Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Oktubre 14–20. Mga Taga Filipos; Mga Taga Colosas: ‘Lahat ng Bagay ay Aking Magagawa [sa pamamagitan ni Cristo] na Nagpapalakas sa Akin’


“Oktubre 14–20. Mga Taga Filipos; Mga Taga Colosas: ‘Lahat ng Bagay ay Aking Magagawa [sa pamamagitan ni Cristo] na Nagpapalakas sa Akin’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Oktubre 14–20. Mga Taga Filipos; Mga Taga Colosas,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019

Larawan
idinidikta ni Pablo ang isang liham mula sa bilangguan

Oktubre 14–20.

Mga Taga Filipos; Mga Taga Colosas

“Lahat ng Bagay ay Aking Magagawa [sa pamamagitan ni Cristo] na Nagpapalakas sa Akin”

Basahin ang Mga Taga Filipos at Mga Taga Colosas na iniisip ang mga batang tinuturuan mo. Maghangad ng inspirasyon kung paano ituturo sa kanila ang mga alituntunin sa mga sulat na ito.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Itanong sa mga bata kung ano ang ginawa nila nitong nakaraang linggo para tulungan ang isang taong nangangailangan ng isang kaibigan, tulad ng tinalakay sa klase noong nakaraang linggo.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Nakababatang mga Bata

Mga Taga Filipos 1:3-4; Mga Taga Colosas 1:3, 9

Mahal ako at ipinagdarasal ng mga pinuno ng Simbahan.

Madalas simulan ni Pablo ang kanyang mga sulat sa pagpapahayag ng pagmamahal sa mga miyembro ng Simbahan at pagsasabi sa kanila na ipinagdarasal niya sila. Isipin kung paano mo maipapaunawa sa mga bata na mahal sila ng kanilang mga pinuno ng Simbahan.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Basahin nang malakas ang Mga Taga Filipos 1:3–4 at Mga Taga Colosas 1:3, 9, at pahalukipkipin at payukuin ang mga bata tuwing maririnig nila ang mga salitang pananalangin, idinadalangin, at daing. Ipaliwanag na ipinagdasal ni Apostol Pablo ang mga miyembro ng Simbahan, tulad ng pagdarasal ng ating mga pinuno ng Simbahan para sa atin ngayon.

  • Magpakita ng larawan ni Jesucristo, at magbahagi ng mga halimbawa ng pagdarasal Niya para sa isang tao (tingnan sa Lucas 22:32; 3 Nephi 19:21, 23). Ano ang hiniling ni Jesus nang ipagdasal Niya ang iba?

  • Tulungan ang mga bata na ibigay ang pangalan ng ilan sa kanilang mga pinuno ng Simbahan, tulad ng Primary president, bishop, at Pangulo ng Simbahan. Ipaliwanag na hinihiling ng mga pinunong ito sa Ama sa Langit na pagpalain ang mga bata at tulungan silang mamuhay nang matwid. Isiping sabihin sa mga bata ang sinasabi mo kapag ipinagdarasal mo sila.

Mga Taga Filipos 4:4, 8

Maaari akong magalak sa Panginoon.

Hinikayat ni Pablo ang mga Banal na magalak—kahit naharap sila sa mahihirap na pagsubok at si Pablo mismo ay nakakulong. Paano mo maipapakita sa mga bata na ang pamumuhay ayon sa ebanghelyo ay nagdudulot ng kagalakan?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Hilingin sa mga bata na pakinggan ang isang inulit na salita habang binabasa mo ang Mga Taga Filipos 4:4. Hilingin sa mga bata na ipakita sa iyo kung ano ang maaari nilang gawin kapag sila ay nagagalak. Ipaunawa sa kanila na ang ibig sabihin ng “mangagalak … sa Panginoon” ay maging masaya dahil nasa atin ang ebanghelyo at dahil mahal tayo ni Jesucristo.

  • Magdala ng mga bagay o larawang kumakatawan sa mga bagay na makakatulong sa iyo na “[magalak] sa Panginoon.” Maaari kang magdala ng isang magandang likha ng Diyos o isang larawan ng templo, ng nabuhay na mag-uling Tagapagligtas, o ng isang pamilya. Hayaang maghalinhinan ang mga bata sa pagpili ng isang larawan o bagay, at pagkatapos ay sabihin sa kanila kung bakit ito nagpapasaya sa iyo. Anyayahan silang magbahagi ng mga bagay na nagpapagalak sa kanila sa Panginoon.

  • Sama-samang basahin ang Mga Taga Filipos 4:8, at tulungan ang mga bata na umisip ng mga bagay na akma sa mga paglalarawan sa talata (tingnan din sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13). Bigyan ang mga bata ng mga piraso ng papel at ipadrowing sa kanila ang mga larawan ng mga bagay na ito para matulungan silang “isipin” ang mga bagay na inilarawan ni Pablo.

Mga Taga Colosas 1:23; 2:6–7

Ang aking pananampalataya ay dapat na “na[ka]ugat” kay Jesucristo.

Kung maitatatag ng mga bata ang kanilang buhay at pananampalataya sa Tagapagligtas, makakaya nilang tiisin ang mga unos ng buhay.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipakita ang larawan ng isang puno mula sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya habang binabasa mo ang mahahalagang parirala mula sa Mga Taga Colosas 1:23; 2:6–7. [NO TRANSLATION] Ano ang mangyayari sa punong ito kung dumating ang bagyo at walang matitibay na ugat ang puno? Hayaang tumayo ang mga bata at magkunwaring isang puno na may mahihinang ugat sa gitna ng unos at pagkatapos ay isang puno na may matitibay na ugat. Paano tayo matutulungan ng pananampalataya sa Tagapagligtas na maging katulad ng isang puno na may matitibay na ugat?

