“Pambungad sa Doctrinal Mastery,” Doctrinal Mastery Core Document (2021)
“Pambungad,” Doctrinal Mastery Core Document
Pambungad sa Doctrinal Mastery
Sa Aklat ni Mormon, itinuro ni propetang Helaman sa kanyang mga anak na lalaki, “Sa bato na ating Manunubos, na si Cristo, ang Anak ng Diyos, ninyo kailangang itayo ang inyong saligan” (Helaman 5:12). Ang pagtatayo ng saligan kay Jesucristo—na kinabibilangan ng pag-unawa, paniniwala, at pamumuhay ayon sa Kanyang doktrina—ay magpapalalim ng ating pagbabalik-loob at katapatan bilang Kanyang mga disipulo, poprotekta sa atin laban sa mga impluwensya ng kaaway, at tutulong sa atin na pagpalain ang buhay ng iba.
Ang isa sa mga paraan na isinasagawa natin ito ay sa sama-samang pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa klase ayon sa pagkakasunud-sunod nito. Ang isa pang paraan na itinatayo natin ang ating saligan kay Jesucristo at sa Kanyang doktrina ay sa pamamagitan ng pagsisikap na tinatawag na Doctrinal Mastery.
Ang Doctrinal Mastery ay nagtutuon sa dalawang resulta:
-
Matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin para magtamo ng espirituwal na kaalaman. Nagpahayag ang Ama sa Langit ng mga alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Kabilang sa mga alituntuning ito ang pagkilos nang may pananampalataya, pagsusuri sa mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw, at paghahangad na mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos. Nagkakaroon tayo ng doctrinal mastery kapag isinasabuhay natin ang mga alituntuning ito sa loob at labas ng klase at humahanap ng mga sagot sa tanong ukol sa doktrina, personal na bagay, lipunan, at kasaysayan sa paraang nag-aanyaya sa Espiritu Santo na palakasin ang ating pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
-
Maging mahusay sa mga doctrinal mastery scripture passage at sa doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo na itinuturo ng mga ito. Nakakamtan ang resultang ito sa pamamagitan ng:
-
Pag-alam sa doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage.
-
Pagpapaliwanag nang malinaw sa doktrina gamit ang kaugnay na mga doctrinal mastery scripture passage.
-
Pagkakaroon ng kakayahang matandaan at mahanap ang mga doctrinal mastery scripture passage at maisaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.
-
Pagsasabuhay sa doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo at sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa ating araw-araw na mga pagpili at sa mga tugon natin sa mga isyu at tanong ukol sa doktrina, personal na bagay, lipunan, at kasaysayan.
-