Library
Mga Tagubilin para sa Komunikasyon na Pang-emergency


Mga Tagubilin para sa Komunikasyon na Pang-emergency

emergency station

Pambungad

Sa oras ng kalamidad, maaaring hindi umubra ang normal na paraan ng komunikasyon; gayunman, lalong kinakailangang makipag-ugnayan sa mga lider ng Simbahan, missionary, miyembro, empleyado, opisyal ng pamahalaan, at iba pa. Ang paggamit ng mga wastong pamamaraan ng komunikasyon na pang-emergency ay makakabawas sa pagkaligalig at stress sa oras ng emergency.

Ang Pagtatatag ng Komunikasyon na Pang-emergency

Ang layunin ng Simbahan sa pagtatatag ng komunikasyon na pang-emergency ay para matiyak na ang kritikal na impormasyon ay matatanggap at maipararating. Umaasa ang mga lider ng Simbahan, empleyado ng Simbahan, miyembro, boluntaryo, at opisyal ng pamahalaan sa mahahalagang mensahe at mga channel ng komunikasyong ito bago magkaroon, sa oras, at pagkatapos ng kalamidad.

Kabilang dito ang:

  • Pagpaparating ng impormasyon at mga tagubilin mula sa mga area, mission, at stake leader sa mga ward leader, missionary, at miyembro.

  • Mga report tungkol sa kalagayan ng mga missionary, miyembro ng Simbahan, at ari-arian ng Simbahan.

  • Mga plano sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga miyembro ng Simbahan at ng komunidad.

  • Pag-coordinate ng mga ginawang tulong sa mga opisyal ng pamahalaan at iba pang mga ahensyang nagbibigay ng tulong.

Ginagamit ng Simbahan ang mga emergency communication specialist at mga welfare and self-reliance specialist para tumulong sa mahahalagang komunikasyong ito. Inilalarawan sa mga sumusunod na bahagi ang tungkulin ng communication specialist, welfare and self-reliance specialist, kung anong komunikasyon ang available, at ang iba’t ibang mga pamamaraan ng komunikasyon.

communication chart ng self-reliance specialist

Ano ang Papel ng Isang Welfare and Self-Reliance Specialist?

Ang tungkulin ng isang welfare and self-reliance specialist na naka-assign na pangasiwaan ang mga komunikasyon na pang-emergency ay dagdagan ang kakayahang makipag-unayan ng isang lider bago dumating ang kalamidad at pagtugon sa oras ng kalamidad.

  • Maaaring tumawag ang mga stake president ng isang welfare and self-reliance specialist para pangasiwaan ang mga komunikasyon na pang-emergency. Ang stake welfare and self-reliance specialist ay tinatawag ng stake presidency at nagrereport sa kanya.

  • Maaaring tumawag ang isang Area Seventy ng isang area welfare and self-reliance specialist (sa ilalim ng pamamahala ng Area Presidency) at makikipag-ugnayan nang husto sa mga area welfare and self-reliance manager (mga AWSRM).

  • Ipinapaalam sa mga local welfare and self-reliance manager (mga LWSRM) ang pagtawag sa mga bagong stake welfare and self-reliance specialist.

  • Ipinapaalam sa mga area welfare and self-reliance manager (mga AWSRM) ang pagtawag sa mga bagong area welfare and self-reliance specialist.

  • Nakikipag-ugnayan ang mga area welfare and self-reliance specialist kung kinakailangan sa coordinating council at sa AWSRM sa area na naka-assign sa kanila. Dagdag pa rito, nakikipag-coordinate ang mga specialist na ito sa LWSRM kung kinakailangan.

Kapag nangangasiwa sa mga komunikasyon na pang-emergency, ang mga specialist ay hindi dapat humalili sa mga presiding ecclesiastical leader ng Simbahan o kumilos nang higit o lampas sa ipinagbilin sa kanila. Dapat maging pamilyar ang specialist sa iba’t ibang opsiyon sa komunikasyon (tingnan sa bahaging “Mga Pamamaraan ng Komunikasyon”). Ang isang stake welfare and self-reliance specialist ay may mga sumusunod na responsibilidad patungkol sa mga komunikasyon na pang-emergency:

  • Kumikilos sa ilalim ng pamamahala ng isang priesthood leader para matiyak na maaari siyang makipag-ugnayan sa mga lider ng Simbahan sa loob ng stake o ward at sa lokal na mga opisyal ng pamahalaan.

  • Nagrerekomenda ng (mga) backup mode ng komunikasyon na pinaka-epektibong gamitin.

  • Tumutulong na mabuo ang mga komunikasyon na pang-emergency na bahagi ng kahandaan sa emergency at plano sa pagtugon ng stake.

  • Nagpapanatili ng pagkakaunawaan sa mga plano ng komunikasyong pang-emergency ng kanilang lokal na komunidad/pamahalaan.

  • Nagpaplanong maglingkod kasama ng mga priesthood leader para matiyak ang mga epektibong komunikasyon sa oras ng kalamidad. Sinusuportahan ng isang AWSRM ang mga stake specialist sa kanilang mga gawain sa komunikasyon na pang-emergency at naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng Area Seventy para matiyak na maaari siyang makipag-ugnayan sa AWSRM, sa mga stake leader sa coordination council, at sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan.

