Mga Hanbuk at Calling
31. Mga Interbyu at Iba pang Pakikipag-usap sa mga Miyembro


“31. Mga Interbyu at Iba pang Pakikipag-usap sa mga Miyembro,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).

“31. Mga Interbyu at Iba pang Pakikipag-usap sa mga Miyembro,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk

mga lalaking nagkakamayan

31.

Mga Interbyu at Iba pang Pakikipag-usap sa mga Miyembro

31.0

Pambungad

Si Jesucristo ay madalas na naglingkod sa iba pa nang paisa-isa (tingnan, halimbawa sa Juan 4:5–26; 3 Nephi 17:21). Mahal Niya ang bawat isa sa mga anak ng Diyos. Tinutulungan Niya sila nang paisa-isa.

Ang kabanatang ito ay makatutulong sa lahat ng lider na may mga pagkakataong personal na makausap ang mga miyembro.

31.1

Mga Gabay na Alituntunin

31.1.1

Maghanda sa Espirituwal

Ihanda ang iyong sarili sa espirituwal sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, at matwid na pamumuhay. Pakinggan ang mga bulong ng Espiritu Santo.

31.1.2

Tulungan ang Miyembro na Madama ang Pagmamahal ng Diyos

Kapag lumapit sa iyo ang mga miyembro para ma-interbyu o humingi ng tulong para sa isang personal na hamon, ang kadalasan na pinakakailangan nila ay ang malaman na mahal sila ng Ama sa Langit.

Ang mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta sa mga huling araw ay nag-aanyaya sa Espiritu at nagtuturo ng dalisay na doktrina. Gamitin ang mga ito upang magbigay-inspirasyon at manghikayat, hindi para manghatol, mamilit, o manakot (tingnan sa Lucas 9:56).

31.1.3

Tulungan ang Miyembro na Humugot ng Lakas mula sa Kapangyarihan ng Tagapagligtas

Hikayatin ang mga miyembro na bumaling sa Kanya. Tulungan silang humugot ng lakas mula sa Kanyang kapangyarihang nagbibigay ng lakas at kapanatagan, at tumutubos.

31.1.4

Tulungan ang Miyembro na Maging Komportable at Madamang Ligtas Siya

Palaging tanungin ang miyembro kung nais niyang magsama ng isa pang tao habang idinaraos ang interbyu o personal na pagkikipag-usap. Kapag kinakausap ang isang miyembro na hindi mo kapareho ng kasarian, isang bata, o isang kabataan, tiyakin na naroon ang isang magulang o isa pang adult. Maaari siyang sumama sa pag-uusap o maghintay sa labas ng silid, depende sa kagustuhan ng miyembrong kakausapin mo.

Huwag magbahagi ng kumpidensyal na impormasyon sa sinuman—kabilang na sa iyong asawa o iba pang mga lider ng Simbahan—maliban kung ang miyembro ay nagbibigay ng pahintulot.

31.1.5

Magtanong ng mga Inspiradong Tanong at Makinig nang Mabuti

Kapag kinakausap ang isang miyembro, magtanong ng mga bagay na tutulong sa iyo na maunawaan ang kanyang sitwasyon.

Habang nagsasalita ang miyembro, makinig nang mabuti.

31.1.6

Hikayatin ang Self-Reliance (Pag-asa sa Sariling Kakayahan)

Dahil sa pagmamahal mo sa mga miyembro, maaaring magbigay ka kaagad ng mga solusyon sa kanilang mga problema. Gayunman, mas mapagpapala mo sila sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na maghanap ng sarili nilang mga solusyon at gumawa ng sarili nilang mga desisyon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 9:8).

31.1.7

Suportahan ang mga Pagsisikap na Magsisi

Ang bishop o stake president lamang ang maaaring tumulong sa isang tao para maresolba ang mabibigat na kasalanan. Ang ilan sa mga ito ay nakalista sa 32.6. Kung nakagawa ang miyembro ng alinman sa mga kasalanang ito, dapat makipagkita siya kaagad sa bishop o stake president.

31.1.8

Tugunan ang Pang-aabuso sa Angkop na Paraan

Hindi maaaring kunsintihin ang anumang uri ng pang-aabuso. Seryosohin ang mga ulat tungkol sa pang-aabuso. Kung nalaman mo na naabuso ang isang tao, isumbong ang pang-aabuso sa mga awtoridad ng pamahalaan at sumangguni sa bishop. Ang mga tuntunin sa pagrereport at pagtugon sa pang-aabuso ay nakasaad sa 38.6.2.

31.2

Mga Interbyu

31.2.1

Mga Layunin ng mga Interbyu

Sa pangkalahatan, iniinterbyu ng mga lider ng Simbahan ang mga miyembro upang malaman kung sila ay:

  • Handang tumanggap o makibahagi sa isang ordenansa.

  • Dapat tawaging maglingkod sa isang katungkulan sa Simbahan.

