“Karagdagang Resources” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)
“Karagdagang Resources,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2021
Karagdagang Resources
Karamihan sa resources na ito ay matatagpuan sa Gospel Library app at sa ChurchofJesusChrist.org.
Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata
Ang sagradong musika ay nag-aanyaya ng Espiritu at nagtuturo ng doktrina sa paraan na madali itong matandaan. Bukod pa sa mga print version ng Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata, makakakita ka ng mga audio at video recording ng maraming himno at awiting pambata sa music.ChurchofJesusChrist.org at sa Sacred Music app.
Mga Manwal sa Seminary at Institute
Ang mga manwal sa seminary at institute ay nagbibigay ng mga impormasyon sa kasaysayan at komentaryo tungkol sa doktrina para sa mga alituntunin at salaysay na matatagpuan sa mga banal na kasulatan.
Mga Magasin ng Simbahan
Ang mga magasing Friend, New Era, Ensign, at Liahona ay may mga kuwento at aktibidad na maaaring makaragdag sa mga alituntuning itinuturo mo mula sa Doktrina at mga Tipan.
Mga Paksa ng Ebanghelyo
Matatagpuan mo sa Gospel Topics ang pangunahing impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa ng ebanghelyo, pati na ang mga link sa makakatulong na resources, tulad ng kaugnay na mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, artikulo, banal na kasulatan, at video. Matatagpuan mo rin ang Gospel Topics Essays, na nagbibigay ng mga detalyadong sagot sa mga tanong tungkol sa doktrina at kasaysayan.
Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan
Ang Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan ay gumagamit ng mga larawan at pinasimpleng wika upang matulungan ang mga bata na matuto mula sa Doktrina at mga Tipan. Makakakita ka rin ng mga video ng mga kuwentong ito sa Gospel Library app at Gospel Media Library sa ChurchofJesusChrist.org.
Scripture Stories Coloring Book: Doktrina at mga Tipan
Ang resource na ito ay naglalaman ng mga pahina ng aktibidad na idinisenyo upang mapahusay ang pagkatuto ng mga bata mula sa Doktrina at mga Tipan.
Mga Video at Sining
Ang mga likhang-sining, video, at iba pang media ay makatutulong sa inyong pamilya na ilarawan sa inyong isipan ang doktrina at mga kuwentong may kaugnayan sa mga banal na kasulatan. Bisitahin ang Gospel Media Library sa ChurchofJesusChrist.org upang i-browse ang koleksyon ng Simbahan ukol sa media resources. Ang resources na ito ay makukuha rin sa Gospel Media app, at maraming imahe ang matatagpuan din sa Gospel Art Book.
Mga Banal
Ang Mga Banal ay mga salaysay ng kasaysayan ng Simbahan na mayroong ilang tomo. Ang Tomo 1, Ang Pamantayan ng Katotohanan, at tomo 2, Walang Hindi-Pinabanal na Kamay, ay sinasakop ang katulad na panahon ng kasaysayan ng Simbahan na makikita sa Doktrina at mga Tipan. Ang mga kasaysayang ito ay makapagbibigay sa iyo ng kaalaman tungkol sa konteksto na may kaugnayan sa mga paghahayag na pinag-aaralan mo sa Doktrina at mga Tipan.
Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan
Maraming artikulo tungkol sa mga tao, mga artifact, heograpiya, at pangyayari sa kasaysayan ng Simbahan ang matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org/study/history/topics.
Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas
Matutulungan ka ng resource na ito na matutuhan at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ni Cristo.