“15. Seminaries and Institutes of Religion,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).
“15. Seminaries and Institutes of Religion,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk
15.
Seminaries and Institutes of Religion
15.0
Pambungad
Ang Seminaries and Institutes of Religion (S&I) ay umaalalay sa mga magulang at lider ng Simbahan sa pagtulong sa mga kabataan at young adult na dagdagan ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo.
Isang S&I representative ang inaatasan para sa bawat stake para tulungan ang mga lider na pangasiwaan ang mga programa ng S&I.
15.1
Seminary
Ang seminary ay apat na taong programa kung saan pinag-aaralan ng mga kabataan ang ebanghelyo ni Jesucristo na matatagpuan sa mga banal na kasulatan at mga turo ng mga propeta sa mga huling araw. Ang mga estudyante sa seminary ay karaniwang 14–18 taong gulang.
Ang bishopric, mga youth leader, at mga quorum at class presidency ay hinihikayat ang bawat kabataan na lubos na makibahagi sa seminary.
15.1.1
Mga Guro
Ang mga seminary teacher ay dapat mga miyembro ng Simbahan na may pananampalataya sa Panginoong Jesucristo at may patotoo tungkol sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo. Dapat ipinamumuhay nila ang mga alituntunin na itinuturo nila at kayang makitrabaho sa mga kabataan nang mabuti. Kapag maaari, ang mga guro ay dapat mayroong current temple recommend.
Isang miyembro ng stake presidency o isang inatasang high councilor ang tumatawag, nagse-set apart, at nagre-release ng mga stake seminary teacher at mga stake supervisor.
Para maprotektahan ang mga guro at estudyante, dalawang adult ang dapat naroroon sa gusali o tahanan kung saan idinaraos ang mga klase sa seminary.
15.1.2
Mga Opsiyon sa Seminary
Ang seminary ay pinakanakatutulong kapag nagkaklase ang mga estudyante at guro araw-araw maliban sa mga araw ng Sabado at Linggo. Gayunman, maaaring hindi ito posible dahil sa mga isyung pangkaligtasan, layo ng pagbibiyahe, at iba pang mga kadahilanan.
Ang mga lider ng Simbahan ay sumasangguni sa kanilang S&I representative upang magpasiya kung aling opsiyon ang:
-
Pinakamainam na makatutulong sa mga estudyante na matutuhan ang ebanghelyo at umunlad sa espirituwal.
-
Magpapanatili sa kaligtasan ng mga estudyante.
-
Hindi magdudulot ng hindi kailangang pasanin sa mga pamilya.
Hindi dapat idaos sa araw ng Linggo ang mga klase.
15.1.3
Mga Gusali, Kagamitan, at Materyales
Tinitiyak ng mga lider ng stake at ward na may mga lugar tulad ng meetinghouse o bahay ng mga miyembro na magagamit para sa mga klase sa seminary.
Ang S&I representative ang nagbibigay ng mga materyal para sa mga guro at mga estudyante sa bawat klase. Dapat magdala ang mga estudyante ng sarili nilang mga banal na kasulatan, nakalimbag o digital.
15.1.5
Credit at Pagtatapos
Ang mga estudyante sa seminary ay matututo nang mas mabisa at mapalalalim ang kanilang pagbabalik-loob kung regular silang dadalo sa klase, makikibahagi, at mag-aaral ng mga banal na kasulatan sa labas ng klase. Sa paggawa nila ng mga bagay na ito, nagkakaroon din sila ng credit para sa seminary bawat taon at maaaring magtapos sa seminary.
Para makapagtapos sa seminary, dapat makakuha ng credit para sa apat na taon ang isang estudyante at tumanggap ng ecclesiastical endorsement mula sa isang miyembro ng bishopric.
15.2
Institute
Ang institute ay naglalaan ng mga klase sa pag-aaral ng ebanghelyo sa mga karaniwang araw na nagpapalakas ng pananampalataya at patotoo kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo. Lahat ng young single adult na edad 18-30 ay dapat hikayating dumalo sa mga klase sa institute, pumapasok man sila sa paaralan o hindi.
15.3
Mga Paaralan ng Simbahan at Church Educational System
Para sa impormasyon tungkol sa mga primary at secondary na paaralan ng Simbahan, BYU–Pathway Worldwide, at mga institusyon ng mas mataas na edukasyon, tingnan ang CES.ChurchofJesusChrist.org. Ang impormasyon tungkol sa pagkumpleto sa mga ecclesiastical endorsement upang makadalo ang mga estudyante sa mga paaralang ito ay makukuha rin doon.
Bukod pa rito, ang impormasyon tungkol sa mga ecclesiastical clearance sa trabaho sa pamamagitan ng CES Ecclesiastical Clearance Office ay matatagpuan sa help.ChurchofJesusChrist.org.