Pag-aaral ng Ingles
Lesson 2: Mga Pagbati at Pagpapakilala


“Lesson 2: Mga Pagbati at Pagpapakilala,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)

“Lesson 2,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral

dalawang lalaking nakangiti

Lesson 2

Greetings and Introductions

Layunin: Matututo akong bumati sa iba at sabihin kung tagasaan ang isang tao.

Personal Study

Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.

icon a
Study the Principle of Learning: Exercise Faith in Jesus Christ

Manampalataya kay Jesucristo

Jesus Christ can help me do all things as I exercise faith in Him.

Matutulungan ako ni Jesucristo na gawin ang lahat ng bagay kapag nananampalataya ako sa Kanya.

Si Jesucristo ang Anak ng Diyos. Isinugo ng Diyos si Jesus para turuan at tulungan tayo. Itinuro sa atin ni Jesus kung paano mamuhay nang tapat sa ating potensyal bilang mga anak ng Diyos. Si Jesus ay may kapangyarihang tulungan tayo na madaig ang ating mga kahinaan at ang ating mga hamon. Itinuro Niya sa atin:

“Kung mayroon kayong pananampalataya na kasinglaki ng butil ng binhi ng mustasa, sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon mula rito,’ at ito’y lilipat; at sa inyo ay walang hindi maaaring mangyari” (Mateo 17:20).

Maaari mong madama na napakahirap matuto ng Ingles, na isa itong imposibleng gawain. Pero kapag mayroon ka ng kahit kaunting pananampalataya kay Jesucristo, lalago ang iyong pananampalataya. Tutulungan ka ng iyong lumalagong pananampalataya sa Kanya na madaig ang iyong mga pagsubok.

Si Jesus na kausap si Maria

Ponder

  • Ano ang ilan sa mga hamon na maaari mong kaharapin sa pag-aaral ng Ingles?

  • Ano ang ilang paraan na mapapalago mo ang iyong pananampalataya kay Jesucristo?

icon b
Memorize Vocabulary

Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Tutulungan ka ng Diyos na maalala ang natututuhan mo kapag ginawa mo ang makakaya mo para mag-aral.

I

ako

you

ikaw

we

tayo

they

sila

he

siya (lalaki)

she

siya (babae)

I am/I’m

Ako ay/Ako’y

you are

ikaw ay

we are

tayo ay

they are

sila ay

he is

siya ay (lalaki)

she is

siya ay (babae)

How are you?

Kumusta?

Nice to meet you.

Masaya akong makilala ka.

country

bansa

what

ano

where

saan

Adjectives

fine

maayos

OK

OK

Nouns

Japan

Japan

Kenya

Kenya

Mexico

Mexico

icon c
Practice Pattern 1

Maraming pattern ang Ingles. Sa isang pattern at ilang salita sa bokabularyo, maaari kang bumuo ng maraming pangungusap! Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”

Q: How are you?A: I’m (adjective), thanks.

Questions

pattern 1 question how are you

Answers

pattern 1 answer I’m adjective, thanks

Examples

dalawang babaeng nag-uusap pagkatapos ng klase

Q: How are you?A: I’m fine, thanks.

Q: Hi, how are you?A: I’m OK, thanks.

icon d
Practice Pattern 2

Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Kung mayroong nakalilito, humingi ng tulong sa panalangin at patuloy na pagsikapan iyon. Tutulungan ka ng Diyos.

Q: Where are you from?A: I’m from (noun).

Questions

pattern 2 question where are you from

Answers

pattern 2 answer I’m from noun

Examples

matandang lalaking nakangiti

Q: Where are you from?A: I’m from Mexico.

Q: Where are they from?A: They are from Japan.

Q: Where is she from?A: She is from Kenya.

icon e
Use the Patterns

Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga ito nang malakas.

Additional Activities

Kumpletuhin online ang mga aktibidad at assessment sa lesson sa englishconnect.org/learner/resources o sa EnglishConnect 1 Workbook.

