“Karagdagang Resources sa Pagtuturo ng mga Bata,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Aklat ni Mormon 2021 (2020)
“Karagdagang Resources sa Pagtuturo ng mga Bata,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2021
Karagdagang Resources sa Pagtuturo ng mga Bata
Ang resources na ito ay matatagpuan sa Gospel Library app at sa ChurchofJesusChrist.org.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya
Maaari mong iakma ang mga aktibidad mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya para magamit sa inyong klase sa Primary. Huwag mag-alala kung nagawa na ng mga bata ang mga aktibidad na ito sa bahay kasama ng kanilang mga pamilya; ang pag-uulit ay tumutulong sa mga bata na matuto. Sa Primary, maaaring naisin ng mga bata na ibahagi sa iba ang natututuhan nila sa tahanan tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo.
Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata
Ang sagradong musika ay nag-aanyaya sa Espiritu at nagtuturo ng doktrina sa paraan na madali itong matandaan. Bukod pa sa mga print version ng Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata, makakakita ka ng mga audio at video recording ng maraming himno at mga awiting pambata sa music.ChurchofJesusChrist.org at sa mga app na Sacred Music and Gospel Media.
Masdan ang Inyong mga Musmos
Marami sa mga paksang tinalakay sa manwal ng nursery na Masdan ang Inyong mga Musmos: Manwal sa Nursery ay katulad sa mga ituturo mo sa Primary. Lalo na kung nagtuturo ka ng mas maliliit na bata, isipin na tingnan ang manwal ng nursery para sa mga karagdagang awitin, kuwento, aktibidad, at crafts.
Mga Magasin na Friend at Liahona
Ang mga magasin na Friend at Liahona ay may mga kuwento at aktibidad na maaaring sumuporta sa mga alituntunin na iyong itinuturo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.
Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan
Ang Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan ay gumagamit ng mga larawan at pinasimpleng wika upang matulungan ang mga bata na matuto mula sa Doktrina at mga Tipan. Makakakita ka rin ng mga video ng mga kuwentong ito sa Gospel Library app at Gospel Media Library sa ChurchofJesusChrist.org.
Coloring Book ng mga Kuwento sa Banal na Kasulatan: Doktrina at mga Tipan
Ang resource na ito ay naglalaman ng mga aktibidad na nilayong tumulong na mas mapabuti ang pag-aaral ng mga bata sa Doktrina at mga Tipan.
Mga Video at Sining
Ang mga ipinintang larawan, mga video, at iba pang media ay makatutulong sa mga tinuturuan mo na ilarawan sa isipan ang doktrina at mga kuwentong may kaugnayan sa mga banal na kasulatan. Bisitahin ang Gospel Media Library sa ChurchofJesusChrist.org upang makita ang koleksyon ng media resources ng Simbahan. Ang resources na ito ay makukuha rin sa Gospel Media app, at maraming mga imahe ang matatagpuan din sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo.
Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas
Ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas ay maaaring makatulong sa iyo na matutuhan at gamitin ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ni Cristo. Ang mga alituntuning ito ay tinatalakay at pinapraktis sa mga teacher council meeting.
Mga Banal
Ang Mga Banal ay isang serye ng mga aklat na nagsasalaysay ng kasaysayan ng Simbahan. Ang Tomo 1, Ang Pamantayan ng Katotohanan, at Tomo 2, Walang Kamay na Di Pinaging Banal ay sumasaklaw sa parehong panahon ng kasaysayan ng Simbahan na nasa Doktrina at mga Tipan. Ang mga kasaysayang ito ay makapagbibigay sa iyo ng kaalaman tungkol sa mga konteksto na may kaugnayan sa mga paghahayag na pinag-aaralan ninyo sa Doktrina at mga Tipan.