Library
Paunang Salita


Paunang Salita

Para sa mga Lider ng Stake at Ward

Kaya ng maraming miyembro ng Simbahan na mas maging self-reliant, na ang ibig sabihin ay isang taong may “kakayahan, tapat na pangako, at pagsisikap na matustusan ang espirituwal at temporal na mga pangangailangan sa buhay ng sarili at ng pamilya” (Handbook 2: Administering the Church [2010], 6.1.1). Ang pangangalaga sa mga maralita at nangangailangan ay isa sa apat na sagradong responsibilidad na itinakda ng Simbahan (Handbook 2, 2.2). Ang gabay para sa mga lider na ito ay tutulong sa iyo na magamit ang mga prinsipyo ng doktrina na makakatulong sa mga miyembro na tulungan ang kanilang sarili at ang ibang tao na maging mas self-reliant sa espiritwal at temporal na paraan.

Mag-ukol ng ilang minuto para basahin ang liham mula sa Unang Panguluhan na matatagpuan sa kasunod na pahina para malaman ang ilan sa mga ipinangakong pagpapala ng self-reliance na maaaring matanggap ng mga miyembro sa inyong stake (o district) at ward (o branch).

Print