31.2.2

Mga Uri ng Interbyu

Sino ang maaaring magsagawa ng interbyu

Layunin ng interbyu

Sino ang maaaring magsagawa ng interbyu

Bishop lamang

Layunin ng interbyu

  • Magbigay ng temple recommend sa isang miyembro na tatanggap ng sarili niyang endowment o ibubuklod sa kanyang asawa (tingnan sa 26.3.1).

  • Magbigay ng temple recommend sa bagong miyembro (tingnan sa 26.4.2).

  • I-orden ang isang lalaking bagong miyembro sa isang katungkulan sa Aaronic Priesthood.

  • I-orden ang isang lalaki sa katungkulan ng priest (tingnan sa 18.10.2).

  • Irekomenda ang isang lalaki na maordenan bilang elder o high priest (tingnan sa 31.2.6). Kailangan ang pag-apruba ng stake presidency para maisagawa ang interbyu na ito.

  • Irekomenda ang isang miyembro na maglilingkod bilang full-time missionary (tingnan sa 24.4.2).

  • Tawagin ang isang miyembro para maglingkod bilang president ng isang organisasyon sa ward.

  • Tawagin ang isang priest para maglingkod bilang assistant sa priests quorum.

  • Tulungan ang isang miyembro na pagsisihan ang isang mabigat na kasalanan (tingnan sa kabanata 32).

  • I-endorso ang isang miyembro na tumanggap ng Perpetual Education Fund loan, kung saan mayroon nito.

  • Ideklara ng miyembro ang kanyang status bilang nagbabayad ng ikapu (tingnan sa 34.3.1.2).

  • Bigyan ng awtorisasyon ang paggamit ng pondo ng handog-ayuno (tingnan sa 22.6.1).

Sino ang maaaring magsagawa ng interbyu

Bishop o isang counselor na inatasan niya

Layunin ng interbyu

  • Magbigay ng panibagong temple recommend (tingnan sa 26.3.1).

  • Magbigay ng temple recommend para makibahagi sa mga proxy na binyag at kumpirmasyon (tingnan sa 26.4.3).

  • Magbigay ng temple recommend para sa miyembrong ibubuklod sa kanyang mga magulang o para mapanood ang pagbubuklod ng kanyang mga kapatid sa kanilang mga magulang (tingnan sa 26.4.4).

  • Tawagin ang isang miyembro para maglingkod sa isang calling sa ward tulad ng nakasaad sa 30.8.

  • I-awtorisa ang binyag at kumpirmasyon ng isang 8 taong gulang na member of record o may magulang o tagapag-alaga na miyembro ng Simbahan (tingnan sa 31.2.3.1).

  • I-awtorisa ang ordenasyon ng isang kabataang lalaki sa katungkulan ng deacon o teacher (tingnan sa 18.10.2).

  • Magbigay ng Patriarchal Blessing Recommend (tingnan sa 18.17).

  • I-awtorisa ang isang mayhawak ng priesthood na magsagawa ng ordenansa ng priesthood sa ibang ward, kung wala siyang temple recommend. (Tingnan ang form na Recommend to Perform an Ordinance [Rekomendasyon na Magsagawa ng Ordenansa].)

31.2.3

Mga Interbyu para sa Binyag at Kumpirmasyon

31.2.3.1

Mga Bata na mga Member of Record

Taglay ng bishop ang mga susi ng priesthood para sa pagbibinyag ng mga 8 taong gulang na member of record sa kanyang ward. Dahil dito, siya o isang inatasang counselor ang nagsasagawa ng interbyu para sa sumusunod na mga taong bibinyagan:

  • Mga batang edad 8 na member of record.

  • Mga batang edad 8 na hindi member of record ngunit mayroong kahit isang magulang o tagapag-alaga na miyembro.

  • Mga member of record na edad 9 pataas na naantala ang binyag dahil sa mga kapansanan sa pag-iisip.

Sa interbyu, tinitiyak ng miyembro ng bishopric na nauunawaan ng bata ang mga layunin ng binyag (tingnan sa 2 Nephi 31:5–20). Tinitiyak din niya na nauunawaan ng bata ang tipan sa binyag at nangangakong mamuhay ayon dito (tingnan sa Mosias 18:8–10). Hindi niya kailangang gumamit ng isang partikular na listahan ng mga tanong. Hindi ito interbyu para malaman ang pagiging karapat-dapat ng bata, dahil ang “maliliit na anak ay hindi nangangailangan ng pagsisisi” (Moroni 8:11).

31.2.3.2

Mga Convert

Taglay ng mission president ang mga susi ng priesthood para magbinyag ng mga convert. Dahil dito, isang full-time missionary ang nag-iinterbyu sa:

  • Mga taong edad 9 pataas na hindi pa kailanman nabinyagan at nakumpirma. Tingnan ang 31.2.3.1 para sa eksepsyon para sa mga taong may mga kapansanan sa pag-iisip.

