“12. Primary,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).
“12. Primary,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk
12.
Primary
12.1
Layunin at Organisasyon
Ang Primary ay isang organisasyong nakasentro sa tahanan, na sinusuportahan ng Simbahan. Ito ay para sa mga batang edad 18 buwan hanggang 11 taon.
12.1.1
Mga Layunin
Tinutulungan ng Primary ang mga bata na:
-
Madama ang pagmamahal ng kanilang Ama sa Langit at matutuhan ang tungkol sa Kanyang plano ng kaligayahan.
-
Matutuhan ang tungkol kay Jesucristo at ang Kanyang papel sa plano ng Ama sa Langit.
-
Matutuhan at ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo.
-
Madama, matukoy, at masunod ang mga pahiwatig ng Espiritu Santo.
-
Maghandang gumawa at tumupad ng sagradong mga tipan.
-
Makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos.
12.1.3
Mga Klase
Kapag may sapat na bilang ng mga bata, sila ay hahatiin sa mga klase batay sa kanilang edad.
Ang mga bata ay karaniwang lumilipat mula sa Primary patungo sa Young Women o sa deacons quorum sa Enero ng taon kung kailan sila magiging 12 taong gulang.
12.1.4
Oras ng Pag-awit
Ang oras ng pag-awit ay tumutulong sa mga bata na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at matutuhan ang tungkol sa Kanyang plano ng kaligayahan. Habang umaawit ang mga bata tungkol sa mga alituntunin ng ebanghelyo, patototohanan ng Espiritu Santo ang katotohanan ng mga ito sa kanilang mga puso.
Ang Primary presidency at Primary music leader ay pumipili ng mga awitin para sa bawat buwan upang pagtibayin ang mga alituntunin ng ebanghelyo na natututuhan ng mga bata sa kanilang mga klase at tahanan.
12.1.5
Nursery
Tinutulungan ng nursery ang mga batang edad 18 buwan hanggang 3 taong gulang na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at matutuhan ang tungkol sa Kanyang plano ng kaligayahan.
12.2
Pakikibahagi sa Gawain ng Kaligtasan at Kadakilaan ng Diyos
12.2.1
Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo
12.2.1.2
Pag-aaral ng Ebanghelyo
Mga Primary Meeting sa Araw ng Linggo. Isang miyembro ng Primary presidency ang nangangasiwa sa pambungad na bahagi ng klase.
Ang iskedyul ay gaya ng sumusunod:
Bahagi ng Miting |
Haba |
---|---|
Bahagi ng Miting Pambungad (panalangin, banal na kasulatan o Saligan ng Pananampalataya, at mensahe—mga bata ang gagawa ng mga ito) | Haba 5 minuto |
Bahagi ng Miting Oras ng pag-awit | Haba 20 minuto |
Bahagi ng Miting Pagpunta sa mga klase | Haba 5 minuto |
Bahagi ng Miting Mga klase at pangwakas na panalangin | Haba 20 minuto |
Ang Nursery para sa mga batang edad 18 buwan hanggang 3 taon ay tumatagal nang 50 minuto. Ang Masdan ang Inyong mga Musmos ay nagbibigay ng mungkahi sa iskedyul.
Pagtatanghal ng mga Bata sa Sacrament Meeting. Ang taunang pagtatanghal ng mga bata sa sacrament meeting ay idinaraos sa mga huling buwan ng taon.
Mapanalanging pinaplano ng Primary presidency at music leader ang pagtatanghal. Ang bishopric ang namamahala rito. Ang mga bata ay maaaring umawit, magbigay ng mga mensahe, at magbahagi ng mga kwento, banal na kasulatan, o patotoo.
Temple and Priesthood Preparation Meeting. Nagpaplano ang Primary presidency ng isang Temple and Priesthood Preparation meeting bawat taon. Ang bishopric ang namamahala rito. Ang miting ay para sa mga batang edad 10. Inaanyayahan ang mga magulang na dumalo.
12.2.1.3
Paglilingkod at mga Aktibidad
Maaari nang dumalo sa mga aktibidad ng Primary ang mga bata simula sa Enero ng taon kung kailan sila magiging 8 taong gulang.
Ang mga aktibidad sa Primary ay hindi ginaganap sa mga araw ng Linggo o Lunes ng gabi.
-
Ang mga aktibidad sa Primary ay ginaganap dalawang beses sa isang buwan kung maaari.
-
Ang mga batang lalaki at batang babae ay karaniwang may magkahiwalay na mga aktibidad. Gayunman, maaari silang magsama sa ilang partikular na mga aktibidad o sa mga lugar kung saan kakaunti lamang ang mga bata.
Sinisiguro ng bishopric na sapat at makatarungan ang budget at ang mga aktibidad para sa mga batang babae at batang lalaki.
