Doktrina at mga Tipan 2021
Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya


“Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya,Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)

“Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya,Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2021

Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya

Para Kanino ang Resource na Ito?

Ang resource na ito ay para sa bawat indibiduwal at pamilya sa Simbahan. Layon nitong tulungan ka na matutuhan ang ebanghelyo—mag-isa ka man o kasama ang iyong pamilya. Kung hindi ka regular na nag-aaral ng ebanghelyo noon, matutulungan ka ng resource na ito na magsimula. Kung nakasanayan mo nang mag-aral ng ebanghelyo, matutulungan ka ng resource na ito na magkaroon ng mga mas makabuluhang karanasan.

Paano Ko Dapat Gamitin ang Resource na Ito?

Gamitin ang resource na ito sa anumang paraan na makatutulong sa iyo. Maaari itong makatulong sa iyo bilang gabay o tulong sa pag-aaral ng banal na kasulatan nang mag-isa o kasama ang iyong pamilya. Magagamit mo rin ito para sa home evening. Ang mga outline ay nagtatampok ng mahahalagang alituntuning matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan, nagmumungkahi ng mga ideya at aktibidad sa pag-aaral para sa mga indibiduwal at pamilya, at naglalaan ng mga lugar para maitala ang iyong mga impresyon.

Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay hindi nilayon upang palitan o makipagpaligsahan sa mabubuting bagay na ginagawa mo. Sundin ang patnubay ng Espiritu upang malaman kung paano mo gagawin ang iyong personal na pag-aaral ng salita ng Diyos.

Paano Nauugnay ang Resource na Ito sa Nangyayari sa Simbahan?

Ang mga outline sa resource na ito ay inorganisa ayon sa lingguhang iskedyul ng pagbabasa. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary at ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School ay pareho ng sinusunod na iskedyul. Para suportahan ang mga pagsisikap mong matutuhan at maipamuhay ang ebanghelyo sa tahanan, bibigyan ka ng iyong mga guro ng mga pagkakataong ibahagi ang iyong mga karanasan, ideya, at tanong tungkol sa mga talata sa banal na kasulatan na pinag-aaralan mo sa tahanan.

Dahil dalawang beses lang sa isang buwan itinuturo ang Sunday School, maaaring piliin ng mga guro sa Sunday School na laktawan o pagsamahin ang mga outline para masunod ang lingguhang iskedyul. Maaaring kailangan din itong gawin sa mga linggo na hindi nagdaraos ng regular na mga miting sa Simbahan dahil sa mga stake conference o iba pang mga dahilan. Sa mga linggong tulad nito, inaanyayahan kang patuloy na pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan sa tahanan.

Kailangan Ko Bang Sundin ang Iskedyul?

Ang iskedyul ay makatutulong sa iyo na tapusing basahin ang Doktrina at mga Tipan bago matapos ang taon. Bukod pa rito, ang pagsunod sa iskedyul na katulad ng sa iba ay hahantong sa makabuluhang mga karanasan sa tahanan, sa Simbahan, at saanman. Ngunit huwag isiping nalilimitahan ka ng mga iskedyul o pinipilit na basahin ang bawat talata; ang iskedyul ay gabay lamang para tulungan kang orasan ang iyong sarili. Ang mahalaga ay natututuhan mo ang ebanghelyo nang mag-isa at bilang pamilya.

mag-asawang nag-aaral ng mga banal na kasulatan