  • Mga batang edad 8 pataas na ang mga magulang ay hindi miyembro ng Simbahan.

  • Mga batang edad 8 pataas na ang magulang ay bibinyagan at kukumpirmahin din.

31.2.4

Mga Interbyu para sa Ordinasyon sa Isang Katungkulan sa Aaronic Priesthood

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 18.10.2.

31.2.5

Mga Interbyu para sa Temple Recommend

Ang templo ang bahay ng Panginoon. Ang pagpasok sa templo at pakikibahagi sa mga ordenansa ay isang sagradong pribilehiyo. Ang pribilehiyong ito ay nakalaan para sa mga taong handa sa espirituwal at nagsisikap na ipamuhay ang mga pamantayan ng Panginoon, ayon sa pagtukoy ng mga awtorisadong priesthood leader.

Para magawa ito, iniinterbyu ng mga priesthood leader ang miyembro gamit ang mga tanong sa LCR (tingnan din ang mga tuntunin sa 26.3).

31.2.6

Mga Interbyu para sa Ordinasyon sa Isang Katungkulan sa Melchizedek Priesthood

Taglay ng stake president ang mga susi ng priesthood para sa paggawad ng Melchizedek Priesthood. Taglay din niya ang mga susi sa pag-orden sa mga katungkulan ng elder at high priest.

Sa pag-apruba ng stake presidency, iniinterbyu ng bishop ang miyembro gamit ang mga tanong na ibinigay sa Melchizedek Priesthood Ordination Record [Rekord ng Ordinasyon sa Melchizedek Priesthood].

31.3

Iba pang mga Pagkakataon para Makausap ng mga Lider ang mga Miyembro

  • Maaaring hilingin ng mga miyembro na makausap ang isang lider ng Simbahan kapag kailangan nila ng espirituwal na patnubay o may mabibigat na personal na problema.

  • Kakausapin nang personal ng bishop o ng isang taong inatasan niya ang mga miyembrong may temporal na mga pangangailangan (tingnan sa 22.6).

  • Kinakausap nang personal ng isang miyembro ng bishopric ang bawat 11-taong-gulang na bata bago niya lisanin ang Primary at lumipat sa deacons quorum o Young Women class.

31.3.1

Personal na Pakikipag-usap sa mga Kabataan

Kinakausap nang personal ng bishop o ng isa sa kanyang mga counselor ang bawat kabataan nang dalawang beses sa isang taon. Dapat gawin ng bishop ang kahit isa sa mga pakikipag-usap na ito bawat taon. Simula sa taon na magiging 16 na taong gulang ang mga kabataan, dapat gawin ng bishop ang dalawang pakikipag-usap na ito kung maaari.

Ang Young Women president ay mayroon ding responsibilidad na magminister sa bawat kabataang babae. Magagawa niya ito sa pamamagitan ng personal na pakikipag-usap sa mga kabataang babae (maaari ding sumama ang isa pang adult).

31.3.1.2

Mga Paksang Tatalakayin

Ang pangunahing layunin ng pakikipag-usap sa mga kabataan ay upang patatagin ang pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at tulungan ang mga kabataan na sundin Sila. Ang mga pakikipag-usap na ito ay dapat maging nakasisiglang mga espirituwal na karanasan.

31.3.2

Personal na Pakikipag-usap sa mga Young Single Adult

Binibigyan ng bishop ng mataas na prayoridad ang espirituwal na pag-unlad ng mga young single adult sa kanyang ward. Kinakausap nang personal ng bishop o ng isang inatasang counselor ang bawat young single adult kahit minsan sa isang taon.

31.3.3

Personal na Pakikipag-usap sa mga Miyembro Para Talakayin ang Kanilang mga Calling at Responsibilidad

Kinakausap nang personal ng mga stake presidency, bishopric, at iba pang mga lider ang mga miyembrong naglilingkod sa ilalim ng kanilang pamamahala. Tinatalakay nila ang tungkol sa kanilang mga calling.

Pinasasalamatan ng lider ang paglilingkod ng miyembro at nagbibigay ng panghihikayat.

31.3.6

Professional Counseling at Therapy

Ang mga lider ng Simbahan ay hindi tinawag upang maging mga professional counselor o magbigay ng therapy. Ang tulong na ibinibigay nila ay espirituwal, na nakatuon sa nagpapalakas, nakapapanatag, at nakatutubos na kapangyarihan ni Jesucristo. Bukod pa sa mahalaga at inspiradong tulong na ito, maaaring makinabang ang ilang miyembro mula sa professional counseling kung saan mayroon nito.

31.4

Personal na Pakikipag-usap sa mga Miyembro sa Pamamagitan ng Internet

Karaniwang kinakausap ng mga lider ang mga miyembro nang harapan para sa mga interbyu at para magbigay ng tulong sa espirituwal at magminister. Gayunman, bilang eksepsyon, maaari silang mag-usap sa pamamagitan ng internet kung hindi magiging praktikal ang harapang pag-uusap.