“Mga Doctrinal Mastery Scripture Passage at Mahahalagang Parirala sa Banal na Kasulatan ayon sa Kurso,” Doctrinal Mastery Core Document (2021)
“Mga Doctrinal Mastery Scripture Passage at Mahahalagang Parirala sa Banal na Kasulatan ayon sa Kurso,” Doctrinal Mastery Core Document
Mga Doctrinal Mastery Scripture Passage at Mahahalagang Parirala sa Banal na Kasulatan ayon sa Kurso
Lumang Tipan
-
Moises 1:39:“Ito ang aking gawain at aking kaluwalhatian—ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao.”
-
Moises 7:18:“Tinawag ng Panginoon ang kanyang mga tao na Sion, sapagkat sila ay may isang puso at isang isipan.”
-
Abraham 2:9–11:Ipinangako ng Panginoon kay Abraham na ang kanyang mga binhi ay “dadalhin … ang pangangaral na ito at Pagkasaserdote sa lahat ng bansa.”
-
Abraham 3:22–23:Bilang mga espiritu, tayo ay “binuo bago pa ang mundo.”
-
Genesis 1:26–27:“Nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kanyang sariling larawan.”
-
Genesis 2:24:Ang “lalaki … [ay] pumipisan sa kanyang asawa; at sila’y nagiging isang laman.”
-
Genesis 39:9:“Paano ngang magagawa ko itong malaking kasamaan at kasalanan laban sa Diyos?”
-
Exodo 20:3–17:Ang Sampung Utos
-
Josue 24:15:“Piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran.”
-
Mga Awit 24:3–4:“Sinong tatayo sa kanyang dakong banal? Siyang may malilinis na kamay at may pusong dalisay.”
-
Mga Kawikaan 3:5–6:“Sa Panginoon ay buong puso kang magtiwala … at itutuwid niya ang iyong mga landasin.”
-
Isaias 1:18:“Bagaman ang inyong mga kasalanan ay tulad ng matingkad na pula, ang mga ito’y magiging mapuputi na parang niyebe.”
-
Isaias 5:20:“Kahabag-habag sila na tinatawag na mabuti ang masama, at ang masama ay mabuti.”
-
Isaias 29:13–14:Ang panunumbalik ng ebanghelyo ay isang gawaing “kahanga-hanga at kagila-gilalas.”
-
Isaias 53:3–5:“Tunay na pinasan [ni Jesucristo] ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kalungkutan.”
-
Isaias 58:6–7:Ang mga pagpapala ng wastong pag-aayuno
-
Isaias 58:13–14:“[Talikuran ang] paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na araw; at iyong [tawagin] ang Sabbath bilang isang kasiyahan.”
-
Jeremias 1:4–5:“Bago kita inanyuan sa sinapupunan … hinirang kitang propeta sa mga bansa.”
-
Ezekiel 3:16–17:Ang propeta ay “bantay sa sambahayan ni Israel.”
-
Ezekiel 37:15–17:Ang Biblia at ang Aklat ni Mormon ay magiging “isa sa iyong kamay.”
-
Daniel 2:44–45:Ang Diyos ay “magtatatag ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman.”
-
Amos 3:7:“Ang Panginoong Diyos ay … [ihahayag] ang kanyang lihim sa kanyang mga lingkod na mga propeta.”
-
Malakias 3:8–10:Ang mga pagpapala ng pagbabayad ng ikapu
-
Malakias 4:5–6:“Ibabaling [ni Elias] … ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang.”
Bagong Tipan
-
Mateo 5:14–16:“Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao.”
-
Mateo 11:28–30:“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”
-
Mateo 16:15–19:Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.”
-
Mateo 22:36–39:“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.”
-
Lucas 2:10–12:“Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.”
-
Lucas 22:19–20:Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.”
-
Lucas 24:36–39:“Sapagkat ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”
-
Juan 3:5:“Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.”
-
Juan 3:16:“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak.”
-
Juan 7:17:“Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos ay makikilala niya … ang turo.”
-
Juan 17:3:“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si Jesucristo na iyong sinugo.”
-
1 Corinto 6:19–20:“Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.”
-
1 Corinto 11:11:“Sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.”
-
1 Corinto 15:20–22:“Sapagkat kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.”
-
1 Corinto 15:40–42:Sa Pagkabuhay na Mag-uli, may tatlong antas ng kaluwalhatian.
-
Efeso 1:10:“Bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo.”
-
Efeso 2:19–20:Ang Simbahan ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.”
-
2 Tesalonica 2:1–3:“Ang araw ng Panginoon … [ay] hindi darating malibang maunang maganap ang pagtalikod.”
-
2 Timoteo 3:15–17:“Ang mga banal na kasulatan … [ay] makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan.”
-
Mga Hebreo 12:9:Ang Ama sa Langit ang “Ama ng mga espiritu.”
-
Santiago 1:5–6:“Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos.”
-
Santiago 2:17–18:“Ang pananampalataya … kung ito ay walang mga gawa ay patay.”
