Mga Responsibilidad ng Priesthood Leader
Stake Presidency (o District Presidency)
-
Nag-aaral at nagtuturo ng mga doktrina at alituntunin ng self-reliance (tingnan sa back cover). Tinatagubilinan ang mga bishop at mga miyembro ng stake self-reliance committee sa kanilang mga responsibilidad.
-
Ipinapaliwanag ang mga mithiin ng self-reliance sa stake.
-
Nag-oorganisa ng stake self-reliance committee na makagagawa, makapagpapatupad, at makapagmo-monitor ng self-reliance action plan para sa stake.
-
Inuunang anyayahan ang mga returned missionary at mga bagong miyembro (kung kailangan) na makibahagi sa mga aktibidad ng self-reliance.
-
Isinasama ang self-reliance sa agenda ng stake council.
-
Tumatawag ng isang stake self-reliance specialist.
-
Tumatawag ng mga Church-service missionary kung kinakailangan.
-
Nirerepaso ang mga stake self-reliance progress report at PEF loan report at kumikilos batay dito.
-
Nagbibigay ng tagubilin sa paggamit ng family history center para sa mga layuning ukol sa self-reliance kung kinakailangan.
Stake Self-Reliance Committee
Ang stake self-reliance committee ay kinabibilangan ng mga sumusunod: isang miyembro ng stake presidency (namumuno sa committee), high councilor na naka-assign sa self-reliance, isang miyembro ng stake Relief Society presidency, ang chairman ng welfare council ng mga bishop, at ang stake self-reliance specialist. Maaaring ibilang sa mga opsyonal na makikibahagi ang mga miyembro ng stake Young Men at Young Women presidency, karagdagang mga stake specialist, full-time senior missionary, at Church-service missionary.
-
Pinapanood ang video na “Laboring unto Self-Reliance (Pagsisikap na Maging Self-Reliant)” (makukuha sa srs.lds.org/videos).
-
Gumagawa, nagpapatupad, at nagmo-monitor ng self-reliance action plan para sa stake.
-
Regular na nagbibigay ng mga debosyonal para sa My Path to Self-Reliance (Ang Aking Landas Patungong Self-Reliance) (tingnan sa pahina 4).
-
Nag-oorganisa ng stake self-reliance resource center at naglalagay ng mga tauhan dito. Nagtatalaga ng Church-service missionary couple o ng self-reliance specialist para mamahala sa center at mag-organisa ng mga self-reliance group (tingnan sa pahina 2).
-
Nagtuturo sa mga ward council ng kanilang mga tungkulin sa self-reliance.
-
Gumagamit ng resources at mga serbisyo na nilikha ng mga empleyado ng Self-Reliance Services.
-
Nag-aanyaya ng mga returned missionary at mga bagong miyembro (kung kinakailangan) para makibahagi sa mga debosyonal ng My Path (Ang Aking Landas) at sumali sa mga self-reliance group.
Stake Self-Reliance Specialist
Ang mga specialist ang nag-uugnay sa lahat ng gawain ng Self-Reliance Services (stake self-reliance committee, stake self-reliance resource center, at Self-Reliance Services manager).
-
Naghahanda ng agenda ng stake self-reliance committee.
-
Nagbibigay ng training sa mga Church-service missionary at mga boluntaryo sa pangangasiwa ng self-reliance resource center.
-
Nagbibigay ng training at pinamamahalaan ang iba pang mga self-reliance specialist sa stake.
-
Umoorder ng mga self-reliance material kung kailangan.
-
Nagbibigay ng training at tumutulong sa mga bishop at ward council kapag hinilingan.
-
Tumutulong sa pagrehistro ng mga miyembro sa srs.lds.org/register.
-
Nag-oorganisa, nagmo-monitor, sumusuporta, at nagpa-facilitate ng mga self-reliance group. (Ang iba pang mga miyembro ay maaaring hilingang mag-facilitate ng mga grupo kung kinakailangan.)
-
Pinag-aaralan at sinusunod ang mga alituntuning matatagpuan online sa srs.lds.org/facilitator.
Bishopric (o Branch Presidency)
-
Nagtuturo sa mga miyembro ng ward ng mga doktrina at alituntunin ng self-reliance (tingnan sa back cover).
-
Namamahala sa mga gawaing ukol sa self-reliance sa pamamagitan ng ward council:
-
Tinutukoy, binibilang, at inaanyayahan ang lahat ng mga miyembrong kailangang maging self-reliant. Ang Adult Member Self-Reliance Tool sa leader.lds.org/self-reliance ay maaaring makatulong sa prosesong ito.
-
Sa pamamagitan ng mga lider ng korum at auxiliary, nagbibigay ng suporta, nagtuturo, at tumutulong sa mga nangangailangan.
-
-
Nag-aanyaya sa mga nangangailangan na kumpletuhin ang buklet na My Path to Self-Reliance (Ang Aking Landas Patungong Self-Reliance) at sumali sa isang self-reliance group.
-
Tumatawag ng mga self-reliance specialist para mag-facilitate ng mga grupo kung kinakailangan.
-
Nagsasagawa ng mga interbyu para sa PEF loan endorsement (tingnan sa srs.lds.org/loans).
-
Nirerepaso ang mga ward self-reliance progress report at PEF loan report at kumikilos batay rito. Ang mga bishop ay hindi dapat makibahagi sa pagkolekta ng PEF loan.
-
Humihingi ng karagdagang tulong mula sa stake self-reliance committee kung kinakailangan.