Act in Faith to Practice English Daily

Kailangan mo ng tuluy-tuloy na praktis araw-araw para makapagsalita ng isang bagong wika. Makakatulong sa iyo ang pagkakaroon ng mithiin. Ang iyong mithiin ay hindi kailangang maging kumplikado. Sa katunayan, kadalasa’y mas epektibo ang mga simpleng mithiin dahil tinutulungan ka nito na makagawiang magpraktis ng Ingles bawat araw.

Patuloy na magpraktis ng Ingles araw-araw. Gamitin ang iyong “Tracker sa Personal na Pag-aaral.” Rebyuhin ang iyong mithiin sa pag-aaral at i-evaluate ang iyong mga pagsisikap.

Conversation Group

Discuss the Principle of Learning: Exercise Faith in Jesus Christ

(20–30 minutes)

Si Jesus na kausap si Maria

icon 1
Activity 1: Practice the Patterns

(10–15 minutes)

Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.

Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:

  • Magpraktis na magtanong.

  • Magpraktis na sumagot sa mga tanong.

  • Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.

Ulitin para sa pattern 2.

icon 2
Activity 2: Create Your Own Sentences

(10–15 minutes)

Part 1

Ipakilala ang sarili mo sa isang partner. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.

Example
  • A: Hi! How are you?

  • B: I’m OK, thanks.

  • A: My name is . I’m from . What’s your name?

  • B: My name is . I’m from .

Part 2

Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa bawat tao. Magsalitan.

Example: Talia, Samoa
nakangiting batang babae sa beach
  • A: What’s her name?

  • B: Her name is Talia.

  • A: Where is she from?

  • B: She is from Samoa.

Image 1: Marco, Italy

lalaking nakangiti na nakasuot ng brown na polo

Image 2: Nat, Canada

babaeng nakangiti na nakasuot ng itim na blusa

Image 3: Sam, Mexico

matandang lalaking nakangiti

icon 3
Activity 3: Create Your Own Conversations

(15–20 minutes)

Magdula-dulaan. Pipiliin ni Partner A na maging isang tao mula sa listahan. Magtatanong si Partner B para makilala si partner A. Magpalitan ng ginagampanang papel.

  • Greta, Germany

  • Louis, France

  • Ji Hoon, Korea

  • Li Min, China

  • Luna, Peru

  • Pia, Chile

  • Dima, Russia

  • Avi, India

  • Kisi, Ghana

Example

  • A: Hi! How are you?

  • B: I’m fine, thanks.

  • A: My name is Avi. What’s your name?

  • B: My name is Kisi. I’m from Ghana. Where are you from?

  • A: I’m from India. Nice to meet you, Avi.

Evaluate

(5–10 minutes)

I-evaluate ang iyong pag-unlad sa mga layunin at sa mga pagsisikap mong magpraktis ng Ingles araw-araw.

Evaluate Your Progress

I can:

  • Greet someone and ask how they are.

    Batiin ang isang tao at kumustahin siya.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha
  • Introduce myself and say where I’m from.

    Ipakilala ang sarili ko at sabihin kung tagasaan ako.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha
  • Ask people’s names and where they are from.

    Itanong ang pangalan ng mga tao at kung tagasaan sila.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha

Evaluate Your Efforts

I-evaluate ang iyong mga pagsisikap na:

  1. Pag-aralan ang alituntunin ng pagkatuto.

  2. Isaulo ang bokabularyo.

  3. Praktisin ang mga pattern.

  4. Magpraktis araw-araw.

Magtakda ng mithiin. Isaalang-alang ang mga mungkahi sa pag-aaral sa “Tracker sa Personal na Pag-aaral.”

Ibahagi ang iyong mithiin sa isang partner.

Act in Faith to Practice English Daily

“Dagdagan simula sa araw na ito ang inyong pananampalataya. Sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, daragdagan ni Jesucristo ang inyong kakayahang maglipat ng mga bundok sa inyong buhay [tingnan sa 1 Nephi 7:12], kasinglaki man ng Mount Everest ang inyong mga personal na problema” (Russell M. Nelson, “Si Cristo ay Nagbangon; Ang Pananampalataya sa Kanya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok,” Liahona, Mayo 2021,102–3).