Mga Hanbuk at Calling
23. Pagbabahagi ng Ebanghelyo at Pagpapalakas ng mga Bago at Nagbabalik na Miyembro


“23. Pagbabahagi ng Ebanghelyo at Pagpapalakas ng mga Bago at Nagbabalik na Miyembro,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).

“23. Pagbabahagi ng Ebanghelyo at Pagpapalakas ng mga Bago at Nagbabalik na Miyembro,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk.

mga tao na nakatingin sa cellphone

23.

Pagbabahagi ng Ebanghelyo at Pagpapalakas ng mga Bago at Nagbabalik na Miyembro

23.0

Pambungad

Ang pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo ay bahagi ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos (tingnan sa 1.2 ng hanbuk na ito; Mateo 28:19–20). Kabilang dito ang:

  • Pakikibahagi sa gawaing misyonero at paglilingkod bilang missionary.

  • Pagtulong sa mga bago at nagbabalik na miyembro na umunlad sa landas ng tipan.

23.1

Ibahagi ang Ebanghelyo

2:33

Mga Ipinangakong Pagpapala kapag Tayo ay Nagmamahal, Nagbabahagi, at Nag-aanyaya

Ibinahagi nina Elder Marcus B. Nash at Elder Michael T. Ringwood ang mga alituntunin na binigyang-diin sa training kung paano magkakaisa sa gawain. Ibinahagi nila ang kanilang mga patotoo tungkol sa kahalagahan ng gawain ng Panginoon.

2:46

Simple Ways to Love Share and Invite

The Savior set the example of loving, sharing, and inviting. Find ideas and inspiration for howyou can follow that example at share.churchofjesuschrist.org.

23.1.1

Pagmamahal

Ang isang paraan na maipapakita natin ang ating pagmamahal sa Diyos ay sa pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa Kanyang mga anak (tingnan sa Mateo 22:36–39; 25:40). Nagsisikap tayong magmahal at maglingkod na tulad ng ginawa ni Jesucristo. Ang pagmamahal na ito ay naghihikayat sa atin na tulungan ang mga tao ng lahat ng relihiyon, lahi, at kultura (tingnan sa Mga Gawa 10:34; 2 Nephi 26:33).

23.1.2

Pagbabahagi

Dahil mahal natin ang Diyos at ang Kanyang mga anak, natural nating gugustuhing ibahagi ang mga pagpapalang ibinigay Niya sa atin (tingnan sa Juan 13:34–35) at tumulong na tipunin ang Israel. Hinahangad nating tulungan ang mga tao na madama ang kagalakang nadarama natin (tingnan sa Alma 36:24). Hayagan tayong nagsasalita tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang impluwensya sa ating buhay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 60:2). Ibinabahagi natin ang mga bagay na ito sa normal at natural na mga paraan bilang bahagi ng ating mga pakikipag-ugnayan sa personal, online, at sa iba pang mga pagkakataon.

23.1.3

Pag-aanyaya

Ipinagdarasal natin na bigyan tayo ng inspirasyon at patnubay kung paano aanyayahan ang iba na:

  • Pumarito at tingnan ang mga pagpapalang matatamo sa pamamagitan ni Jesucristo, ng Kanyang ebanghelyo, at ng Kanyang Simbahan (tingnan sa Juan 1:37–39, 45–46).

  • Pumarito at tumulong sa atin na maglingkod sa mga taong nangangailangan.

  • Pumarito at mamalagi sa ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo.

1:23

Inviting Others to "Come and See"

People like being included. They just need to be invited. This video shows how invitations to "come and see" can be just a normal and natural part of everyday life for members of the Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.

1:8

Inviting Others to "Come and Help"

People want to help; often all they need is an invitation. This video depicts the ease of inviting people to lend a helping hand in church-related service opportunities for The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.

1:45

Inviting Others to "Come and Stay"

When people feel welcome at church, they'll naturally want to stay. This video for the Church of Jesus Christ of Latter-day Saints shows normal and natural ways to help visitors feel at home when they come to church for the first time.