  • Anyayahan ang isang bata na magdrowing ng isang puno sa pisara. Magpabanggit sa mga bata ng ilang bagay na magagawa nila para “nakaugat” sila kay Jesucristo. Tuwing bumabanggit ng isang bagay ang isang bata, anyayahan siyang magdagdag ng isang ugat sa drowing.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Nakatatandang mga Bata

Mga Taga Filipos 4:4–13

Kung sumasampalataya ako kay Jesucristo, maaari akong maging masaya kahit sa mga oras ng paghihirap.

Dumanas ng maraming pagsubok si Pablo, ngunit masaya siya dahil sumampalataya siya kay Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipawari sa mga bata na sila ay nasa bilangguan, tulad ni Apostol Pablo nang sumulat siya sa mga taga-Filipos. Basahin ninyo ng mga bata ang Mga Taga Filipos 4:4–13 at ipahanap sa kanila ang sumusunod na mga salita: mangagalak, kapayapaan, masiyahan. Bakit nagalak at napayapa si Pablo kahit nasa bilangguan siya? Tulungan ang mga bata na hanapin ang mga salitang Panginoon, Dios, at Cristo sa mga talata. Ipaunawa sa kanila na nagalak si Pablo dahil sa pananampalataya niya kay Jesucristo.

  • Anyayahan ang mga bata na tulungan kang kumpletuhin ang mga pangungusap na tulad ng mga sumusunod: Maaari pa rin akong makakita kahit sa dilim kung ako ay may . Maaari pa rin akong makadama ng lamig kahit nasa labas ako sa kainitan ng araw kung ako ay may . Maaari pa rin akong magalak kahit sa mga oras ng paghihirap kung ako ay . Tulungan ang mga bata na mag-isip ng mga paraan na magagalak sila kay Jesucristo kapag nahihirapan sila. Maaari silang kumanta ng isang himno, magbasa ng isang paboritong talata sa banal na kasulatan, maglingkod sa isang tao, o mag-alay ng pasasalamat sa panalangin. Ano ang iminumungkahi sa Mga Taga Filipos 4:4–13? Ibahagi sa mga bata ang ilang himno o talata sa banal na kasulatan na tumutulong sa iyo na magalak sa mga oras ng paghihirap.

Mga Taga Filipos 4:8

Maaari kong isipin ang mga bagay na totoo, tapat, at dalisay.

Ang mga bata ay kadalasang lantad sa mga bagay na masama at marumi. Matutulungan mo silang maghangad ng mga bagay na nakasisigla at marangal.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipabasa nang malakas sa isang bata ang Mga Taga Filipos 4:8 habang hinahanap ng iba ang mga salita sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13 na kapareho o kahalintulad nito. Anyayahan ang isang tao na isulat ang mga salitang ito sa pisara. Magbigay ng mga simpleng kahulugan ng mga salitang ito at sabihin sa mga bata na itugma ang mga kahulugan sa mga salita. Bakit dapat nating “isipin” ang mga bagay na ito? Paano natin maaaring “hangarin” ang mga ito?

  • Magpabanggit sa mga bata ng mga bagay na tumutugma sa mga paglalarawan sa Mga Taga Filipos 4:8. Anyayahan silang ilista sa buong linggong ito ang anumang mapansin nila na tumutugma sa mga paglalarawang ito. Hikayatin silang dalhin ang kanilang listahan sa Primary sa susunod na linggo at ibahagi ang nakita nila.

Mga Taga Colosas 1:23; 2:6–7

Ang aking pananampalataya ay dapat na “na[ka]ugat” kay Jesucristo.

Sinusubukan ni Satanas na pahinain ang pananampalataya ng mga bata sa pamamagitan ng mga tukso at maling doktrina. Paano mo mahihikayat ang mga bata na palakasin ang kanilang pananampalataya sa Tagapagligtas upang sila ay “hindi makilos sa pagasa sa evangelio”?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Anyayahan ang mga bata na magdrowing ng mga larawang kumakatawan sa mga katotohanang nalaman nila sa Mga Taga Colosas 1:23; 2:6–7. Hayaang ibahagi nila ang kanilang mga larawan sa klase at ipaliwanag ang mga katotohanang kinakatawan ng kanilang mga larawan.

  •   Ano ang ilang tukso at maling doktrina sa mundo ngayon na makapagpapahina sa ating pananampalataya? Ano ang magagawa natin para mapalakas ang ating pananampalataya upang tayo ay “nangauugat” kay Jesucristo?

Larawan
icon ng pag-aaral

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na ibahagi sa kanilang pamilya ang natutuhan nila tungkol sa pagiging “na[ka]ugat” kay Cristo. Maaari nilang gamitin ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito o ang isang talata sa banal na kasulatan na binasa nila sa klase ngayon.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Mausisa ang mga bata at natututo sila sa bago at iba’t ibang mga karanasan. Gamitin ang mga aktibidad na tumutulong sa mga bata na kumilos, gamitin ang lahat ng kanilang pandama, magsiyasat, at sumubok ng mga bagong bagay. Makakatulong ang mga mungkahi sa “Pagtugon sa mga Pangangailangan ng Nakababatang mga Bata” sa simula ng resource na ito. (Tingnan din sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25–26.)

Print