-
1 Pedro 4:6:“Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay.”
-
Apocalipsis 20:12:“At ang mga patay ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.”
Aklat ni Mormon
-
1 Nephi 3:7:“Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.”
-
2 Nephi 2:25:“Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”
-
2 Nephi 2:27:“At sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … [ng] pagkabihag at kamatayan.”
-
2 Nephi 26:33:“Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”
-
2 Nephi 28:30:“Magbibigay [ang Diyos] sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.”
-
2 Nephi 32:3:“Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.”
-
2 Nephi 32:8–9:“Kinakailangan kayong laging manalangin.”
-
Mosias 2:17:“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”
-
Mosias 2:41:“Yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”
-
Mosias 3:19:“Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.”
-
Mosias 4:9:“Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.”
-
Mosias 18:8–10:“[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.”
-
Alma 7:11–13:“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”
-
Alma 34:9–10:“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”
-
Alma 39:9:“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”
-
Alma 41:10:“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”
-
Helaman 5:12:“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”
-
3 Nephi 11:10–11:“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”
-
3 Nephi 12:48:“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”
-
3 Nephi 27:20:“Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”
-
Eter 12:6:“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”
-
Eter 12:27:“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”
-
Moroni 7:45–48:“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”
-
Moroni 10:4–5:“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”
Doktrina at mga Tipan at Kasaysayan ng Simbahan
-
Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20:“Nakakita [si Joseph Smith] ng dalawang Katauhan, na ang liwanag at kaluwalhatian ay hindi kayang maisalarawan.”
-
Doktrina at mga Tipan 1:30:“Ang tanging tunay at buhay na simbahan.”
-
Doktrina at mga Tipan 1:37–38:“Maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa.”
-
Doktrina at mga Tipan 6:36:“Isaalang-alang ako sa bawat pag-iisip; huwag mag-alinlangan, huwag matakot.”
-
Doktrina at mga Tipan 8:2–3:“Sasabihin ko sa iyo sa iyong isipan at sa iyong puso, sa pamamagitan ng Espiritu Santo.”
-
Doktrina at mga Tipan 13:1:Ang Aaronic Priesthood ang “may hawak ng mga susi ng paglilingkod ng mga anghel, at ng ebanghelyo ng pagsisisi, at ng pagbibinyag.”
-
Doktrina at mga Tipan 18:10–11:“Ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos.”
-
Doktrina at mga Tipan 18:15–16:“Anong laki ng inyong kagalakan kung makapagdadala kayo ng maraming kaluluwa sa akin!”
-
Doktrina at mga Tipan 19:16–19:“Ako, [si Jesucristo], ay pinagdusahan ang mga bagay na ito para sa lahat.”
-
Doktrina at mga Tipan 21:4–6:Ang “salita [ng propeta] ay inyong tatanggapin, na parang mula sa sarili kong bibig.”
-
Doktrina at mga Tipan 29:10–11:“Aking ipakikita ang aking sarili mula sa langit sa kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian … at mananahanan sa kabutihan kasama ng mga tao sa mundo ng isanlibong taon.”
-
Doktrina at mga Tipan 49:15–17:“Ang kasal ay inorden ng Diyos.”
-
Doktrina at mga Tipan 58:42–43:“Siya na nagsisi ng kanyang mga kasalanan, ay siya ring patatawarin.”
-
Doktrina at mga Tipan 64:9–11:“Kayo ay kinakailangang magpatawad sa lahat ng tao.”
-
Doktrina at mga Tipan 76:22–24:”Sa pamamagitan [ni Jesucristo] ang mga daigdig ay nililikha at nalikha.”
-
Doktrina at mga Tipan 82:10:“Ako, ang Panginoon, ay nakatali kapag ginawa ninyo ang aking sinabi.”
-
Doktrina at mga Tipan 84:20–22:“Sa mga ordenansa nito, ang kapangyarihan ng kabanalan ay makikita.”
-
Doktrina at mga Tipan 88:118:“Maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya.”
-
Doktrina at mga Tipan 89:18–21:Ang mga pagpapala ng Salita ng Karunungan [Word of Wisdom]
-
Doktrina at mga Tipan 107:8:“Ang Pagkasaserdoteng Melquisedec … [ay] may kapangyarihan at karapatan … [na] mangasiwa sa mga espirituwal na bagay.”
-
Doktrina at mga Tipan 121:36, 41–42:“Ang mga karapatan ng pagkasaserdote … ay hindi mapamamahalaan ni mahahawakan tanging alinsunod lamang sa mga alituntunin ng kabutihan.”
-
Doktrina at mga Tipan 130:22–23:“Ang Ama ay may katawang may laman at mga buto … ; ang Anak din; subalit ang Espiritu Santo ay … isang personaheng Espiritu.”
-
Doktrina at mga Tipan 131:1–4:“Ang bago at walang hanggang tipan ng kasal.”
-
Doktrina at mga Tipan 135:3:“Inilabas [ni Joseph Smith] ang Aklat ni Mormon, na kanyang isinalin sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos.”