“Mga Council Meeting sa Unang Linggo,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Melchizedek Priesthood at Relief Society (2017)
Mga Council Meeting sa Unang Linggo
Mga Council Meeting sa Unang Linggo
Sa unang Linggo ng bawat buwan, ang mga miting ng korum, grupo, at Relief Society ay hindi magkakaroon ng isang lesson na itinuturo ng isang guro. Sa halip, ang mga presidency o group leader ang mamumuno sa isang council meeting. Ang bawat korum, grupo, o Relief Society ay mag-uusap tungkol sa mga lokal na responsibilidad, oportunidad, at hamon; matututo sa mga ideya at karanasan ng isa’t isa; at magpaplano ng mga paraan upang sundin ang mga pahiwatig na natanggap mula sa Espiritu.
“Nasa paligid natin ang paghahayag.”1
Elder Neil L. Andersen
Bago Mag-Council Meeting
-
Tinutukoy ng mga lider ang mga lokal na responsibilidad, oportunidad, at hamon at mapanalanging pumipili ng isang paksa na pag-uusapan.
-
Hinahangad ng bawat isa ang patnubay ng Espiritu.
-
Naghahanda ang lahat upang magbahagi ng mga ideya at karanasan.
Sa Oras ng Council Meeting
-
Inaanyayahan ng mga lider ang mga miyembro na magbahagi ng mga karanasan sa pagsunod sa mga pahiwatig na natanggap nila sa nakaraang mga miting.
-
Nagsasanggunian ang lahat tungkol sa paksa, nakikinig sa isa’t isa, at naghahangad ng patnubay ng Espiritu.
-
Ibinubuod ng mga lider ang mahahalagang punto at nag-aanyayang kumilos.
Pagkatapos ng Council Meeting
-
Sinusunod ng lahat ang mga pahiwatig at paanyaya, nang sama-sama at bilang mga indibidwal.
-
Naghahanda ang lahat upang ibahagi ang kanilang mga karanasan sa susunod na miting.
“Tayo ang Kanyang mga kamay.”2
Pangulong Dieter F. Uchtdorf
Mga Alituntunin ng Pagsasanggunian
Hindi lahat ng council meeting ay magkakatulad. Hayaan ninyong ang Panginoon ang magturo sa inyo. Narito ang ilang alituntunin upang makapagsimula kayo:
-
Ang layunin ng council meeting ay ang makapagsanggunian ang bawat isa tungkol sa mga lokal na responsibilidad, oportunidad, at hamon; matuto sa mga ideya at karanasan ng isa’t isa; at magplano ng mga paraan upang sundin ang mga pahiwatig na natanggap mula sa Espiritu.
-
Ang isang council meeting ay dapat na humantong sa pagkilos—mga plano ng indibidwal at grupo na binigyang-inspirasyon ng Espiritu, na kumilos pagkatapos ng miting upang maisakatuparan ang gawain ng Panginoon (tingnan sa D at T 43: 8-9).
-
Dapat gamitin ng mga council ang mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta at apostol sa mga huling araw, iba pang mga General Authority, at mga General Officer upang gabayan at suportahan ang talakayan. Sa ganitong paraan, ang mga salita ng inspiradong mga lider ng Simbahan ay makatutulong sa mga korum, grupo, at Relief Society upang matugunan ang mahahalagang pangangailangan.
-
Hindi dapat talakayin ang mga kompidensyal o sensitibong isyu tungkol sa mga indibidwal na miyembro o mga pamilya.
-
Kahit pinamumunuan ng isang miyembro ng presidency o group leadership ang council meeting, hindi lamang siya ang magsasalita sa pagbabahagi. Pinasisimulan ng lider ang isang isyung tatalakayin at inaanyayahan ang lahat na magbahagi ng mga ideya at karanasan, ayon sa patnubay ng Espiritu.
-
Samantalang walang dapat makadama ng pamimilit na makibahagi, lahat ay dapat malayang makapagbahagi ng mga komento at mga ideya nang walang takot na mapuna.
-
Kung maaari, umupo nang pabilog dahil makatutulong ito sa bukas na pagbabahagi at talakayan.
Mga Paksang Maaaring Talakayin sa mga Council Meeting sa Unang Linggo
Ang mga ideya para sa mga paksang tatalakayin sa mga council meeting ay maaaring magmula sa ward council, presidency meeting, plano ng area, mga impresyon ng mga lider mula sa paglilingkod sa mga miyembro, at mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo. Ang mga paksa sa ibaba ay mga mungkahi lamang. Maaaring alam ng mga lider ang iba pang mga pangangailangan na nadarama nilang dapat talakayin.
-
Paano natin mabibigyan ng tamang pansin at oras ang iba’t ibang mga responsibilidad natin?
-
Paano tayo mas mapapalapit sa Diyos at tatanggap ng higit pang patnubay mula sa Espiritu sa ating buhay at sa ating mga tahanan?
-
Paano natin ibabahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan at kapitbahay? (tingnan sa Alma 17).
-
Paano natin mapoprotektahan ang ating sarili at ating pamilya mula sa di-angkop na media at pornograpiya? (tingnan sa D at T 42:22-23).
-
Ano ang gagawin natin para turuan at palakasin ang ating mga anak at mga kabataan sa ating ward?
-
Paano natin mapag-iibayo ang pagkakaisa sa ating mga korum, grupo, o Relief Society? (tingnan sa Mosias 18:19–22).
-
Paano tayo higit na makikibahagi sa gawain sa family history at pagsamba sa templo?
-
Paano natin hihilingin ang tulong ng Panginoon kapag tayo ay naghahangad ng mga sagot sa ating mga katanungan at ng mas malalim na pag-unawa sa ebanghelyo?
-
Paano magiging mas mabuting mga lider ang mga magulang sa tahanan?
-
Paano natin mapapalakas ang ating patotoo tungkol sa Panginoon at sa Kanyang ebanghelyo at matutulungan ang ating pamilya upang maging self-reliant sa espirituwal?
-
Ano ang ibig sabihin ng maglingkod? Paano tayo naglilingkod sa mga taong nasa paligid natin? (tingnan sa I Ni Pedro 4:11).
Kung maaari, ipaaalam ng mga lider sa mga miyembro ang paksa nang maaga upang sila ay maging handa na talakayin ito.