  • Hindi pa tumitigil ang paghahayag mula sa Diyos sa ating panahon (tingnan sa Mormon 9:7–9).

Iba pang mga talata sa banal na kasulatan tungkol sa mga propeta: 1 Nephi 22:1–2; Mosias 8:16–18; Helaman 13:24–33

Iba pang mga talata sa banal na kasulatan tungkol sa paghahayag: Jacob 4:8; Alma 12:9–11; 17:2–3; Moroni 10:5

Priesthood

  • Ang mga mayhawak ng priesthood ay tinawag at inihanda mula pa nang itatag ang mundo (tingnan sa Alma 13:1–3).

  • Kailangang tumanggap ang isang tao ng awtoridad mula sa Diyos para ipangaral ang ebanghelyo (tingnan sa Mosias 23:17).

Iba pang mga talata sa banal na kasulatan tungkol sa priesthood: Mosias 18:17–20; Alma 13; Helaman 10:7

Mga Ordenansa at Tipan

Iba pang mga talata sa banal na kasulatan tungkol sa mga ordenansa: Mosias 18:8–17; 21:33–35; Alma 13:16; 3 Nephi 18:1–11; Moroni 2–6; 8:4–26

Iba pang mga talata sa banal na kasulatan tungkol sa mga tipan: 2 Nephi 11:5; Mosias 5:1–9; Alma 24:17–18

Pagsasama ng Mag-asawa at Pamilya

  • Dapat magmahalan ang mga mag-asawa (tingnan sa Jacob 3:5–7).

  • Dapat palakihin ng mga magulang ang kanilang mga anak para sa Panginoon (tingnan sa 1 Nephi 7:1).

Iba pang mga talata sa banal na kasulatan tungkol sa pagsasama ng mag-asawa at pamilya: 1 Nephi 1:1; 2 Nephi 25:26; Jacob 2:23–28; Enos 1:1; Mosias 4:14–15; 3 Nephi 18:21

Mga Kautusan

  • Maghahanda ng paraan ang Panginoon para maisagawa natin ang Kanyang mga utos (tingnan sa 1 Nephi 3:7).

  • Nangangako ang Diyos na pagpapalain tayo kung susundin natin ang Kanyang mga utos (tingnan sa Mosias 2:22–24).

Iba pang mga talata sa banal na kasulatan tungkol sa mga kautusan: 1 Nephi 17:3; 22:30–31; Alma 37:13, 35; 50:20

Print