“Lesson 23: Kalusugan,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Lesson 23,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral
Lesson 23
Health
Layunin: Matututo akong banggitin ang mga bahagi ng katawan at sabihin kung bakit sumasakit ang mga iyon.
Personal Study
Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.
Study the Principle of Learning: Exercise Faith in Jesus Christ
Manampalataya kay Jesucristo
Jesus Christ can help me do all things as I exercise faith in Him.
Matutulungan ako ni Jesucristo na gawin ang lahat ng bagay kapag nananampalataya ako sa Kanya.
Sa Biblia, nalaman natin ang tungkol sa isang babaeng nagkasakit nang maraming taon. Ginugol niya ang lahat ng pera niya sa pagsisikap na makahanap ng lunas. Marami na siyang napuntahang doktor, ngunit lumala ang kanyang karamdaman. Pagkatapos ay nabalitaan ng babae ang tungkol kay Jesus. Nakita niya Siya sa gitna ng mga tao. Naniwala siya na may kapangyarihan si Jesus na pagalingin siya. Naniwala siya na kung mahihipo lamang niya ang damit ni Jesus, gagaling siya. Lumapit siya sa likuran ni Jesus at hinipo ang Kanyang damit. Naramdaman niya na gumaling ang kanyang katawan. Naramdaman ni Jesus na may kapangyarihang lumabas sa Kanyang katawan. Nang magtanong Siya kung sino ang humipo sa Kanyang damit, natakot ang babae noong una na aminin na siya iyon, ngunit pagkaraan ay inamin niya na siya iyon.
Sabi ni Jesus, “Pinagaling ka ng iyong pananampalataya; humayo kang payapa” (Lucas 8:48).
Naniwala ang babaeng ito, at sumampalataya siya. Ang paghipo kay Jesus ay isang maliit na hakbang, ngunit naghatid iyon ng Kanyang kapangyarihan sa buhay nito. Hindi mo kailangang mahiya o matakot na humingi sa Diyos ng tulong. Nais ka Niyang tulungan. Kapag ikaw ay nanampalataya, kahit sa maliliit na paraan, maaari itong maghatid ng kapangyarihan ni Jesucristo sa iyong buhay.
Ponder
-
Paano mo nadama na lumakas ka nang matuto ka ng Ingles?
-
Paano ka mananampalataya sa iba pang mga aspeto ng iyong buhay?
Memorize Vocabulary
Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Mag-isip ng mga sitwasyon kung kailan mo gagamitin ang salita sa iyong pang-araw-araw na buhay.
What happened to … ? |
Ano ang nangyari kay … ? |
What is wrong?/What’s wrong? |
Ano ang problema?/Ano’ng problema? |
Nouns
arm/arms |
bisig/mga bisig |
back |
bumalik |
ear/ears |
tainga/mga tainga |
eye/eyes |
mata/mga mata |
finger/fingers |
daliri/mga daliri |
foot/feet |
paa/mga paa |
hand/hands |
kamay/mga kamay |
head |
ulo |
knee/knees |
tuhod/mga tuhod |
leg/legs |
binti/mga binti |
mouth |
bibig |
neck |
leeg |
stomach |
tiyan |
tooth/teeth |
ngipin/mga ngipin |
Verbs Present /Verbs Past
break/broke |
sira/nasira |
burn/burned |
sunog/nasunog |
cut/cut |
hiwa/nahiwa |
hurt/hurt |
sakit/masakit |
hit/hit |
tamaan/tinamaan |
Practice Pattern 1
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”
Q: What is wrong?A: My (noun) hurts.
Examples
Q: What’s wrong?A: His knees hurt.
Q: What’s wrong?A: My stomach hurts.
Q: What’s wrong?A: Her head hurts.
Practice Pattern 2
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang matutuhan ang iba pa tungkol sa mga pattern sa lesson na ito. Isiping gumamit ng mga grammar book o website.
Q: What happened to your (noun)?A: I (verb past) my (noun).
Examples
Q: What happened to your finger?A: I cut my finger.
Q: What happened to his leg?A: He broke his leg.
Use the Patterns
Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga iyon nang malakas.
Conversation Group
Activity 1: Practice the Patterns
(10–15 minutes)
Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.
Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:
-
Magpraktis na magtanong.
-
Magpraktis na sumagot sa mga tanong.
-
Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.
Ulitin para sa pattern 2.
Activity 2: Create Your Own Sentences
(10–15 minutes)
Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa tao sa bawat larawan. Magsalitan.
Example
-
A: What’s wrong?
-
B: Her head hurts.
-
A: What happened to her head?
-
B: She hit her head.
Activity 3: Create Your Own Conversations
(15–20 minutes)
Magdula-dulaan. Si partner A ang taong nasa larawan. Si partner B ay isang kaibigan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa bawat larawan. Maging malikhain! Magpalitan ng ginagampanang papel. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.
New Vocabulary
fall/fell |
mahulog/nahulog |
Example
-
A: What’s wrong?
-
B: My knee hurts.
-
A: What happened to your knee?
-
B: I fell and I hit my knee.