Mga Hanbuk at Calling
16. Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo


“Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).

“Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk

mag-asawang nananalangin

16.

Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo

Ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos ay nakatuon sa apat na responsibilidad na ibinigay ng Diyos (tingnan sa 1.2). Ang una sa mga ito ay ang pagsasabuhay ng ebanghelyo ni Jesucristo. Ipinamumuhay natin ang ebanghelyo kapag tayo ay:

  • Nananampalataya kay Jesucristo.

  • Nagsisisi araw-araw.

  • Nakikipagtipan sa Diyos sa pagtanggap natin ng mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan.

  • Nagtitiis hanggang wakas sa pamamagitan ng pagtupad sa mga tipang iyon.

Saklaw ng pasasabuhay ng ebanghelyo ang iba pang mga aspekto ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan.