Library
Inisyatibo ng Self-Reliance


Inisyatibo ng Self-Reliance

Mga Doktrina at Alituntunin ng Self-Reliance

Ang self-reliance ay “ang kakayahan, tapat na pangako, at pagsisikap na tustusan ang espirituwal at temporal na mga pangangailangan sa buhay ng sarili at ng pamilya. Kapag ang mga miyembro ay naging self-reliant, mas makapaglilingkod sila at mas mapangangalagaan ang iba” (Handbook 2, 6.1.1). Tatlong mahahalagang turo ang makakatulong sa atin na maunawaan kung paano mamuhay na self-reliant:

Una, ang self-reliance ay isang utos na mahalaga sa plano ng kaligtasan. Itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball: “Iniutos ng Panginoon sa Simbahan at mga miyembro nito na tumayo sa sariling mga paa at magsarili. (Tingnan sa DT 78:13–14.) Ang responsibilidad para sa kapakanang sosyal, emosyonal, espirituwal, pisikal, o pangkabuhayan ng bawat tao ay nakasalalay una sa kanyang sarili, ikalawa sa kanyang pamilya, at ikatlo sa Simbahan kung siya ay tapat na miyembro nito” (Mga Turo ng Pangulo ng Simbahan: Spencer W. Kimball [2006], 139).

Pangalawa, gagawa at magbibigay ang Diyos ng paraan para ang Kanyang matwid na mga anak ay maging self-reliant. “At layunin ko ito na maglaan para sa aking mga banal, sapagkat lahat ng bagay ay akin” (DT 104:15).

Pangatlo, lahat ng mga bagay, pati temporal na pangangailangan, ay mga espirituwal na bagay sa Diyos (tingnan sa DT 29:34). Kapag tapat tayong nangangakong ipapamuhay ang ebanghelyo nang lubusan, kaya nating maging mas self-reliant sa parehong temporal at espirituwal na pamamaraan. Itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf: “Ang dalawang dakilang kautusan—ang mahalin ang Diyos at ang ating kapwa—ay magkahalong temporal at espirituwal. … Tulad ng dalawang mukha ng isang barya, ang temporal at espirituwal ay hindi mapaghihiwalay” (Dieter F. Uchtdorf, “Pagtulong sa Paraan ng Panginoon,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 53).

Ang ilan sa mga alituntunin ng ebanghelyo na makakatulong sa atin na maging self-reliant ay ang pagpapalago ng pananampalataya natin sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, pagiging mas masunurin, pagsisisi sa ating mga pagkakamali, matwid na paggamit ng ating kalayaan sa pagpili, at paglilingkod sa iba. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa buklet na My Foundation for Self-Reliance (Ang Aking Saligan Patungong Self-Reliance).

Larawan
Pangulong Thomas S. Monson

“Ang pagiging self-reliant ay bunga ng ating paggawa at pundasyon ng lahat ng iba pang gawaing pangkapakanan. … ‘Magtrabaho tayo para sa ating pangangailangan. Maging self-reliant tayo at tumayo sa sariling mga paa. Ang kaligtasan ay hindi matatamo sa pamamagitan ng iba pang alituntunin.’”

Thomas S. Monson (na binabanggit ang pahayag ni Marion G. Romney), “Guiding Principles of Personal and Family Welfare,” Ensign, Set. 1986, 3

Ang Inisyatibo ng Self-Reliance ay Pinapatnubayan ng mga Lider ng Priesthood

Ang mga stake ng Sion ay mga lugar na dulugan na nag-iingat sa lahat ng pumapasok. Ang layunin ng stake ay maging “isang tanggulan, at … isang kanlungan mula sa bagyo, at mula sa poot sa panahong ito [na] ibubuhos … sa buong lupa” (DT 115:6). Ang mga stake ay mga lugar ng pagtitipon kung saan ang mga miyembro ng Simbahan ay maaaring maglingkod at palakasin ang isa’t isa, magkaisa, at tumanggap ng mga ordenansa ng priesthood at tagubilin ng ebanghelyo (Handbook 1, introduction).

Sinabi ng Panginoon sa mga lider ng priesthood, “Aking ibinigay sa inyo … ang mga susi … para sa gawain ng ministeryo at sa pagpapaganap ng mga banal” (DT 124:143). Itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf: “Ang paraan ng Panginoon sa [self-reliance] ay kinapapalooban ng maraming aspeto ng buhay, gaya ng edukasyon, kalusugan, trabaho, pananalapi ng pamilya, at espirituwal na kalakasan. … Ibig sabihin, sa maraming pagkakataon, kayo mismo ang kailangang umalam sa mga pangangailangang ito. Bawat pamilya, bawat kongregasyon, bawat lugar sa mundo ay magkakaiba” (“Pagtulong sa Paraan ng Panginoon,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 55).

Ang inisyatibo ng self-reliance ay isang kasangkapan ng mga stake president at mga bishop na maaari nilang gamitin upang makatulong sa kanilang responsibilidad na itinakda ng Diyos upang pangalagaan ang mga maralita at yaong mga nangangailangan.

Larawan
Pangulong Harold B. Lee

“Hindi kailangan ng bagong organisasyon upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga taong ito. Ang tanging kailangan ay pakilusin ang priesthood ng Diyos.”

Harold B. Lee, “Admonitions for the Priesthood of God,” Ensign, Ene. 1973, 104

Stake Self-Reliance Committee

Upang maunawaan at matugunan ang mga pangangailangan sa self-reliance sa kanilang stake, ang stake presidency ay maaaring magtatag ng stake self-reliance committee bilang bahagi ng stake council. Ang stake self-reliance committee ay pinamumunuan ng isang miyembro ng stake presidency at regular na nagmimiting upang rebyuhin at planuhin ang mga pangangailangan sa self-reliance ng stake. Ang mga stake self-reliance committee ay hinihikayat na makipagtulungan sa welfare council ng bishop upang alamin at tugunan ang mga pangangailangang iyon.

Ang komite ay karaniwang kinabibilangan ng isang miyembro ng stake high council, isang miyembro ng stake Relief Society presidency, chairman ng welfare council ng bishop, at ng isa sa mga stake self-reliance specialist. Maaaring isama bilang mga miyembro ng komite ang mga miyembro ng stake Young Men at Young Women presidency, karagdagang mga stake specialist, at mga missionary.

Papel na Ginagampanan ng Self-Reliance Committee

Sa pagrerebyu at pagpaplano para sa mga pangangailangan ng mga indibiduwal at pamilya sa stake, isinasaalang-alang ng komite ang mga sumusunod:

  • Pagtuturo sa mga bishop at ward council tungkol sa mga doktrina ng self-reliance at pagsuporta sa kanila sa kanilang mga tungkulin.

  • Pagbubuo ng isang simpleng plano para suportahan ang mga bishop at maglaan para sa mga pangangailangan sa self-reliance ng stake. Sumangguni sa “Mga Tanong na Dapat Isaalang-alang ng mga Komite” sa dulo ng gabay sa mga lider na ito.

  • Pagkakaroon ng regular na mga self-reliance devotional at pag-oorganisa ng mga self-reliance group.

  • Pagbibigay ng patuloy na pagsasanay sa mga facilitator kung kailangan.

  • Pagbisita sa mga self-reliance group meeting paminsan-minsan at pagbabahagi ng feedback sa mga bishop at ward council tungkol sa pag-unlad ng mga miyembro.

  • Pagtitipon at pagpapaalam tungkol sa lokal na resources sa komunidad at sa Simbahan. Ang resources ay maaaring mga pangalan ng mga taong makakatulong, mga programa ng pamahalaan, oportunidad na magtrabaho, atbp. Ang lokal na Self-Reliance Services manager ay maaari ding magbigay ng patnubay sa mga paraan ng pagtipon at pagpapaalam ng tungkol sa resources ng komunidad.

Larawan
papel na ginagampanan ng self-reliance committee
Larawan
Pangulong Joseph F. Smith

“Palagian nang pangunahing turo sa mga Banal sa mga Huling Araw, na ang isang relihiyon na walang kapangyarihang iligtas ang mga tao sa buhay temporal, at gawin silang maunlad at maligaya dito, ay hindi maaasahang mailigtas sila sa espirituwal, at dakilain sila sa susunod na buhay.”

Pangulong Joseph F. Smith, Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph F. Smith (2011), 198

Stake Self-Reliance Specialist

Isang sister, brother, o mag-asawa ang maaaring maglingkod bilang stake (o district) self-reliance specialist. Malapit na nakikipagtulungan sa mga miyembro ng komite, pinamamahalaan ng specialist ang mga operasyon at aktibidad ng self-reliance sa stake. Ang mga stake specialist ay nagsisilbing resource o sanggunian ng mga bishop at iba pang mga lider ng ward (Handbook 2, 6.3.3) at maaaring tumulong sa mga miyembro sa mga pangangailangan tulad ng edukasyon, pagsasanay, pananalapi ng pamilya, at Perpetual Education Fund kung saan naaangkop (Handbook 2, 6.2.5). Ang bishop ay maaari ring tumawag ng ward (o branch) self-reliance specialist kung kinakailangan.

Ang mga responsibilidad ng specialist ay maaaring kabilangan ng mga sumusunod:

  • Nagbibigay ng training at tumutulong sa mga bishop at ward council kapag hinilingan.

  • Makipagtulungan sa stake self-reliance committee upang maipabatid ang mga debosyonal at mag-organisa ng mga grupo.

  • Magbigay ng training sa mga self-reliance group facilitator, gamit ang buklet na Facilitating Groups for Self-Reliance (makukuha online sa srs.lds.org/facilitator).

  • Pana-panahong obserbahan at suportahan ang mga self-reliance group.

  • Ibahagi sa mga miyembro ang tungkol sa resources sa komunidad at Simbahan.

  • Tiyakin na nakumpleto ang mga report sa srs.lds.org/report.

Larawan
Elder D. Todd Christofferson

“Kalooban ng Diyos na tayo ay maging malalayang kalalakihan at kababaihan na may kakayahang maabot ang ating buong potensyal kapwa sa temporal at sa espirituwal, na maging malaya tayo sa nakapanliliit na mga limitasyon ng kahirapan at pagkaalipin sa kasalanan, na magkaroon tayo ng paggalang sa sarili at kalayaan, na maging handa tayo sa lahat ng bagay upang makapiling Siya sa Kanyang kahariang selestiyal.”

D. Todd Christofferson, “Malaya Magpakailanman, na Kumilos para sa Kanilang Sarili,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 19

Paano Natututo at Kumikilos ang mga Miyembro para Maging Self-Reliant

Nagsisimula ito sa mga bishopric at ward council na mapanalanging pinag-iisipan kung sino ang mga may pagsubok na maaaring makinabang kung sila ay mas naging self-reliant. Kung maaari, nagbibigay ng personal na paanyaya na dumalo sa isang debosyonal (kung inaalok) o tuwirang sumali sa isang self-reliance group. Bukod pa rito, anyayahan ang mga taong maaaring makapagpalakas ng iba sa pamamagitan ng kanilang pagbabahagi ng panahon at mga talento (tingnan sa DT 82:18–19).

Nagtitipon ang mga Miyembro sa mga Self-Reliance Group

Itinuro ng Tagapagligtas na “kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon sa aking pangalan, ukol sa isang bagay, masdan, ako ay naroroon sa gitna nila” (DT 6:32). Ang self-reliance group ay maliliit na council o konseho at nakatuon sa pagkilos. Sila ay sama-samang nagtitipon upang tumulong na patatagin ang kakayahan at pananampalataya ng bawat kalahok. Ang personal na paghahayag sa mga miting ng grupo ay maaaring magmula sa maraming iba’t ibang mapagkukunan. Bukod sa mga manwal, bawat kalahok ay may kaalaman, karanasan, at kaloob na makakatulong sa iba na matuto at umunlad.

Ang isang grupo ay karaniwang binubuo ng 8 hanggang 12 tao at nagtitipon nang mga dalawang oras bawat linggo sa loob ng 12 linggo.

