“17. Pagtuturo ng Ebanghelyo,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).
“17. Pagtuturo ng Ebanghelyo,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk
17.
Pagtuturo ng Ebanghelyo
Itinuturo natin ang ebanghelyo upang tulungan ang mga tao na palakasin ang kanilang pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
17.1
Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo
Sa pagtuturo ng ebanghelyo, ang mga magulang, guro, at lider ay tinutularan ang halimbawa ni Jesucristo, na siyang Dalubhasang Guro.
Ibinabahagi ng mga lider sa mga guro sa kanilang mga organisasyon ang sumusunod na mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ng kay Cristo. Ang mga alituntuning ito ay ipinaliwanag nang mas detalyado sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas.
17.1.1
Mahalin ang mga Tinuturuan Mo
Lahat ng ginagawa ng Tagapagligtas ay nagpapakita ng Kanyang pagmamahal (tingnan sa 2 Nephi 26:24).
17.1.2
Magturo sa Pamamagitan ng Espiritu
Hinahangad ng mga guro ang patnubay ng Espiritu habang sila ay naghahanda at nagtuturo, at sila ay nagsisikap na mamuhay nang karapat-dapat para sa Kanyang impluwensya sa bawat araw.
17.1.3
Ituro ang Doktrina
Sinusunod ang halimbawa ng Tagapagligtas, pinagtutuunan ng mga guro ang mahahalaga at nakapagliligtas na mga katotohanan ng ebanghelyo. Sila ay nagtuturo gamit ang mga banal na kasulatan, mga turo ng mga propeta sa mga huling araw, at inaprubahang mga materyal ng kurikulum.
17.1.4
Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral
Hinihikayat ng mga guro ang mga miyembro na maging responsable sa sarili nilang pagkatuto.
17.2
Pag-aaral at Pagtuturo ng Ebanghelyo na Nakasentro sa Tahanan
Hinihikayat at sinusuportahan ng mga lider at guro sa Simbahan ang pag-aaral at pagtuturo ng ebanghelyo na nakasentro sa tahanan.
Hinihikayat ng mga lider at guro ang mga miyembro na maghangad ng sarili nilang inspirasyon kung paano nila aaralin at ituturo ang ebanghelyo. Ang dapat na pangunahin nilang mga sanggunian ay ang mga banal na kasulatan at mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya.
17.3
Mga Responsibilidad ng mga Lider
-
Magpakita ng halimbawa sa pamamagitan ng pag-aaral ng ebanghelyo at pagtuturo nito sa paraan ng Tagapagligtas.
-
Tiyakin na ang pagtuturo sa kanilang mga organisasyon ay nagpapalakas ng pananampalataya at tama ayon sa doktrina.
-
Patuloy na suportahan ang mga guro sa kanilang mga organisasyon.
17.4
Mga Teacher Council Meeting
Sa mga teacher council meeting, sama-samang nagpapayuhan ang mga guro tungkol sa mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ng kay Cristo. Nagpapayuhan din sila kung paano mapapahusay ang pag-aaral at pagtuturo ng ebanghelyo. Ginagamit nila ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas bilang sanggunian.
Ang mga teacher council meeting ay idinaraos bawat quarter na kasabay ng 50-minutong mga klase sa araw ng Linggo.