Paunang Salita
Malaki ang pangangailangan natin. Maraming miyembrong hindi self-reliant at walang kakayahang “mapaglaanan ang espirituwal at temporal na mga pangangailangan ng sarili at pamilya.”1 Ang pagtulong sa mga tao na maging self-reliant ay gawain ng kaligtasan. Itinuro ni Pangulong Thomas S. Monson: “[Ang pagiging self-reliant] ay mahalagang elemento sa ating kapakanang espirituwal gayundin sa temporal. … ‘Maging self-reliant tayo at tumayo sa sariling mga paa. Ang kaligtasan ay hindi matatamo sa pamamagitan ng iba pang alituntunin.’”2
Kabilang sa mga taong nangangailangan ng tulong para lalo pang maging self-reliant ay ang mga tumatanggap ng fast-offering assistance, mga returned missionary, mga bagong miyembro, mga di-gaanong aktibong miyembro, at mga lokal na priesthood leader na nangangailangan ng mas magandang trabaho. Sa pamamagitan ng Kanyang Simbahan, ang Panginoon ay naglalaan ngayon ng magaganda at bagong tools, resources, at pamamaraan na inilarawan sa gabay na ito para tulungan ang mga miyembro sa kanilang landas tungo sa self-reliance.3
Bilang priesthood leader, kayo ay isa sa mga tinukoy ng Panginoon, “Aking ibinigay sa inyo … ang mga susi … para sa gawain ng ministeryo at sa pagpapaganap ng mga banal” (D at T 124:143), at, “Sa kanya kung kanino ang mga susing ito ay ibinigay ay walang paghihirap sa pagtatamo ng kaalaman ng mga katotohanang may kinalaman sa kaligtasan ng mga anak ng tao” (D at T 128:11). Basahin ang “Ang Talinghaga Tungkol sa Drayber ng Bus” sa kanan. Pag-isipang mabuti ang inyong tungkulin na maisulong ang mahalagang programang ito.
Ang gabay na ito para sa mga lider ay ginawa para tulungan kayo na magamit ang inyong mga susi, maipatupad ang bagong tools na ito at matulungan ang mga miyembro na tulungan ang kanilang sarili na maging self-reliant. Kapag ginawa ninyo ito, gagabayan kayo ng Espiritu Santo at gagawin kayong kasangkapan ng Panginoon sa pagtulong sa mga maralita at nangangailangan at pagpapabilis ng Kanyang gawain ng kaligtasan.
Inilathala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw
Salt Lake City, Utah
© 2014, 2015 ng Intellectual Reserve, Inc.
Lahat ng karapatan ay nakalaan.
Pagsang-ayon sa Ingles: 6/15
Pagsang-ayon sa pagsasalin: 6/15
Pagsasalin ng Leader Guide
Tagalog
12373 893