“30. Mga Calling sa Simbahan,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).
“30. Mga Calling sa Simbahan,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk
30.
Mga Calling sa Simbahan
30.0
Pambungad
Ang mga calling ay nagbibigay sa mga miyembro ng mga pagkakataong madama ang kagalakang nagmumula sa paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa Kanyang mga anak (tingnan sa Mosias 2:17). Ang mga calling ay maaari ding makatulong sa mga miyembro na mapalakas ang kanilang pananampalataya at mas mapalapit sa Panginoon.
Hindi nararapat na maghangad ng isang partikular na calling sa Simbahan (tingnan sa Marcos 10:42–45; Doktrina at mga Tipan 121:34–37). Ang mga miyembro ng Simbahan ay hindi rin “umaakyat” mula sa isang calling tungo sa isa pang calling. Ang matapat na paglilingkod sa isang calling ay mas mahalaga kaysa sa calling mismo. Pinahahalagahan ng Panginoon ang katapatan ng lahat ng naglilingkod sa Kanyang Simbahan.
30.1
Pagtukoy sa Taong Tatawagin
30.1.1
Mga Pangkalahatang Tuntunin
Ang mga naglilingkod sa Simbahan ay tinatawag ng Diyos (tingnan sa Mga Hebreo 5:4; Mga Saligan ng Pananampalataya 1:5). Hinahangad ng mga lider ang patnubay ng Espiritu sa pagpapasiya kung sino ang tatawagin (tingnan din sa 4.2.6). Isinasaalang-alang din nila ang:
-
Pagkamarapat ng miyembro (matutukoy sa isang interbyu).
-
Mga kaloob at kakayahan na mayroon o maaaring linangin ng miyembro, para pagpalain ang iba.
-
Personal na mga sitwasyon ng miyembro, pati na ang kanyang kalusugan at trabaho.
-
Magiging epekto ng calling sa kasal at pamilya ng miyembro.
Ang mga miyembro ay pagpapalain para sa mga sakripisyong ginagawa nila para makapaglingkod sa Simbahan. Gayunman, ang isang calling ay hindi dapat maging pabigat sa mga indibiduwal at pamilya. Hindi rin nito dapat gawing mahirap para sa mga miyembro na gampanan ang kanilang mga responsibilidad sa trabaho.
Ang bawat miyembro ay karaniwang tinatawag lamang na maglingkod sa iisang calling, bukod pa sa pagiging ministering brother o ministering sister.
Kapag binibigyan ng calling ang isang miyembrong may asawa, tinitiyak ng mga lider na alam at suportado ng kanyang asawa ang calling. Bago bigyan ng calling ang isang kabataang lalaki o kabataang babae, humihingi muna ng pahintulot ang mga lider mula sa isang magulang o tagapag-alaga.
Bago magbigay ng calling, maingat na nirerebyu ng bishop ang membership record ng tao para matiyak na wala itong anotasyon o pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro.
30.1.2
Mga Calling para sa mga Bagong Miyembro
Ang mga pagkakataong maglingkod ay tutulong sa mga miyembro na umunlad sa espirituwal.
Binibigyan ng mga lider ng ward ang mga bagong miyembro ng mga pagkakataong maglingkod pagkatapos nilang mabinyagan at makumpirma.
30.1.3
Mga Calling para sa mga Hindi Miyembro
Maaaring tumawag ng mga taong hindi miyembro ng Simbahan sa ilang tungkulin, tulad ng organist, music director, o calling para sa pagpaplano ng mga aktibidad. Gayunman, hindi sila dapat tawagin bilang mga guro, miyembro ng presidency ng korum o organisasyon, o mga Pimary music leader.
30.1.4
Kumpidensyalidad
Ang pagtawag at pag-release sa mga calling ay sagrado. Dahil dito, pinananatili ng mga lider na kumpidensyal ang impormasyon tungkol sa mga mungkahi sa pagtawag at pag-release sa mga calling.
30.1.5
Rekomendasyon at Pag-apruba para sa mga Calling
Nakasaad sa Chart ng mga Calling kung sino ang maaaring magbigay ng mga rekomendasyon para sa bawat calling at sino ang nag-aapruba nito (tingnan sa 30.8).
Maingat na isinasaalang-alang ng mga bishop at stake president ang bawat rekomendasyon, na isinasaisip na ito ay ginawa nang may panalangin. Ang bishopric o stake presidency ang may huling responsibilidad na tumanggap ng inspirasyon kung sino ang tatawagin.
30.2
Pagbigay ng Calling
Ang pagtanggap ng calling para maglingkod ay dapat maging makabuluhang espirituwal na karanasan para sa isang miyembro.
Kapag nagbibigay ng calling ang isang lider, ipinaliliwanag niya na ito ay mula sa Panginoon.
Maaari ding gawin ng lider ang mga sumusunod:
-
Ipaliwanag ang layunin, kahalagahan, at mga responsibilidad ng calling.
-
Hikayatin ang miyembro na hangarin ang patnubay ng Espiritu ng Panginoon sa pagganap sa kanyang calling.
