Mga Hanbuk at Calling
35. Pangangalaga at Paggamit sa mga Meetinghouse


“35. Pangangalaga at Paggamit sa mga Meetinghouse,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).

“35. Pangangalaga at Paggamit sa mga Meetinghouse,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk

mga taong naghuhugas ng bintana at nagva-vacuum

35.

Pangangalaga at Paggamit sa mga Meetinghouse

35.1

Layunin

Ang Simbahan ay nagtatayo ng mga meetinghouse upang ang lahat ng pumapasok dito ay maaaring:

35.2

Mga Tungkulin at Responsibilidad

35.2.2

Church Facilities Manager

Ang isang facilities manager na empleyado ng Simbahan ay tumutulong sa bawat stake sa pagpapatakbo ng mga meetinghouse. Siya ang nag-aasikaso para sa malalaking pagkukumpuni, malawakang paglilinis, at regular na gawain sa pagpapanatiling maayos ng gusali.

Kung kinakailangan, tinuturuan ng facilities manager ang mga stake at ward building representative kung paano linisin ang gusali at magsagawa ng iba pang mga lokal na gawain. Siya ay nagbibigay ng mga tagubilin, materyales, at kagamitan.

Maaari din niyang rebyuhin kasama ng mga bishopric ang mga gastusin sa gusali.

35.2.7

Bishopric

Itinuturo ng bishopric (o ng ward building representative) sa mga miyembro kung paano gamitin, pangalagaan, at panatilihin ang seguridad ng gusali. Ipinamamahagi rin ng bishopric ang mga susi ng gusali sa mga lider ng ward.

Tinitiyak nila na ang mga aktibidad sa gusali at sa bakuran nito ay ligtas na naisasagawa (tingnan sa 20.7).

Nakikipag-ugnayan sila sa facilities manager ng Simbahan tungkol sa mga pangangailangan sa pagpapanatiling maayos at pagpapatakbo ng gusali. Maaari din nilang rebyuhin ang kaugnay na mga gastusin sa facilities manager.

35.2.9

Ward Building Representative

Ang bishopric ay nagpapasiya kung tatawag o hindi ng isang ward building representative. Kung magpapasiya silang ibigay ang calling na ito, ang bishopric ay maaaring tumawag ng isang adult na miyembro na lalaki o babae. Kung walang tinawag na isang ward building representative, i-aatas ng bishop ang responsibilidad na ito sa isa sa kanyang mga counselor, sa ward clerk o sa isang assistant ward clerk, o sa executive secretary.

Inoorganisa ng ward building representative ang mga miyembro at boluntaryo sa paglilinis at pagpapanatiling maayos ng gusali.

35.3

Pagtatayo ng mga Meetinghouse

Iba-iba ang laki at uri ng mga meetinghouse batay sa mga lokal na pangangailangan at kalagayan. Ang meetinghouse ay maaaring isang gusaling ipinatayo o binili ng Simbahan, bahay ng miyembro, lokal na paaralan o community center, inuupahang lugar, o iba pang inaprubahang opsiyon.

Ang mga lider ng area at mga lokal na lider ay nagsisikap na lubos na magamit ang mga meetinghouse at maging matalino sa pagrerekomenda ng karagdagang espasyo.

35.4

Pagpapanatiling Maayos ng mga Meetinghouse

35.4.1

Paglilinis at Pagpapanatiling Maayos ng mga Meetinghouse

Ang mga lokal na lider at miyembro, kabilang ang mga kabataan, ay may responsibilidad na tumulong na panatilihing malinis at maayos ang bawat gusali.

Ang iskedyul ng paglilinis ay hindi dapat maging pabigat sa mga miyembro. Halimbawa, kung hindi madali ang paglalakbay papunta sa gusali, maaaring maglinis ang mga miyembro bilang bahagi ng mga lingguhang kaganapan kapag sila ay nasa gusali na.

35.4.2

Paghiling ng mga Pagkukumpuni

Maaaring ireport ng mga miyembro ng ward at stake council ang mga pangangailangan sa pagkukumpuni sa gusali. Magagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng Facility Issue Reporting (FIR) tool.

35.4.5

Kaligtasan at Seguridad

Ang mga lider at miyembro ay dapat:

  • Panatilihing walang sagabal ang mga pasilyo, hagdanan, pintuan, at mga utility room para sa ligtas na pagpasok at paglabas.

  • Huwag gumamit o mag-imbak sa gusali ng mga materyales na mapanganib o madaling magliyab.

  • Magtatag ng mga pamamaraan sa pagsasara ng gusali at sundin ang mga ito.

  • Ingatan ang mga kagamitang pag-aari ng Simbahan para hindi manakaw ang mga ito.

  • Alamin kung paano patayin ang tubig, kuryente, gas o langis, at iba pa.

Kung kinakailangan, ang facilities manager ay makapagbibigay ng isang mapa na nagpapakita ng lokasyon ng mga fire extinguisher, first aid kit, at kung saan papatayin ang tubig, kuryente, gas, at iba pa. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa kaligtasan ay makukuha sa “Mga Patakaran sa Seguridad at Pagkandado ng Meetinghouse” sa “Pagpapanatiling Maayos ng mga Meetinghouse” (Gabay sa mga Pasilidad ng Meetinghouse). Tingnan din sa 20.7.

35.5

Mga Patakaran sa Paggamit ng mga Meetinghouse ng Simbahan

35.5.1

Mga Pangunahing Alituntunin at Kinakailangan sa Paggamit ng mga Meetinghouse ng Simbahan

Lahat ng paggamit ng mga meetinghouse ng Simbahan ay dapat matugunan ang mga sumusunod na pangunahing kinakailangan:

  • Maging ayon sa doktrina, mga patakaran, at gawi ng Simbahan, kabilang na ang kasagraduhan at mga layunin ng mga meetinghouse ng Simbahan.