Ano ang Available na mga Kagamitan sa Komunikasyon?

  • Ang mga kagamitan sa komunikasyon ay nakalagay sa headquarters ng Simbahan, sa ilang pasilidad ng welfare, at sa mga area office. Ang mga tool na ito ay tumutulong sa lahat ng pagtugon ng Simbahan sa isang kalamidad at gagamitin para sa komunikasyon sa oras ng emergency kung kinakailangan.

  • Ang lokal na kagamitan sa komunikasyon ay maaari ding maging epektibong resource para sa mga lokal na unit. Ang mga welfare and self-reliance specialist na naka-assign sa mga komunikasyon na pang-emergency ay hinihikayat na tumukoy ng mga indibiduwal na may mga kagamitan sa komunikasyon at teknikal na kakayahan na maaaring makasuporta sa mga lokal na lider sa komunikasyon sa oras ng kalamidad.

Mga Amateur Radio Network (“Mga Network”)

  • Ang mga network ay maaari ding maorganisa sa lokal na unit level sa ilalim ng pamamahala ng mga priesthood leader.

  • Ang amateur radio ay dapat ituring na isa sa ilang opsiyon na dapat maging pamilyar ang mga lokal na emergency communication specialist (tingnan sa bahaging “Mga Pamamaraan ng Komunikasyon”).

Paunawa: Ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga kagamitan sa komunikasyon ay matatagpuan sa Meetinghouse Facilities Handbook [Hanbuk ng mga Pasilidad ng Meetinghouse] sa ilalim ng “Other Information Related to Meetinghouse Facilities [Iba pang Impormasyon na May Kaugnayan sa mga Pasilidad ng Meetinghouse].”

Ano ang mga Pamamaraan ng Komunikasyon?

Ang mga serbisyo sa telepono at internet ay kadalasang napuputol pagkatapos ng matinding kalamidad o kalamidad na nakapinsala sa buong rehiyon. Dapat maging handa ang mga lider at miyembro na makipag-ugnayan gamit ang mga alternatibong pamamaraan na available sa lugar. Gayunman, nakita sa karanasan na 80 porsiyento ng mga imprastraktura ng komunikasyon ang kadalasang gumaganang muli sa loob ng 72 oras, kahit pagkatapos ng matitinding kalamidad. (Sa ilang sitwasyon, maaaring tumagal nang ilang linggo bago maibalik ang kuryente at communications system.)

Mga Benepisyo o Pakinabang

Mga Isasaalang-alang

Mga Karaniwang Paraan ng Paggamit

Cell phone

Mga Benepisyo o Pakinabang

Ginagamit ng karamihan

Mga Isasaalang-alang

Nakadepende sa cell coverage; hindi konektado sa isang partikular na address o lokasyon; inirerekomendang magdala ng mga portable phone charger sakaling mawalan ng kuryente (ang teknolohiyang ito ay mahina at madaling masira sa isang malaking kalamidad)

Mga Karaniwang Paraan ng Paggamit

One-on-one communication

Landline phone

Mga Benepisyo o Pakinabang

Konektado sa isang address lamang

Mga Isasaalang-alang

Kailangang nasa isang lokasyon ang recipient para makatanggap at makatawag (maaaring hindi available kung nasira ang kable ng telepono)

Mga Karaniwang Paraan ng Paggamit

Parehong one-on-one communication at mga conference call

SMS/Text messaging

Mga Benepisyo o Pakinabang

Kadalasang available kahit napakaraming tumatawag

Mga Isasaalang-alang

Kaunting impormasyon ang naipararating; inirerekomendang magdala ng mga portable phone charger sakaling mawalan ng kuryente

Mga Karaniwang Paraan ng Paggamit

Field communications o komunikasyong nangyayari sa mga lugar na malayo na itinuturing na headquarters

Mga komunikasyon sa Internet (email, social media, video conferencing)

Mga Benepisyo o Pakinabang

Magagamit sa iba’t ibang paraan at matibay

Mga Isasaalang-alang

Kailangang may internet connection at software ang sender at ang recipient (na kasingtibay lang ng internet infrastructure)

Mga Karaniwang Paraan ng Paggamit

Naiko-coordinate ang pagtulong sa maraming tao

Satellite phone

Mga Benepisyo o Pakinabang

Gumagana kapag hindi gumagana ang mga cell phone

Mga Isasaalang-alang

Epektibo sa mga area kung saan maganda ang satellite signal at hindi overloaded ang system

Mga Karaniwang Paraan ng Paggamit

Ginagamit para sa papasok at palabas na mga tawag

Amateur (HAM) radio

Mga Benepisyo o Pakinabang

Napakatibay, kahit sa mga pinakamalalang sitwasyon

Mga Isasaalang-alang

Kailangan ng lisensya

Mga Karaniwang Paraan ng Paggamit

Maaasahan para sa komunikasyong pumapasok at lumalabas sa mga apektadong area

Karagdagang Resources

  • Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2020), 22.9.1.3 at 22.9.4, Gospel Library