“Matalinong Paggamit ng Media,” Kaligtasan sa Media (2020)
“Matalinong Paggamit ng Media,” Kaligtasan sa Media
Matalinong Paggamit ng Media
Magpasiya na ngayon kung paano mo gagamitin ang media at teknolohiya. Maghanda na ngayon sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tamang alituntunin para magkaroon ng lakas sa gitna ng mahihirap na panahon. Pinayuhan tayo, “Dahil dito, tumayo kayo sa mga banal na lugar, at huwag matinag, hanggang sa ang araw ng Panginoon ay dumating; sapagkat masdan, ito ay dagling darating, wika ng Panginoon” (Doktrina at mga Tipan 87:8). Maaari mong gamitin ang banal na kasulatang ito bilang gabay sa iyong kasalukuyang gawi sa paggamit ng media. Sikaping manatili sa mga lugar kung saan maaari mong makasama ang Espiritu sa tuwina.
“Mga kapatid, paano natin pinoproteksyunan ang ating mga anak at kabataan? Ang mga filter ay mga tool na nakatutulong, ngunit ang pinakamatinding filter sa mundo, ang tangi at talagang magpoprotekta, ay ang sariling filter sa ating kalooban na nagmumula sa malalim at matibay na patotoo sa pagmamahal ng ating Ama sa Langit at nagbabayad-salang sakripisyo ng ating Tagapagligtas para sa bawat isa sa atin” (Linda S. Reeves, “Proteksyon Laban sa Pornograpiya—Tahanang Nakatuon kay Cristo,” Liahona, Mayo 2014, 16).
Tulad ng mismong daigdig, ang media ay isang mahimalang kaloob mula sa Diyos. Ngunit, tulad ng ginagawa niya sa lahat ng kaloob, kadalasan ay sinusubukan tayong ilayo ng kaaway sa mabubuting hangarin at pahiwatig ng Espiritu.