Kadalasan, ang ibig sabihin ng pag-anyaya ay ang pagsali sa ating mga kapamilya, kaibigan, at kapitbahay sa mga bagay na ginagawa na natin.

23.2

Palakasin ang mga Bagong Miyembro

Ang bawat bagong miyembro ay nangangailangan ng kaibigan, mga pagkakataong maglingkod, at espirituwal na pangangalaga. Bilang mga miyembro ng Simbahan, ibinibigay natin ang ating pagmamahal at suporta sa mga bagong miyembro (tingnan sa Mosias 18:8–10). Tinutulungan natin silang madama na kabilang sila sa Simbahan. Tinutulungan natin silang umunlad sa landas ng tipan at maging mas “nagbabalik-loob sa Panginoon” (Alma 23:6).

23.3

Palakasin ang mga Nagbabalik na Miyembro

Pinipili ng ilang miyembro na tumigil sa pakikibahagi sa Simbahan. “Sa mga yaon,” sinabi ng Tagapagligtas, “kayo ay patuloy na maglilingkod; sapagkat hindi ninyo alam kung sila ay magbabalik at magsisisi, at lalapit sa akin nang may buong layunin ng puso, at pagagalingin ko sila; at kayo ang magiging daan ng pagdadala ng kaligtasan sa kanila” (3 Nephi 18:32).

Ang mga miyembrong hindi lubos na nakikibahagi ay mas malamang na bumalik kung mayroon silang matibay na ugnayan sa mga miyembro ng Simbahan. Tulad ng mga bagong miyembro, kailangan nila ng kaibigan, mga pagkakataong maglingkod, at espirituwal na pangangalaga.

23.4

Mga Lider ng Stake

23.4.1

Stake Presidency

Taglay ng stake president ang mga susi sa stake para sa pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapalakas sa mga bago at nagbabalik na miyembro. Siya at ang kanyang mga counselor ang namamahala sa mga pagsisikap na ito sa pangkalahatan.

Ang stake president ay nakikipagpulong sa mission president, karaniwang isang beses bawat buwan, upang pag-ugnayin ang mga pagsisikap ng mga lider ng stake at ward at ng mga full-time missionary.

23.4.3

Mga High Councilor

Maaaring atasan ng stake presidency ang mga high councilor na turuan at suportahan ang mga elders quorum presidency at mga ward mission leader. Maaaring mag-atas ng isa o higit pang mga high councilor para pamunuan ang mga pagsisikap na ito. Gayunman, lahat ng mga high councilor ay mayroong ganitong mga responsibilidad para sa mga ward at korum na nakaatas sa kanila.

23.4.4

Stake Relief Society Presidency

Sa ilalim ng pamamahala ng stake president, tinuturuan at sinusuportahan ng stake Relief Society presidency ang mga ward Relief Society presidency sa kanilang mga responsibilidad sa pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapalakas ng mga bago at nagbabalik na miyembro.

23.5

Mga Lider ng Ward

23.5.1

Bishopric

Ang bishopric ay nakikipagtulungan sa elders quorum presidency at Relief Society presidency sa pamumuno sa mga pagsisikap ng ward sa pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapalakas ng mga bago at nagbabalik na miyembro. Regular na nagsasanggunian ang mga lider na ito.

Sinisiguro ng bishopric na ang mga pagsisikap na ito ay tinatalakay at pinag-uugnay sa mga ward council meeting at ward youth council meeting.

Iniinterbyu ng bishop ang mga bagong miyembro na angkop ang edad upang mabigyan ng temple recommend para sa mga proxy na binyag at kumpirmasyon (tingnan sa 26.4.2). Iniinterbyu rin niya ang mga lalaki na angkop ang edad upang tanggapin ang Aaronic Priesthood. Karaniwang isinasagawa niya ang mga interbyu na ito sa loob ng isang linggo pagkatapos ng kumpirmasyon ng miyembro.

