Mga Sanggunian
Suporta para sa mga Empleyado ng Simbahan at mga Boluntaryo
Ang Simbahan ay kumukuha ng mga tao sa bawat lugar para tumulong sa mga gawain sa self-reliance. Kabilang dito ang isang Self-Reliance Services manager at iba pang mga tauhan. Matutulungan ng mga empleyado, kasama ng mga full-time senior missionary, na sanayin ang mga stake self-reliance committee na mag-organisa ng mga debosyonal at self-reliance group. Makakatulong din sila sa komite sa pagtukoy at pagpapaalam ng tungkol sa resources ng lokal na komunidad at Simbahan.
“Kung hindi self-reliant ang isang tao hindi niya magagawang maglingkod. Paano tayo magbibigay kung wala naman tayong ibibigay? Ang pagkain para sa nagugutom ay hindi magmumula sa mga estanteng walang laman. Ang perang pantulong sa nangangailangan ay hindi magmumula sa pitakang walang laman. Ang suporta at pag-unawa ay hindi magmumula sa hungkag na damdamin. Ang pagtuturo ay hindi magmumula sa walang alam. At higit sa lahat, ang espirituwal na patnubay ay hindi nagmumula sa taong mahina ang espirituwalidad.”
Marion G. Romney, “The Celestial Nature of Self-Reliance,” Ensign, Nob. 1982, 93
Mga Manwal
Ang mga manwal sa self-reliance ay makukuha online sa Gospel Library at sa srs.lds.org. Ang mga nakalimbag na manwal ay maaaring orderin sa store.lds.org o sa mga distribution center ng Simbahan.
Manwal |
Paggamit |
Item Number (para sa mga order) |
My Path for Self-Reliance (Ang Aking Landas Patungong Self-Reliance) |
Mga Debosyonal sa Self-Reliance |
14068000 |
My Foundation for Self-Reliance (Ang Aking Saligan Patungong Self-Reliance) |
Mga Espirituwal na Alituntunin at Kasanayan |
14067000 (Paalala: Kasama rin sa workbook ng bawat grupo) |
Starting and Growing My Business (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo) |
Workbook ng Grupo |
14678000 |
Maghanap ng Mas Magandang Trabaho |
Workbook ng Grupo |
14072000 |
Education for Better Work (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) |
Workbook ng Grupo |
14066000 |
Workbook ng Grupo |
14863000 | |
Facilitator Training |
Online lamang |
Mga Debosyonal sa Self-Reliance
Ang mga miyembro ay karaniwan (bagama’t hindi kinakailangan) na nagsisimula sa landas patungong self-reliance sa pamamagitan ng pagdalo sa isang debosyonal. Ang buklet na My Path for Self-Reliance (Aking Landas Patungong Self-Reliance) ay maaaring magamit na gabay sa talakayan.
Mga Training Video at mga Kuwento ng Tagumpay
Ang mga video ng mga training material at mga kuwento ng tagumpay ay makukuha online sa srs.lds.org/videos.
Self-Reliance Resource Center
Maaaring magpasiya ang stake na magkaroon ng self-reliance resource center para matugunan ang mga pangangailangan sa labas ng mga self-reliance group. Halimbawa, ang “center” ay maaaring isang pisikal na silid na kasama ang family history center at makapagpapagamit ng mga computer para tulungan ang mga miyembro. Maaari rin na ang “center” ay isang virtual na pagsisikap upang ikonekta ang mga miyembro sa mga lokal na oportunidad at online resources. Kung ang center ay isang pisikal na lokasyon, ang bawat stake ang magpapasiya kung gaano kadalas nakabukas ang center at kung sino ang mga mangangasiwa nito.
Mga Tanong na Dapat Isaalang-alang ng mga Komite
-
Ano ang mga pangangailangan ng mga indibiduwal at pamilya sa ating lugar para maging self-reliant?
-
Paano natin masusuportahan ang mga bishop, mga korum, at Relief Society sa kanilang responsibilidad na pangalagaan ang mga maralita at ang mga nangangailangan?
-
Paano natin mas matutulungan ang mga bishop at ward council para matukoy at anyayahan ang mga tao na makibahagi sa ating mga pagsisikap sa self-reliance?
-
Ano ang maaari nating gawin habang at pagkatapos ng mga self-reliance group para mas masuportahan ang mga kalahok?
-
Paano natin mas matutulungan ang mga taong hindi makadalo o makatapos ng isang self-reliance group?
-
Paano natin mas magagamit ang mga talento, kasanayan, at kaalaman ng mga miyembro sa ating lugar?
-
Anong uri ng resources sa Simbahan o komunidad ang kailangan ng ating mga miyembro, at paano natin dapat paunlarin at ibahagi ang resources na ito?
-
Paano natin magagamit ang ating mga pagsisikap sa self-reliance para suportahan ang mga prayoridad ng stake at ward? (Halimbawa, gawaing misyonero, pagpapaaktibo ng mga miyembro, mga young single adult, o kabataan.)
-
Kung naaangkop, paano natin matutulungan ang mga tatanggap ng Perpetual Education Fund na makapagtapos at mabayaran ang kanilang mga utang?