Resources
Mga Self-Reliance Resource Center
Ang mga stake ay hinihikayat na magkaroon ng self-reliance resource center sa loob ng gusali ng Simbahan, na karaniwang nasa lokasyon din ng family history center. Ang mga tauhan sa self-reliance resource center ay mga Church-service missionary at mga boluntaryo at nagbibigay ng Internet access, nagtuturo, at nagbibigay ng iba pang makatutulong na resources sa mga naghahanap ng trabaho, mga self-employed, at magsisipag-aral.
Mga Self-Reliance Group
Ang self-reliance group meeting ay parang isang council at kaiba sa karaniwang mga klase, lesson, at workshop sa Simbahan. Walang mga guro o trainer dito. Sa halip, ang mga group member ay nagpapayuhan, sama-samang natututo, nagtuturo sa isa’t isa, nangangakong gagawin ang natutuhan nila, at pinapaalalahanan ang bawat isa sa mga pangakong ginawa nila. Ang pagtuturo ng isa’t isa sa grupo at pagpapayuhan, kasama ang mga workbook at video, ay lumilikha ng kahika-hikayat na kapaligiran sa pag-aaral na nagpapalakas sa bawat miyembro sa kanyang pagsulong sa pagiging self-reliant.
Ang mga lider ng stake o ward ay tumatawag ng mga self-reliance specialist para mag-organisa at mag-facilitate ng mga self-reliance group. Ang mga group facilitator ay hindi mga guro; sa halip tinutulungan nila ang grupo na sundin ang pamamaraan ng self-reliance gaya ng nakasaad sa mga manual. Kakailanganin ng mga facilitator ang paminsan-minsang pag-access sa Internet at paraan para maipanood ang mga video sa mga miting ng grupo. Ang mga lider ay maaaring bumuo ng maraming grupo at tumawag ng maraming specialist kung kinakailangan. Maaaring hilingin sa iba pang mga group member na mag-facilitate kung kinakailangan. Ang bawat grupo ay magpupulong nang hindi kukulangin sa 12 beses sa loob ng dalawang oras bawat sesyon at binubuo ng 8 hanggang 14 na miyembro. Maaaring magpulong ang mga grupo sa mga stake self-reliance resource center, mga gusali ng Simbahan, o iba pang angkop na lugar na madaling mapuntahan ng mga miyembro.
Ang mga lokal na lider ang nagpapasiya kung alin sa sumusunod na mga grupo ang kailangan sa kanilang unit.
-
Ang mga grupong Starting and Growing My Business (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo) ay tumutulong sa mga tao na makapagsimula o makapagpalago ng kanilang sariling negosyo. Hinalinhan ng mga grupong ito ang Self-Employment Workshop.
-
Ang mga grupong My Job Search (Ang Paghahanap Ko ng Trabaho) ay tumutulong sa mga tao na makahanap ng bago o mas magandang trabaho. Hinalinhan ng mga grupong ito ang Career Workshop.
-
Ang mga grupong Education for Better Work (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) ay tumutulong sa mga tao na matukoy ang pag-aaralan nila para madagdagan ang kanilang kita. Hinalinhan ng mga grupong ito ang Planning for Success.
Bilang bahagi ng bawat grupo, pag-aaralan din ng mga miyembro ang 12 alituntunin tungkol sa self-reliance mula sa booklet na My Foundation: Principles, Skills, Habits (Ang Aking Saligan: Mga Alituntunin, Kasanayan, at Gawi).
Church Employee Support at mga Preferred Resource List
Ang Simbahan ay kumukuha ng mga tao sa bawat area para tumulong sa mga gawain sa self-reliance. Kabilang dito ang isang area self-reliance manager (ASRM), self-reliance operations manager, mga Self-Reliance Services manager, at iba pang mga tauhan. Tumutulong ang mga empleyadong ito na maipabatid ang mga pangangailangan ng mga stake self-reliance resource center at naglalaan ng resources at training sa mga stake. Maaaring kabilang sa resources na ito ang mga mentor, listahan ng Preferred Programs and Schools, mga mapapasukang trabaho sa lugar, at pangalan ng mga financing institution para makautang ng puhunan upang makapagsimula ng negosyo.
Self-Reliance Website
Ang iba pang impormasyon para sa mga lider at miyembro ay makukuha sa srs.lds.org.
Leader and Clerk Resources
Matutulungan ng Adult Member Self-Reliance Tool ang mga bishop kapag tinukoy at pinagtuunan nila ng pansin ang mga miyembro na hikahos sa buhay. Ang resource na ito ay makukuha sa leader.lds.org/self-reliance.
