Tulong sa Buhay
Pag-unawa sa Media


“Pag-unawa sa Media,” Kaligtasan sa Media (2020)

“Pag-unawa sa Media,” Kaligtasan sa Media

Pag-unawa sa Media

Larawan
mag-ama na gumagamit ng tablet

Ang media at pagsulong ng teknolohiya ay magagandang kaloob mula sa Diyos. Ang mga ito ay nagtutulot na maipalaganap ang ebanghelyo sa mundo, nakatutulong sa family history sa mga kamangha-manghang paraan, at nagbibigay-daan para makausap mo ang iyong mga mahal sa buhay. Bagama‘t maraming pagpapalang nagmumula sa positibong paggamit ng teknolohiya, mahalagang maunawaan kung paano pinakamainam na magagamit ang mga kasangkapang ito.

Ang impluwensya ng Espiritu sa iyong buhay ay maaaring lumakas o humina depende sa iyong mga pagpili na may kinalaman sa media. Hinikayat ni Elder David A. Bednar ang mga disipulo ni Jesucristo na gamitin ang mga inspiradong kasangkapang ito nang tama at mas epektibo upang:

  • “Magpatotoo tungkol sa Diyos Amang Walang Hanggan, ang Kanyang plano ng kaligayahan para sa Kanyang mga anak, at ang Kanyang Anak na si Jesucristo, bilang Tagapagligtas ng mundo.”

  • “Maipahayag ang katotohanan ng Panunumbalik ng ebanghelyo sa mga huling araw.”

  • “Magawa ang gawain ng Panginoon” (“To Sweep the Earth as with a Flood” [debosyonal sa Brigham Young University Education Week, Ago. 19, 2014], ChurchofJesusChrist.org).

Print