-
Magpatotoo na tutulungan ng Panginoon ang miyembro at pagpapalain siya para sa kanyang tapat na paglilingkod.
-
Sabihin sa miyembro kung sino ang magbibigay ng training at suporta para sa calling.
-
Ipaalam sa miyembro ang anumang miting na dapat niyang daluhan at anumang mga resource na kanyang makukuha.
30.3
Pagsang-ayon sa mga Miyembro sa mga Calling
Ang mga tinawag na maglingkod sa karamihan ng mga katungkulan sa Simbahan ay dapat ipakilala para sa pagsang-ayon bago sila magsimulang maglingkod (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 28:13; 42:11).
Ang taong nangangasiwa sa pagsang-ayon ay unang ihahayag kung sino ang na-release mula sa posisyon (kung angkop). Inaanyayahan niya ang mga miyembro na ipahayag ang kanilang pasasalamat para sa paglilingkod ng taong ito (tingnan sa 30.6).
Kapag ipinakikilala ang isang tao para sa pagsang-ayon, inaanyayahan ng awtorisadong priesthood leader ang taong ito na tumayo. Maaaring sabihin ng lider ang tulad ng sumusunod:
“Si [pangalan] ay tinawag na maglingkod bilang [katungkulan]. Ang mga sang-ayon ay maaaring ipakita ito sa pamamagitan ng pagtataas ng kamay. [Huminto sandali.] Ang mga hindi sang-ayon, kung mayroon, ay ipakita lamang. [Huminto sandali.]”
Kung ang isang miyembrong nasa mabuting katayuan ay hindi sumang-ayon sa calling, kakausapin siya nang pribado ng namumunong lider o ng isang inatasang priesthood leader pagkatapos ng miting.
30.4
Pag-set Apart sa mga Miyembro upang Maglingkod sa mga Calling
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 18.11.
30.6
Pag-release sa mga Miyembro mula sa mga Calling
Kapag ni-release ang isang president o bishop, ang kanyang mga counselor ay awtomatikong nare-release.
Ang pagpapabatid ng pag-release ay isang mahalagang pagkakataon para sa isang lider na magpasalamat at kilalanin ang kamay ng Diyos sa paglilingkod ng miyembro. Ang lider ay personal na nakikipagkita sa miyembro upang ipabatid na siya ay ire-release bago ito ipaalam sa publiko. Tanging sa mga taong dapat makaalam lamang ipinaaalam ang isang pag-release bago ito ianunsyo.
Ipinaaalam ng isang awtorisadong priesthood leader ang pag-release sa kaparehong pulong kung saan sinang-ayunan ang tao. Maaaring sabihin ng lider ang tulad ng sumusunod:
“Si [Pangalan] ay nirelease bilang [katungkulan]. Ang mga nais magpakita ng pasasalamat para sa kanyang paglilingkod ay maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagtataas ng kamay.”
Hindi nagtatanong ang lider kung mayroong hindi sang-ayon.
30.8
Chart ng mga Calling
30.8.1
Calling |
Inirerekomenda ng |
Inaaprubahan ng |
Sinasang-ayunan ng |
Tinatawag at sine-set apart ng |
---|---|---|---|---|
Calling | Inirerekomenda ng Stake presidency, gamit ang LCR | Inaaprubahan ng Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawa | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng ward | Tinatawag at sine-set apart ng Stake president matapos matanggap ang pag-apruba mula sa Unang Panguluhan |
Calling | Inirerekomenda ng Bishop | Inaaprubahan ng Stake presidency at high council | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng ward | Tinatawag at sine-set apart ng Stake president o isang inatasang counselor |
Calling | Inirerekomenda ng Bishopric | Inaaprubahan ng Stake presidency at high council | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng ward | Tinatawag at sine-set apart ng Stake president o isang inatasang counselor o high councilor |
Calling | Inirerekomenda ng Bishopric | Inaaprubahan ng Stake presidency at high council | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng ward | Tinatawag at sine-set apart ng Stake president o isang inatasang counselor o high councilor |
Calling | Inirerekomenda ng Stake presidency (sa pagsangguni sa bishop) | Inaaprubahan ng Stake presidency at high council | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng ward | Tinatawag at sine-set apart ng Stake president |
Calling | Inirerekomenda ng Quorum president (sa pagsangguni sa bishop) | Inaaprubahan ng Stake presidency at high council | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng ward | Tinatawag at sine-set apart ng Stake president o isang inatasang counselor o high councilor |
Calling Iba pang mga calling sa elders quorum | Inirerekomenda ng Quorum presidency | Inaaprubahan ng Bishopric | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng korum | Tinatawag at sine-set apart ng Quorum president o isang inatasang counselor |
Calling Mga president ng mga organisasyon sa ward | Inirerekomenda ng Bishopric | Inaaprubahan ng Bishopric | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng ward | Tinatawag at sine-set apart ng Bishop |
Calling Mga counselor sa mga presidency ng mga organisasyon sa ward | Inirerekomenda ng President ng organisasyon | Inaaprubahan ng Bishopric | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng ward | Tinatawag at sine-set apart ng Bishop o isang inatasang counselor |
Calling Iba pang mga calling sa Relief Society, Young Women, Primary, at Sunday School ng ward | Inirerekomenda ng Presidency ng organisasyon | Inaaprubahan ng Bishopric | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng ward | Tinatawag at sine-set apart ng Bishop o isang inatasang counselor |