  • Sumusunod sa batas.

  • Maging ayon sa tax-exempt status ng Simbahan kung saan naaangkop.

  • Gumawa ng angkop na mga hakbang upang maiwasan, mabawasan, at mapamahalaan ang mga panganib sa kaligtasan, kabilang na ang mga tuntunin at patakaran ng Simbahan na nangangalaga sa mga bata at kabataan (tingnan sa 12.5.1 at 20.7.1)

  • Sundin ang iba pang mga kondisyon at limitasyon na ibinigay ng stake president o bishop.

35.5.2

Paggamit ng Simbahan sa mga Meetinghouse

Ang mga miting, programa, at aktibidad ng Simbahan ay dapat bigyang-prayoridad sa iba pang mga paggamit ng meetinghouse kung may mga kaganapan na nagkasabay.

Ang mga ward at stake ay maaari ding mag-alok ng iba pang mga programa ng Simbahan na kapaki-pakinabang sa mga miyembro at sa komunidad. Kabilang dito ang:

35.5.3

Paggamit ng mga Miyembro sa mga Meetinghouse—Personal at Pamilya

Maaaring hilingin ng mga miyembro na gumamit ng meetinghouse sa loob ng kanilang stake para sa mga personal na aktibidad o aktibidad ng pamilya. Para humingi ng pahintulot, kokontakin nila ang isang miyembro ng bishopric ng isang ward na nagpupulong sa meetinghouse na iyon (o isang taong itinalaga niya). Ang sumusunod na mga kondisyon ay dapat matugunan:

  • Ang paggamit ay dapat pamahalaan nang personal ng isang responsableng adult na miyembro ng ward na nagpupulong sa meetinghouse.

  • Ang mga gagamit ang may buong responsibilidad para sa anumang pinsala sa mga pasilidad o anumang pinsala o pananagutan kaugnay ng gayong paggamit.

  • Kailangang linisin at lubos na ibalik ng mga gagamit ang mga pasilidad sa kondisyon nito bago ito gamitin.

  • Ang mga gagamit ay dapat sumunod sa direksyon at mga kahilingan mula sa mga lokal na lider, kabilang na ang mga kahilingan ng mga lider na subaybayan ang paggamit.

  • Maaaring hilingin ng mga lider ng Simbahan sa sinumang indibiduwal o grupo na itigil ang paggamit ng ari-arian ng Simbahan kung hindi sila sumusunod sa mga tuntunin.

  • Para sa inaprubahang mga aktibidad, ang mga lider ng ward at stake ay dapat gumawa ng mga pagsasaayos para sa access sa meetinghouse. Ang mga susi sa gusali ay dapat ibigay lamang sa itinalagang mga miyembro ng ward o stake.

Tingnan ang 38.3.4 para sa paggamit ng mga meetinghouse para sa mga kasal at reception sa kasal.

Tingnan ang 29.5 para sa paggamit ng mga meetinghouse para sa mga burol at iba pang mga serbisyo para sa mga patay.

35.5.4

Paggamit sa mga Meetinghouse ng Simbahan ng mga Nonprofit Organization o ng Iba pang mga Grupo o Indibiduwal

Maaaring pahintulutan ng pamunuan ng area ang mga nonprofit organization, mga grupo sa komunidad at iba pang mga grupo (tulad ng mga sports team), o mga indibiduwal na hindi inilarawan sa 35.5.3 na gamitin ang mga meetinghouse ng Simbahan para sa mabubuting aktibidad o paglilingkod. Ang mga kondisyon sa 35.5.3 ay dapat sundin.

Para humingi ng pag-apruba mula sa pamunuan ng area para sa gayong paggamit, kokontakin ng stake president ang facilities manager.

35.5.5

Mga Emergency

Ang mga meetinghouse ng Simbahan ay maaaring gamitin para sa mahalagang paglilingkod sa komunidad sa oras ng emergency. Halimbawa, maaaring pahintulutan ng stake president ang mga meetinghouse sa kanyang stake na gamitin ng mga disaster-relief agencies at iba pa para sa kaugnay na mga pagsisikap (tingnan sa 35.5.4).

35.5.6

Mga Paggamit sa Meetinghouse na Hindi Pinahihintulutan

35.5.6.1

Mga Komersyal na Paggamit

Ang mga ari-arian ng Simbahan ay hindi maaaring gamitin sa mga komersyal na layunin. Ang gayong paggamit ay hindi nakaayon sa mga layunin ng mga ari-arian ng Simbahan. Maaaring salungat din ito sa mga lokal o pambansang batas na nagbibigay ng tax exemption sa mga ari-arian ng Simbahan.

35.5.6.3

Mga Layuning Pampulitika

Ang Simbahan ay walang kinikilingan sa pulitika. Ang mga ari-arian ng Simbahan ay hindi maaaring gamitin para sa mga layuning pampulitika o adbokasiyang pampulitika. Ang mga ipinagbabawal na aktibidad ay kinabibilangan ng mga miting sa pulitika at paggamit ng mga grupong nangangampanya at nagtataguyod ng mga adbokasiyang pampulitika.

Gayunman, ang paggamit ng mga ari-arian para sa pagrerehistro ng botante o pagboto ay maaaring pahintulutan bilang eksepsyon (tingnan sa 38.8.30). Ang stake president ay maaaring makakuha ng gayong eksepsyon sa pamamagitan ng facilities manager (tingnan sa 35.5.4).