Mga Debosyonal para sa My Path to Self-Reliance (Ang Aking Landas Patungong Self-Reliance)
Ang mga stake o ward ay regular na nagdaraos ng mga debosyonal para sa My Path to Self-Reliance (Ang Aking Landas Patungong Self-Reliance). Ang debosyonal na ito ay tumutulong sa mga miyembro na magsimula sa landas patungong self-reliance sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na maunawaan ang espirituwal na kahalagahan ng self-reliance, makita kung gaano sila ka-self-reliant ngayon, malaman ang mga kasanayan at kitang kailangan para maging self-reliant sa temporal, at makapili ng self-reliance group na tutulong sa kanila na makamit ang mithiing iyan. Ang booklet na My Path to Self-Reliance (Ang Aking Landas Patungong Self-Reliance) ang nagpa-facilitate ng prosesong ito. Ang assessment ay magagawa rin nang paisa-isa, kasama ang isang priesthood leader, self-reliance specialist, sa isang self-reliance resource center, o sa iba pang lugar. Panoorin ang “How to Use My Path” sa srs.lds.org/videos.
Mga Training Video
Panoorin ang sumusunod na mga video online sa srs.lds.org/videos.
Audience |
Pamagat ng Video |
---|---|
Mga Lider |
Maglalaan Ako para sa Aking mga Banal 2:3 |
Ang Stake Self-Reliance Committee 2:3 | |
Ang Stake Self-Reliance Committee Meeting 2:3 | |
Mga Stake Self-Reliance Specialist 2:3 | |
Pagtulong sa mga Ward Council 2:3 | |
Paano Bumuo ng mga Self-Reliance Group 2:3 | |
Pagsisikap na Maging Self-Reliant 6:17 | |
Mga Video ng My Foundation (Ang Aking Saligan (12) 2:3 | |
Mga Facilitator |
Ang Aking Layunin 2:3 |
Paano Mag-facilitate ng Grupo 2:3 | |
Paano: Maghanda 2:3 | |
Paano Mag-facilitate: My Foundation (Ang Aking Saligan) 2:3 | |
Paano Mag-facilitate: Magreport NaN:NaN | |
Paano Mag-facilitate: Pag-aralan 2:3 | |
Paano Mag-facilitate: Pag-isipang Mabuti 2:3 | |
Paano Mag-facilitate: Mangakong Gawin 2:3 | |
Paano: Mangasiwa ng mga Miting NaN:NaN | |
Matutong “Humayo at Gumawa” NaN:NaN |
Tumatanggap ng Feedback
Mangyaring ipadala ang inyong mga ideya, feedback, mungkahi, at mga karanasan sa SRSfeedback@ldschurch.org o srs.lds.org/feedback.
Mga Materyal para sa Grupo
Ang mga materyal, video, at training ay makukuha sa Gospel Library mobile application at online sa srs.lds.org. Ang mga materyal ay maaari ding orderin sa mga distribution center ng Simbahan.
My Path to Self-Reliance (Ang Aking Landas Patungong Self-Reliance)
Lahat ng sasali ay magsisimula sa booklet na ito para malaman kung gaano sila ka-self-reliant ngayon at magpapasiya kung aling grupo ang makakatulong sa kanila na maging self-reliant. Kabilang sa mga grupo ang self-employment, paghahanap ng trabaho, at edukasyon.
My Foundation: Principles, Skills, Habits (Ang Aking Saligan: Mga Alituntunin, Kasanayan, at Gawi)
Gagamitin ng mga miyembro ng lahat ng tatlong grupo ang booklet na ito kada miting para talakayin at isagawa ang mahahalagang espirituwal na alituntunin ng self-reliance.
Starting and Growing My Business (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo)
Para sa mga taong may negosyo na o gustong magnegosyo. Ang mga group member ay nagpapraktis ng record keeping, marketing, at cash management. Sumusubok din sila ng mga paraan para mapalago ang kanilang kita sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maliliit na negosyo.
My Job Search (Ang Paghahanap Ko ng Trabaho)
Para makakuha ng magandang trabaho ang mga taong may mga kasanayan o skills. Nakakakuha ng trabaho ang mga group member sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga job opportunity, networking, buong tiwalang pagpapakilala ng kanilang sarili, at paghahanda para sa mga tanong sa interbyu. Ang resulta ng pagsali sa grupong ito ay pagkakaroon ng trabaho.
Education for Better Work (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho)
Para sa mga taong nangangailangan ng edukasyon o training para magkaroon ng magandang trabaho o makapagsimula ng negosyo. Tinutukoy ng mga group member ang trabaho na tutulong sa kanila na maging self-reliant at pagkatapos ay maghahanap ng paaralan o programa (kabilang na ang Pathway) na hahantong sa trabahong iyon. Sa pagsali sa grupong ito nagkakaroon ng plano sa pag-aaral at PEF loan (kung kinakailangan).
Ang mga group member na nakakumpleto ng mga requirement sa My Foundation (Ang Aking Saligan) at Starting and Growing My Business (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo) ay maaaring makatanggap ng mga sertipiko mula sa LDS Business College.