“Karagdagang Resources,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2023 (2022)
“Karagdagang Resources,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2023
Karagdagang Resources
Ang resources na ito ay matatagpuan sa Gospel Library app at sa ChurchofJesusChrist.org.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya
Maaari mong iakma ang anumang mga aktibidad mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya para magamit sa inyong klase sa Sunday School. Kung nagamit na ng mga miyembro ng klase ang mga aktibidad na ito sa kanilang personal na pag-aaral o sa pag-aaral ng pamilya ng mga banal na kasulatan, hikayatin silang ibahagi ang kanilang mga karanasan at ideya.
Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata
Ang sagradong musika ay nag-aanyaya sa Espiritu, nagpapadama ng pagmamahal ng Diyos sa atin, at nagtuturo ng doktrina sa di-malilimutang paraan. Bukod sa paggamit ng mga print version ng Mga Himno at ng Aklat ng mga Awit Pambata, makakakita ka ng mga video at audio recording ng maraming himno at awiting pambata sa music.ChurchofJesusChrist.org at sa Sacred Music at Gospel Media apps.
Mga Manwal sa Seminary at Institute
Ang mga manwal sa seminary at institute ay nagbibigay ng mga impormasyon sa kasaysayan at komentaryo tungkol sa doktrina ng mga alituntunin at salaysay na matatagpuan sa mga banal na kasulatan. Maaari din itong maghikayat ng mga ideya sa pagtuturo para sa mga klase sa Sunday School.
Mga Magasin ng Simbahan
Ang mga magasing Liahona at Para sa Lakas ng mga Kabataan ay naglalaan ng mga artikulo at iba pang mga tampok na maaaring makaragdag sa mga alituntuning itinuturo mo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School.
Mga Paksa ng Ebanghelyo
Sa Mga Paksa ng Ebanghelyo (topics.ChurchofJesusChrist.org), makakakita ka ng pangunahing impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa ng ebanghelyo, pati na ng mga link sa makakatulong na resources, tulad ng kaugnay na mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, artikulo, banal na kasulatan, at video.
Mangaral ng Aking Ebanghelyo
Ang gabay na ito para sa mga missionary ay nagbibigay ng buod ng mga pangunahing alituntunin ng ebanghelyo.
Para sa Lakas ng mga Kabataan (buklet)
Binabalangkas ng resource na ito ang mga pamantayan ng Simbahan na makakatulong sa atin na ipamuhay ang ebanghelyo at matamasa ang patnubay ng Espiritu. Isiping sumangguni rito nang madalas, lalo na kung mga kabataan ang tinuturuan mo.
Mga Video at Sining
Ang mga ipinintang larawan, video, at iba pang media ay makakatulong sa mga tinuturuan mo na maunawaan ang doktrina at mailarawan sa kanilang isipan ang mga kuwentong may kaugnayan sa mga banal na kasulatan. Bisitahin ang Gospel Media sa GospelMedia.ChurchofJesusChrist.org para ma-browse ang koleksiyon ng media resources ng Simbahan. Ang Gospel Media ay available rin bilang mobile app. Maraming larawang magagamit mo sa klase ang matatagpuan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo.
Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas
Ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas ay maaaring makatulong sa iyo na matutuhan at gamitin ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ng kay Cristo. Ang mga alituntuning ito ay tinatalakay at ginagamit sa mga teacher council meeting.