12.2.1.4
Personal na Pag-unlad
Sa kanilang pagisikap na maging higit na katulad ng Tagapagligtas, ang mga bata—simula sa taon na sila ay magiging 8 taong gulang—ay inaanyayahang magtakda ng mga mithiin para umunlad sa mga aspektong espirituwal, pakikipagkapwa, pisikal, at intelektuwal (tingnan sa Lucas 2:52).
Maaari nilang gamitin ang Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Bata para magtakda at magtala ng mga mithiin.
12.3
Pamunuan ng Primary sa Ward
12.3.1
Bishopric
Ang pangunahing responsibilidad ng bishop ay pangalagaan ang bagong henerasyon sa ward, kabilang na ang mga bata. Maaaring atasan ng bishop ang isang counselor na tulungan siya sa kanyang responsibilidad para sa Primary. Ang bishop o ang naatasang counselor ay regular na nakikipagpulong sa Primary president.
Ang bishop at ang kanyang mga counselor ay regular na dumadalo sa Primary.
12.3.2
Primary Presidency
Ang bishop ay tumatawag at nagse-set apart ng isang adult na babae para maglingkod bilang ward Primary president.
Sa isang maliit na unit, maaaring ang Primary president lamang ang tawaging lider sa Primary. Sa ganitong sitwasyon, nakikipagtulungan siya sa mga magulang upang ihanda ang mga aralin, oras ng pag-awit, at mga aktibidad. Kung sapat ang laki ng unit, ang karagdagang mga calling ay maaaring punan sa ganitong pagkakasunud-sunod: mga counselor, music leader, mga guro at mga nursery leader, secretary, at mga activity leader.
Tinutulungan ng Primary Presidency ang mga magulang na ihanda ang mga bata na pumasok at umunlad sa landas ng tipan.
Upang maisagawa ito, maaaring atasan ng Primary president ang isang miyembro ng presidency na tulungan ang mga magulang na ihanda ang kanilang mga anak na mabinyagan at makumpirma. Maaaring atasan ng Primary president ang isa pang miyembro ng presidency na tulungan ang mga magulang na ihanda ang kanilang mga anak para sa templo at sa priesthood.
Ang Primary president ay may mga sumusunod na karagdagang responsibilidad. Tinutulungan siya ng kanyang mga counselor.
-
Maglingkod sa ward council.
-
Regular na magdaos ng mga Primary presidency meeting at makipagpulong sa bishop o sa kanyang inatasang counselor.
-
Tumulong sa pagpaplano ng mga serbisyo sa binyag para sa mga child of record kapag hinilingan (tingnan sa 18.7.2).
-
Planuhin at pangasiwaan ang pambungad na bahagi ng mga Primary meeting sa araw ng Linggo.
-
Maglingkod sa bawat bata, guro, at lider sa Primary.
-
Turuan ang mga lider at guro sa Primary ukol sa kanilang mga responsibilidad at suportahan sila sa mga responsibilidad na iyon sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa kanila ng kanilang mga tungkulin (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 38).
-
Pamahalaan ang mga talaan, report, budget, at pananalapi ng Primary.
12.3.4
Music Leader at Pianist
Tinuturo ng music leader at pianist ang ebanghelyo ni Jesucristo sa mga bata sa pamamagitan ng musika sa oras ng pag-awit.
Kung walang pianist o piano, ang mga lider ay maaaring gamitin ang mga recording.
12.3.5
Mga Guro at mga Nursery Leader
Ang Primary presidency ay nagrerekomenda sa bishopric ng mga lalaki at babae na maglilingkod bilang mga Primary teacher at nursery leader. Ang mga miyembrong ito ay tinatawag na magturo at maglingkod sa isang partikular na age-group ng mga bata.
Ang mga Primary teacher at mga nursery leader ay nagtuturo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary (edad 3–11) at Masdan ang Inyong mga Musmos (nursery).
12.3.6
Mga Activity Leader
Ang mga Primary activity leader ay naglilingkod sa mga bata habang sila ay nagpaplano ng mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad simula sa Enero ng taon kung kailan magiging 8 taong gulang ang mga bata (tingnan 12.2.1.3). Ang mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad ay nakatuon sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan. Ang mga ito ay masaya at kaakit-akit.
12.5
Mga Karagdagang Tuntunin at Patakaran
12.5.1
Pangangalaga sa mga Bata
Kapag nakikipag-ugnayan ang mga adult sa mga bata sa Simbahan, dapat ay may naroong hindi bababa sa dalawang responsableng adult.
Ang lahat ng adult na naglilingkod sa mga bata ay dapat kumpletuhin ang children and youth protection training sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org).