Doktrina at mga Tipan 2021
Isang Huwaran sa Pagtuturo


“Isang Huwaran sa Pagtuturo,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)

“Isang Huwaran sa Pagtuturo,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2021

Larawan
mga bata sa klase

Isang Huwaran sa Pagtuturo

Sa resource na ito, makikita mong inuulit sa bawat outline ang sumusunod na huwarang may tatlong hakbang: mag-anyayang magbahagi, ituro ang doktrina, at maghikayat ng pag-aaral sa tahanan. Sa maraming pagkakataon, habang nagtuturo ka, ang mga bahagi ng huwarang ito ay maaaring magkasabay o maiba ang pagkakasunud-sunod. Halimbawa, isipin na ang pagbabahagi ay isang oportunidad para ituro ang doktrina, at ang pagtuturo ng doktrina ay dapat kabilangan ng mga paanyayang magbahagi. Gayundin, ang paghihikayat ng pag-aaral sa tahanan ay maaaring maganap sa buong talakayan sa klase. Hayaang likas na maganap ang mga pag-aangkop sa huwarang ito, habang sinusunod ang mga pahiwatig ng Espiritu upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga batang iyong tinuturuan.

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Bilang bahagi ng bawat klase, anyayahan ang mga bata na ibahagi ang kanilang mga nadarama, ideya, karanasan, at patotoo tungkol sa mga alituntuning itinuturo mo. Ang kanilang mga komento ay maaaring kabilangan ng mga naranasan nila sa pag-aaral sa tahanan. Maaari mo ring rebyuhin ang natutuhan nila noong nakaraang linggo at itanong kung paano ito nakaimpluwensya sa buhay nila.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay makakatulong sa iyo na mas maunawaan ang doktrina na ituturo mo sa mga bata. Isipin ang mga talata sa banal na kasulatan, siping-banggit, karanasan, katanungan, at iba pang resources na maaari mong ibahagi para tulungan ang mga bata na matuto at kumilos ayon sa mga alituntunin ng ebanghelyo. Maghanap ng malikhaing mga paraan upang maging kapana-panabik para sa kanila ang mga natututuhan nila.

Larawan
icon ng pag-aaral

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Dahil ang tahanan ang sentro ng pag-aaral ng ebanghelyo, isa sa iyong mga layunin bilang guro sa Primary ay ang maghikayat ng pag-aaral sa tahanan. Paano mo matutulungan ang mga bata na ibahagi sa kanilang pamilya ang natutuhan nila sa klase? Paano mo mahihikayat ang mga bata at ang kanilang mga magulang na patuloy na matuto sa bahay mula sa Doktrina at mga Tipan?

Print