“Lesson 16: Pagkain,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Lesson 16,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral
Lesson 16
Food
Layunin: Matututo akong magsalita tungkol sa mga pagkain at kung bakit gusto ng isang tao ang isang pagkain.
Personal Study
Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.
Study the Principle of Learning: Take Responsibility
Tanggapin ang Responsibilidad
I have the power to choose, and I am responsible for my own learning.
May kapangyarihan akong pumili, at ako ang responsable sa sarili kong pagkatuto.
Nagkuwento si Jesucristo tungkol sa isang mayamang lalaki na nagbigay ng kaunting pera sa tatlong alipin. Ginamit nang may katalinuhan ng unang dalawang alipin ang pera at dinoble ito. Natakot ang pangatlong alipin. Itinago niya ang pera upang hindi niya iyon maiwala. Nadismaya ang mayamang lalaki sa pangatlong alipin ngunit masaya siya sa unang dalawa. Sinabi niya sa unang dalawang alipin:
“Magaling, mabuti at tapat na alipin. Naging tapat ka sa kaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon” (Mateo 25:21).
Isipin ang mga kaloob na ibinigay ng Ama sa Langit sa iyo. Marahil ay binigyan ka ng kakayahang mag-aral nang mabuti o magpasensya sa iba. Maaaring mayroon kang malaking pananampalataya o tapang na magsalita. Tanggapin ang responsibilidad sa mga kaloob na ito at linangin ang mga ito. Isipin kung paano gamitin ang mga ito para matulungan ang iba. Gayundin, maaari mong piliing magkaroon ng mga bagong kaloob. Maaari kang maghangad ng mga espirituwal na kaloob sa pamamagitan ng pagsampalataya sa Diyos, pagsasanay sa mga ito, at paggamit ng mga ito para matulungan ang iba. Gagabayan ka ng Diyos kapag hinangad mong linangin ang iyong mga kaloob.
Ponder
-
Ano ang iyong mga kaloob?
-
Paano mo magagamit ang iyong mga kaloob para matuto ng Ingles?
-
Paano matutulungan ng mga kaloob na ito ang iyong mga kaibigan sa EnglishConnect?
Memorize Vocabulary
Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Subukang gumawa ng mga flashcard para matulungan kang magsaulo ng mga bagong salita. Maaari kang gumamit ng papel o ng isang app.
food/foods |
pagkain/mga pagkain |
eat/eats |
kumain/kumakain |
Nouns 1
breakfast |
almusal |
lunch |
tanghalian |
dinner |
hapunan |
Nouns 2
fruit |
prutas |
apple/apples |
mansanas/mga mansanas |
vegetables |
mga gulay |
carrot/carrots |
carrot/carrots |
meat |
karne |
chicken |
manok |
egg/eggs |
itlog/mga itlog |
pork |
karneng baboy |
beans |
beans |
bread |
tinapay |
rice |
kanin |
Adjectives
bland |
matabang |
delicious |
masarap |
sweet |
matamis |
Practice Pattern 1
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”
Q: What do you eat for (noun 1)?A: I eat (noun 2) for (noun 1).
Examples
Q: What do you eat for breakfast?A: I eat eggs for breakfast.
Q: What do they eat for dinner?A: They eat rice and beans for dinner.
Q: What does he eat for lunch?A: He eats chicken, bread, and an apple for lunch.
Practice Pattern 2
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang matutuhan ang iba pa tungkol sa mga pattern sa lesson na ito. Isiping gumamit ng mga grammar book o website.
Q: What food do you like?A: I like (noun 2) because it’s (adjective).
Examples
Q: What food do you like?A: I like apples because they’re sweet.
Q: What food doesn’t she like?A: She doesn’t like rice because it’s bland.
Use the Patterns
Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga iyon nang malakas.
Conversation Group
Activity 1: Practice the Patterns
(10–15 minutes)
Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.
Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:
-
Magpraktis na magtanong.
-
Magpraktis na sumagot sa mga tanong.
-
Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.
Ulitin para sa pattern 2.
Activity 2: Create Your Own Sentences
(10–15 minutes)
Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong na tungkol sa kinakain ng bawat tao sa almusal, tanghalian, at hapunan. Magsalitan.
New Vocabulary
filling |
nakakabusog |
gross |
hindi masarap |
salty |
maalat |
spicy |
maanghang |
cheese |
keso |
fish |
isda |
Example: Cary
-
Breakfast: fruit and bread
-
Lunch: chicken and vegetables
-
Dinner: fish
-
A: What does Cary eat for breakfast?
-
B: She eats fruit and bread for breakfast.
Image 1: Tim
-
Breakfast: eggs and bread
-
Lunch: chicken
-
Dinner: meat, vegetables, and bread
Image 2: Pele
-
Breakfast: cheese and bread
-
Lunch: beans and rice
-
Dinner: fish, rice, and fruit
Image 3: Mari
-
Breakfast: vegetables and rice
-
Lunch: pork, vegetables, and rice
-
Dinner: eggs, vegetables, and rice
Activity 3: Create Your Own Conversations
(15–20 minutes)
Part 1
Magtanong at sumagot sa mga tanong kung ano ang kinakain mo at ng iyong pamilya sa almusal, tanghalian, at hapunan. Magsalitan.
Example
-
A: What do you eat for lunch?
-
B: I eat rice and beans for lunch.
Part 2
Magtanong at sumagot sa mga tanong kung anong pagkain ang gusto o ayaw mo at ng iyong pamilya. Sabihin kung bakit. Magsalitan.
Example
-
A: What food do you like?
-
B: I like carrots because they’re sweet. I like bread because it’s delicious.
-
A: What food don’t you like?
-
B: I don’t like cheese because it’s gross. I don’t like fish because it’s salty.
-
A: What food does your sister like?
-
B: She likes rice because it’s filling.