Mga Hanbuk at Calling
Paggamit ng Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk


“Paggamit ng Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023)

“Paggamit ng Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk

Paggamit ng Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk

Ang Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk ay isang pagtitipon ng pinakamahahalagang tagubilin mula sa buong Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ito ay para sa mga lider na:

  • Wala pang access sa buong hanbuk sa kanilang gustong wika.

  • Maaaring makinabang mula sa isang pinaikling bersyon ng Pangkalahatang Hanbuk.

Ang mga bilang ng kabanata, bahagi, at subsection na ginamit sa Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk ay tumutugma sa numerong ginamit sa buong Pangkalahatang Hanbuk. Tumutulong ito para mapadali ang pag-cross-reference at pagkukumpara sa pagitan ng dalawang materyal na ito.

Kung minsan, ang mga bilang sa Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk ay nilalaktawan ang mga bilang ng bahagi o subsection sa buong hanbuk. Iyon ay dahil ang pinaikling hanbuk na ito ay naglalaman lamang ng pinakamahahalagang impormasyon mula sa buong hanbuk.

Bagamat ang Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk ay nagbibigay ng mga sagot sa marami sa mga madalas itanong ng mga lider, malamang na ang mga lider ay magkakaroon ng ilang mga katanungan na hindi nito tinatalakay o ganap na sinasagot. Sa gayong mga sitwasyon, maaaring sumangguni ang mga lider sa buong Pangkalahatang Hanbuk kung ito ay makukuha sa wikang magagamit nila. Maaari ding sumangguni ang mga lider sa kanilang direktang namumunong awtoridad para sa patnubay.

Pagpalain nawa kayo ng Diyos sa pagsama ninyo sa Kanya sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan para sa Kanyang mga anak.

Ang Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol