“Lesson 17: Pagkain,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Lesson 17,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral
Lesson 17
Food
Layunin: Matututo akong mag-order ng pagkain at kumuha ng mga order.
Personal Study
Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.
Study the Principle of Learning: Press Forward
Magpatuloy sa Paglakad
With God’s help, I can press forward even when I face obstacles.
Sa tulong ng Diyos, maaari akong magpatuloy sa paglakad kahit maharap ako sa mga balakid.
Nabasa natin ang tungkol sa isang babaeng nagngangalang Ruth sa mga banal na kasulatan na nagkaroon ng maraming hamon. Namatay ang kanyang asawa, at hindi siya nagkaanak. Plano ng kanyang biyenang babae na si Naomi na bumalik sa kanyang bansa at sinabihan si Ruth na manatili, ngunit sumagot si Ruth,
“Kung saan ka pupunta ay doon ako pupunta; kung saan ka nakatira ay doon ako maninirahan; ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Diyos ay aking Diyos. … [Nakita] ni Naomi na nakapagpasiya na [si Ruth na] sumama sa kanya” (Ruth 1:16, 18).
Si Ruth ay determinado at tapat. Pinili ni Ruth na manatili sa piling ni Naomi at mamuhay sa isang banyagang lugar, na malayo sa kanyang pamilya at kultura. Pinili niyang maging tapat sa kanyang bagong relihiyon. Naging napakahirap ng mga bagay-bagay para kina Ruth at Naomi. Dukhang-dukha sila at walang sapat na makain. Patuloy na sumulong si Ruth nang may tiwala sa Diyos, at inalagaan niya si Naomi. Nakita ng Diyos ang kanyang pagpupunyagi at pinagpala ang kanyang mga pagsisikap. Pagkaraan ng kaunting panahon, si Ruth ay muling nag-asawa, nagkaanak, at nagkaroon ng sapat na pagkain para sa kanyang pamilya. Maaari kang magtiwala sa Diyos tulad ng ginawa ni Ruth. Maaari kang magpatuloy nang may pananampalataya kahit mahirap ang mga bagay-bagay.
Ponder
-
Paano ka makakaugnay sa mga karanasan ni Ruth?
-
Paano ka maaaring magpatuloy nang may pag-asa sa Diyos?
-
Paano ito umaangkop sa iyong karanasan sa pagkatuto ng Ingles?
Memorize Vocabulary
Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Subukang gamitin ang mga salita sa iyong buhay. Isipin kung kailan at saan mo puwedeng gamitin ang mga salitang ito.
Can I take your order? |
Maaari ko bang kunin ang order mo? |
What would you like to order? |
Ano ang gusto mong orderin? |
I’d like … |
Gusto ko ng … |
I’d like to order … |
Gusto kong umorder ng … |
in |
sa |
on |
sa ibabaw ng |
with |
kasama ng |
Nouns
beans |
beans |
dessert |
panghimagas |
drink |
maiinom |
fries |
fries |
hamburger (burger) |
hamburger (burger) |
ice |
yelo |
noodles |
noodles |
onion |
sibuyas |
pizza |
pizza |
salad |
salad |
sandwich |
sandwich |
sauce |
sawsawan |
soup |
sopas |
spices |
mga pampalasa |
tomato/tomatoes |
kamatis/mga kamatis |
Practice Pattern 1
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”
Q: Can I take your order?A: I’d like to order (noun), please.
Examples
Q: Can I take your order?A: Yes, I’d like to order beans, rice, and a drink, please.
Q: What would you like to order?A: I’d like soup and a salad, please.
Practice Pattern 2
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang pansinin ang mga pattern na ito sa iyong araw-araw na praktis.
Q: What do you want in your (noun)?A: I want (noun) in my (noun).
Examples
Q: What do you want in your soup?A: I want noodles in my soup.
Q: What do you want with your hamburger?A: I want a drink with my hamburger.
Q: What do you want on your pizza?A: I want tomatoes on my pizza.
Use the Patterns
Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga iyon nang malakas.
Conversation Group
Activity 1: Practice the Patterns
(10–15 minutes)
Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.
Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:
-
Magpraktis na magtanong.
-
Magpraktis na sumagot sa mga tanong.
-
Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.
Ulitin para sa pattern 2.
Activity 2: Create Your Own Sentences
(10–15 minutes)
Magdula-dulaan. Si partner A ay nagtatrabaho sa isang restawran. Si partner B ay isang kostumer sa restawran. Magtanong at sumagot sa mga tanong na tungkol sa mga pagkain sa bawat larawan. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magpalitan ng ginagampanang papel. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.
Example
-
A: Can I take your order?
-
B: I’d like pizza, please.
-
A: OK. What do you want on your pizza?
-
B: I want cheese, meat, and olives on my pizza.
-
A: Great. And what do you want with your pizza?
-
B: I want a drink, please.
Activity 3: Create Your Own Conversations
(15–20 minutes)
Tingnan ang menu. Magdula-dulaan. Si partner A ay nagtatrabaho sa isang restawran. Si partner B ay isang kostumer sa restawran. Gumamit ng bokabularyo mula sa lesson na ito sa lesson 16. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.
New Vocabulary
Anything else? |
May iba pa ba? |
Example
-
A: What would you like to order?
-
B: I’d like chicken, please.
-
A: What do you want with your chicken?
-
B: I want rice with my chicken.
-
A: OK. Anything else?
-
B: Yes. I’d like cake, please. Thank you!