Ano ang Nagaganap sa mga Grupo

Itinuturo ang Doktrina at mga Kasanayan sa Buhay

Sa bawat miting ng grupo, ang mga kalahok ay gumugugol ng panahon sa pag-aaral ng mga doktrinal na alituntunin ng self-reliance, kabilang na ang kahalagahan ng mga ordenansa. Natututuhan din nila ang mga praktikal na kasanayan tulad ng pangangasiwa sa personal na pananalapi, paghahanap ng mas magandang trabaho, pagpapataas ng edukasyon, o pagtatayo at pagpapalago ng isang maliit na negosyo.

Ang mga Grupo ay Gumagawa ng mga Tapat na Pangako at Inirereport ang Kanilang Pag-unlad

Ang bawat miting ng grupo ay nagsisimula sa mga pagrereport ng mga indibiduwal sa grupo tungkol sa kanilang ipinangako noong nakaraang linggo. Pagkatapos ay sama-samang nagsasanggunian ang mga kalahok para tukuyin at lampasan ang mga balakid.

Natutugunan ng self-reliance ang tatlong bagay na sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley na kailangan ng bawat nabinyagan: “isang kaibigan, isang responsibilidad, at pangangalaga ng ‘mabuting salita ng Diyos’ (Moroni 6:4)” (“Converts and Young Men,” Ensign, Mayo 1997, 47; tingnan din sa Moroni 6:3–9).

Ibinabahagi ng mga Kalahok ang Kanilang Natututunan sa mga Kapamilya

Mas natututo ang mga miyembro pagkatapos ng mga miting ng grupo kapag ginawa nila ang kanilang mga pangako sa pamamagitan ng pagpapraktis ng mga bagong skill o kasanayan. Ang mga kalahok ay hinihikayat na ibahagi ang natututuhan nila sa mga kapamilya.

Pinalalakas ng mga Kalahok ang Bawat Isa Bilang mga “Action Partner”

Hinihilingan ang mga miyembro ng klase na suportahan at palakasin ang isa pang miyembro ng grupo sa bawat linggo. Nagtutulungan ang “mga action partner” na tuparin ang kanilang mga pangako sa pamamagitan ng regular na pakikipag-ugnayan at paghihikayat.

Larawan
Pangulong M. Russell Ballard

“Walang problema sa pamilya, ward, o stake ang hindi kayang malutas kung tayo ay maghahanap ng solusyon ayon sa paraan ng Panginoon sa pamamagitan ng pag-uusap o pagsasanggunian—talagang pagsasanggunian—sa isa’t isa.”

M. Russell Ballard, Counseling with Our Councils, binagong edisyon (2012), 4

Ang mga Facilitator ang Nangangasiwa sa mga Lingguhang Miting ng Grupo

Ang mga self-reliance group ay hindi pinamumunuan ng isang guro ngunit sa halip ay pinangangasiwaan ng isang facilitator. Ang mga facilitator ay hindi nagle-lecture kundi bagkus ay sinusunod ang mga materyal ng kurso at inaanyayahan ang lahat ng miyembro ng grupo na makibahagi. Ang mga facilitator ay lumilikha ng isang kapaligiran kung saan matuturuan ng Espiritu Santo ang mga kalahok ng “lahat ng bagay na nararapat [nilang] gawin” (2 Nephi 32:5; tingnan din sa 2 Nephi 32:3).

Patuloy na Pag-unlad

Kung kailangan, maaaring magtalaga ng mga stake specialist, mga boluntaryo, o mga home at visiting teacher para magfollow-up o turuan ang bawat kalahok gamit ang telepono o nang personal. Ang stake self-reliance committee ay maaari ring magpasiya na mag-organisa ng pana-panahong pagtitipon para sa mga self-reliance group graduates para magpatuloy ang mga pagkakaibigan, magbahagi ng mga karanasan, at muling pag-aralan ang mga alituntunin sa My Foundation for Self-Reliance (Ang Aking Saligan Patungong Self-Reliance).

Sino ang Dapat Makilahok sa mga Grupo?

Maaaring makinabang ang mga miyembro na nasa mga sumusunod na sitwasyon: mga tumatanggap ng tulong sa pamamagitan ng fast offering, ang mga walang trabaho o kulang ang kinikita, mga bagong returned missionary, mga bagong miyembro, mga di-gaanong aktibong miyembro, at mga solong magulang.

Print