23.5.2

Elders Quorum Presidency at Relief Society Presidency

Ang mga elders quorum presidency at Relief Society presidency ang namumuno sa pang-araw-araw na mga pagsisikap ng ward na ibahagi ang ebanghelyo at palakasin ang mga bago at nagbabalik na miyembro (tingnan sa 8.2.3 at 9.2.3).

Ang mga lider na ito ay may sumusunod na mga responsibilidad:

  • Tumulong na mahikayat ang mga miyembro na mahalin ang mga anak ng Diyos, ibahagi ang ebanghelyo, at anyayahan ang iba na tanggapin ang mga pagpapala ng Tagapagligtas.

  • Magbigay ng mga ministering brother at mga ministering sister sa mga bago at nagbabalik na miyembro (tingnan sa 21.2.1).

  • Pamunuan ang gawain ng ward mission leader.

Ang elders quorum president at Relief Society president ay inaatasan ang isang miyembro ng kanilang presidency na tumulong sa pamumuno sa mga pagsisikap na ito. Nagtutulungan ang dalawang miyembrong ito ng presidency. Dumadalo sila sa mga lingguhang coordination meeting (tingnan sa 23.5.7).

23.5.3

Ward Mission Leader

Ang bishopric ay sumasangguni sa stake president upang matukoy kung tatawag ba ng isang ward mission leader. Ang taong ito ay dapat mayhawak ng Melchizedek Priesthood. Kung walang tinawag na ward mission leader, isang miyembro ng elders quorum presidency ang gaganap sa tungkuling ito.

Sinusuportahan ng ward mission leader ang elders quorum presidency at Relief Society presidency sa kanilang mga responsibilidad sa gawaing misyonero. Responsibilidad din niya ang mga sumusunod:

  • Pag-ugnayin ang gawain ng mga miyembro at lider ng ward, mga ward missionary, at mga full-time missionary.

  • Pamunuan ang mga lingguhang coordination meeting (tingnan sa 23.5.7).

23.5.4

Mga Ward Missionary

Tinutulungan ng mga ward missionary ang mga miyembro ng ward na maranasan ang kagalakan na nagmumula sa pagbabahagi ng ebanghelyo ayon sa inilarawan sa 23.1. Sila ay naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng ward mission leader o ng miyembro ng elders quorum presidency na gumaganap sa tungkuling ito.

23.5.5

Ward Council at Ward Youth Council

Ang pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapalakas ng mga bago at nagbabalik na miyembro ay dapat talakayin nang regular sa mga ward council meeting. Maaaring anyayahan ng bishop ang ward mission leader na dumalo sa mga ward council meeting.

Ang mga form na tulad ng mga sumusunod ay makatutulong sa mga talakayang ito:

Sa pagtalakay sa mga pangangailangan ng mga kabataan sa ward, binibigyan ng espesyal na atensyon ng ward youth council ang mga bago at nagbabalik na miyembro at ang mga kabataang tinuturuan ng mga missionary.

23.5.7

Mga Coordination Meeting

Bawat linggo, nagdaraos ng maikli at di-pormal na mga miting upang pag-ugnayin ang mga pagsisikap na ibahagi ang ebanghelyo at palakasin ang mga bago at nagbabalik na miyembro. Kung may tinawag na ward mission leader, siya ang nangangasiwa sa mga miting na ito. Kung walang tinawag na ward mission leader, ang miyembro ng elders quorum presidency na gumaganap sa tungkuling ito ang siyang mangangasiwa sa miting.

Kabilang sa iba pang inaanyayahang dumalo ang:

  • Mga inatasang miyembro ng Relief Society presidency at elders quorum presidency.

  • Mga ward missionary.

  • Isang assistant sa priests quorum (o ang teachers o deacons quorum president kung walang mga priest sa ward).

  • Isang miyembro ng presidency ng pinakamatandang Young Women class.

  • Mga full-time missionary.

3:48

Examples of Weekly Missionary Coordination Meetings

Examples from around the world of weekly missionary coordination meetings.