Calling | Inirerekomenda ng Bishopric (sa pagsangguni sa elders quorum president at Relief Society president) | Inaaprubahan ng Bishopric | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng ward | Tinatawag at sine-set apart ng Bishop o isang inatasang counselor |
Calling | Inirerekomenda ng Bishopric o elders quorum president at Relief Society president | Inaaprubahan ng Bishopric | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng ward | Tinatawag at sine-set apart ng Bishop o isang inatasang counselor |
Calling | Inirerekomenda ng Bishopric (sa pagsangguni sa elders quorum president at Relief Society president) | Inaaprubahan ng Bishopric | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng ward | Tinatawag at sine-set apart ng Bishop o isang inatasang counselor |
Calling | Inirerekomenda ng Bishop (bilang priests quorum president) | Inaaprubahan ng Bishopric | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng korum | Tinatawag at sine-set apart ng Bishop |
Calling | Inirerekomenda ng Bishopric | Inaaprubahan ng Bishopric | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng korum | Tinatawag at sine-set apart ng Tinatawag ng bishop o ng isang inatasang counselor; sine-set apart ng bishop |
Calling Mga counselor sa mga teachers at deacons quorum presidency at mga quorum secretary | Inirerekomenda ng Quorum president | Inaaprubahan ng Bishopric | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng korum | Tinatawag at sine-set apart ng Bishop o isang inatasang counselor |
Calling | Inirerekomenda ng Bishopric (sa pagsangguni sa Young Women presidency) | Inaaprubahan ng Bishopric | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng klase | Tinatawag at sine-set apart ng Bishop o isang inatasang counselor |
Calling Mga counselor sa mga Young Women class presidency at class secretary | Inirerekomenda ng Class president | Inaaprubahan ng Bishopric | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng klase | Tinatawag at sine-set apart ng Bishop o isang inatasang counselor |
Calling Iba pang mga calling sa ward | Inirerekomenda ng Bishopric | Inaaprubahan ng Bishopric | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng ward | Tinatawag at sine-set apart ng Bishop o isang inatasang counselor |
30.8.2
Calling |
Inirerekomenda ng |
Inaaprubahan ng |
Sinasang-ayunan ng |
Tinatawag at sine-set apart ng | ||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Calling | Inirerekomenda ng Stake, mission, o district presidency | Inaaprubahan ng Stake presidency at high council o mission presidency | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng branch | Tinatawag at sine-set apart ng Stake o mission president (o ang district president kapag inatasan) | ||||||||||||
Calling | Inirerekomenda ng Branch president | Inaaprubahan ng Stake presidency at high council o mission presidency (o, kapag binigyan ng awtorisasyon ng mission president, ang district presidency) | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng branch | Tinatawag at sine-set apart ng Stake, mission, o district president o isang inatasang counselor | ||||||||||||
Calling | Inirerekomenda ng Branch presidency | Inaaprubahan ng Stake presidency at high council o mission presidency (o, kapag binigyan ng awtorisasyon ng mission president, ang district presidency) | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng branch | Tinatawag at sine-set apart ng Stake president o isang inatasang counselor o high councilor (para sa mga branch na nasa stake); district president o isang priesthood leader na kanyang inatasan (para sa mga branch na nasa mission) | ||||||||||||
Calling | Inirerekomenda ng Stake, district, o mission presidency (sa pagsangguni sa branch president) | Inaaprubahan ng Stake presidency at high council o mission presidency (o, kapag binigyan ng awtorisasyon ng mission president, ang district presidency) | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng branch | Tinatawag at sine-set apart ng Stake o mission president (o ang district president kapag inatasan) | ||||||||||||
Calling | Inirerekomenda ng Quorum president (sa pagsangguni sa branch president) | Inaaprubahan ng Stake presidency at high council o mission presidency (o, kapag binigyan ng awtorisasyon ng mission president, ang district presidency) | Sinasang-ayunan ng Mga miyembro ng branch | Tinatawag at sine-set apart ng Stake o mission president o isang inatasang counselor o high councilor (o ang district president o isa pang priesthood leader, kapag inatasan) | ||||||||||||
Calling Iba pang mga calling sa branch | Inirerekomenda ng Tingnan sa 30.8.1, at ipalit ang branch president sa bishop at ipalit ang branch sa ward. | Inaaprubahan ng Tingnan sa 30.8.1, at ipalit ang branch president sa bishop at ipalit ang branch sa ward. | Sinasang-ayunan ng Tingnan sa 30.8.1, at ipalit ang branch president sa bishop at ipalit ang branch sa ward. | Tinatawag at sine-set apart ng Tingnan sa 30.8.1, at ipalit ang branch president sa bishop at ipalit ang branch sa ward. |