Mga Hanbuk at Calling
36. Paglikha, Pagbabago, at Pagpapangalan ng mga Bagong Unit


“36. Paglikha, Pagbabago, at Pagpapangalan ng mga Bagong Unit,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).

“36. Paglikha, Pagbabago, at Pagpapangalan ng mga Bagong Unit,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk

lalaking nagbibigay ng mensahe sa sacrament meeting

36.

Paglikha, Pagbabago, at Pagpapangalan ng mga Bagong Unit

36.0

Pambungad

Ang mga miyembro ng Simbahan ay kabilang sa mga kongregasyon batay sa lugar kung saan sila nakatira (tingnan sa Mosias 25:17–24). Ang mga kongregasyong ito ay mahalaga sa pag-oorganisa at pagsasagawa ng gawain ng Simbahan sa ilalim ng wastong awtoridad ng priesthood.

Kabilang sa mga kongregasyon (tinatawag ding mga unit) ng Simbahan ang mga stake, district, ward, at branch. Ang mga ito ay nililikha, binabago, o hindi ipinagpapatuloy ayon lamang sa pangangailangan.

Ang mga lider ay nagsisikap na palakasin sa espirituwal ang mga miyembro bago magmungkahi na lumikha ng bagong unit o baguhin ang hangganan ng isang unit. Dapat lamang lumikha ng mga bagong unit kapag ang mga kasalukuyang unit ay may sapat nang lakas.

Para sa suporta sa Estados Unidos at Canada, tumawag sa 1-801-240-1007. Sa labas ng Estados Unidos at Canada, tumawag sa area office.