Pag-aaral ng Ingles
Lesson 17: Pagkain


“Lesson 17: Pagkain,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)

“Lesson 17,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral

pamilyang magkakasamang nagluluto

Lesson 17

Food

Layunin: Matututo akong mag-order ng pagkain at kumuha ng mga order.

Personal Study

Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.

icon a
Study the Principle of Learning: Press Forward

Magpatuloy sa Paglakad

With God’s help, I can press forward even when I face obstacles.

Sa tulong ng Diyos, maaari akong magpatuloy sa paglakad kahit maharap ako sa mga balakid.

Nabasa natin ang tungkol sa isang babaeng nagngangalang Ruth sa mga banal na kasulatan na nagkaroon ng maraming hamon. Namatay ang kanyang asawa, at hindi siya nagkaanak. Plano ng kanyang biyenang babae na si Naomi na bumalik sa kanyang bansa at sinabihan si Ruth na manatili, ngunit sumagot si Ruth,

“Kung saan ka pupunta ay doon ako pupunta; kung saan ka nakatira ay doon ako maninirahan; ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Diyos ay aking Diyos. … [Nakita] ni Naomi na nakapagpasiya na [si Ruth na] sumama sa kanya” (Ruth 1:16, 18).

Si Ruth ay determinado at tapat. Pinili ni Ruth na manatili sa piling ni Naomi at mamuhay sa isang banyagang lugar, na malayo sa kanyang pamilya at kultura. Pinili niyang maging tapat sa kanyang bagong relihiyon. Naging napakahirap ng mga bagay-bagay para kina Ruth at Naomi. Dukhang-dukha sila at walang sapat na makain. Patuloy na sumulong si Ruth nang may tiwala sa Diyos, at inalagaan niya si Naomi. Nakita ng Diyos ang kanyang pagpupunyagi at pinagpala ang kanyang mga pagsisikap. Pagkaraan ng kaunting panahon, si Ruth ay muling nag-asawa, nagkaanak, at nagkaroon ng sapat na pagkain para sa kanyang pamilya. Maaari kang magtiwala sa Diyos tulad ng ginawa ni Ruth. Maaari kang magpatuloy nang may pananampalataya kahit mahirap ang mga bagay-bagay.

Ruth at Naomi

Ponder

  • Paano ka makakaugnay sa mga karanasan ni Ruth?

  • Paano ka maaaring magpatuloy nang may pag-asa sa Diyos?

  • Paano ito umaangkop sa iyong karanasan sa pagkatuto ng Ingles?

icon b
Memorize Vocabulary

Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Subukang gamitin ang mga salita sa iyong buhay. Isipin kung kailan at saan mo puwedeng gamitin ang mga salitang ito.

Can I take your order?

Maaari ko bang kunin ang order mo?

What would you like to order?

Ano ang gusto mong orderin?

I’d like …

Gusto ko ng …

I’d like to order …

Gusto kong umorder ng …

in

sa

on

sa ibabaw ng

with

kasama ng

Nouns

beans

beans

dessert

panghimagas

drink

maiinom

fries

fries

hamburger (burger)

hamburger (burger)

ice

yelo

noodles

noodles

onion

sibuyas

pizza

pizza

salad

salad

sandwich

sandwich

sauce

sawsawan

soup

sopas

spices

mga pampalasa

tomato/tomatoes

kamatis/mga kamatis

Tingnan ang lesson 16 para sa iba pang food nouns.

icon c
Practice Pattern 1

Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”

Q: Can I take your order?A: I’d like to order (noun), please.

Questions

pattern 1 tanong maaari ko bang kunin ang order mo?

Answers

pattern 1 sagot gusto ko sanang umorder ng pangngalan

Examples

waiter na kumukuha ng order

Q: Can I take your order?A: Yes, I’d like to order beans, rice, and a drink, please.

Q: What would you like to order?A: I’d like soup and a salad, please.

icon d
Practice Pattern 2

Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang pansinin ang mga pattern na ito sa iyong araw-araw na praktis.

Q: What do you want in your (noun)?A: I want (noun) in my (noun).

Questions

pattern 2 tanong ano ang gusto mo sa pangngalan mo

Answers

pattern 2 sagot gusto ko ng pangngalan sa pangngalan ko

Examples

Q: What do you want in your soup?A: I want noodles in my soup.

babae at lalaking kumakain ng mga burger sa labas

Q: What do you want with your hamburger?A: I want a drink with my hamburger.

Q: What do you want on your pizza?A: I want tomatoes on my pizza.

icon e
Use the Patterns

Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga iyon nang malakas.

Additional Activities

Kumpletuhin online ang mga aktibidad at assessment sa lesson sa englishconnect.org/learner/resources o sa EnglishConnect 1 Workbook.

Act in Faith to Practice English Daily

Patuloy na magpraktis ng Ingles araw-araw. Gamitin ang iyong “Tracker sa Personal na Pag-aaral.” Rebyuhin ang iyong mithiin sa pag-aaral at i-evaluate ang iyong mga pagsisikap.

Conversation Group

Discuss the Principle of Learning: Press Forward

(20–30 minutes)

Ruth at Naomi

icon 1
Activity 1: Practice the Patterns

(10–15 minutes)

Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.

Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:

  • Magpraktis na magtanong.

  • Magpraktis na sumagot sa mga tanong.

  • Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.

Ulitin para sa pattern 2.

icon 2
Activity 2: Create Your Own Sentences

(10–15 minutes)

Magdula-dulaan. Si partner A ay nagtatrabaho sa isang restawran. Si partner B ay isang kostumer sa restawran. Magtanong at sumagot sa mga tanong na tungkol sa mga pagkain sa bawat larawan. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magpalitan ng ginagampanang papel. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.

Example

isang babaeng nakaupo sa bangko at kumakain ng pizza
  • A: Can I take your order?

  • B: I’d like pizza, please.

  • A: OK. What do you want on your pizza?

  • B: I want cheese, meat, and olives on my pizza.

  • A: Great. And what do you want with your pizza?

  • B: I want a drink, please.

Image 1

babae at lalaking kumakain ng mga burger sa labas

Image 2

mga kabataang kumakain ng ice cream sa restawran

Image 3

isang cream mushroom soup

Image 4

isang babaeng nakangiti at may hawak na pagkain

icon 3
Activity 3: Create Your Own Conversations

(15–20 minutes)

Tingnan ang menu. Magdula-dulaan. Si partner A ay nagtatrabaho sa isang restawran. Si partner B ay isang kostumer sa restawran. Gumamit ng bokabularyo mula sa lesson na ito sa lesson 16. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.

New Vocabulary

Anything else?

May iba pa ba?

menu sa restawran

Example

  • A: What would you like to order?

  • B: I’d like chicken, please.

  • A: What do you want with your chicken?

  • B: I want rice with my chicken.

  • A: OK. Anything else?

  • B: Yes. I’d like cake, please. Thank you!

Evaluate

(5–10 minutes)

I-evaluate ang iyong pag-unlad sa mga layunin at sa mga pagsisikap mong magpraktis ng Ingles araw-araw.

Evaluate Your Progress

I can:

  • Order food.

    Mag-order ng pagkain.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha
  • Take someone’s order.

    Kunin ang order ng isang tao.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha
  • Say what I want in, on, or with my food.

    Sabihin kung ano ang gusto ko sa, sa ibabaw ng, o kasama ng pagkain ko.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha

Evaluate Your Efforts

I-evaluate ang iyong mga pagsisikap na:

  1. Pag-aralan ang alituntunin ng pagkatuto.

  2. Isaulo ang bokabularyo.

  3. Praktisin ang mga pattern.

  4. Magpraktis araw-araw.

Magtakda ng mithiin. Isaalang-alang ang mga mungkahi sa pag-aaral sa “Tracker sa Personal na Pag-aaral.”

Ibahagi ang iyong mithiin sa isang partner.

Act in Faith to Practice English Daily

“Pinatototohanan ko na kung patuloy tayong magsisikap na malampasan ang ating mga pagsubok, pagpapalain tayo ng Diyos. … Gagawin Niya para sa atin ang hindi natin magagawa para sa ating sarili” (Ulisses Soares, “Pasanin ang Ating Krus,” Liahona, Nob. 2019, 114).