Kalusugan ng Pag-iisip
6: Kung minsan nahihirapan akong madama ang Espiritu dahil parang manhid na ang pakiramdam ko. Ibig sabihin ba nito may ginagawa akong masama at nawala na sa akin ang Espiritu?


“6: Kung minsan nahihirapan akong madama ang Espiritu dahil parang manhid ang pakiramdam ko. Ibig sabihin ba nito may ginagawa akong masama at nawala na sa akin ang Espiritu?” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong Para sa Akin (2019)

“Nahihirapang Madama ang Espiritu,” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong Para sa Akin

babae na nakaupo sa upuan

Kung minsan nahihirapan akong madama ang Espiritu dahil parang manhid na ang pakiramdam ko. Ibig sabihin ba nito may ginagawa akong masama at nawala na sa akin ang Espiritu?

Ang kawalan ng kakayahan na madama ang Espiritu, o kawalan ng interes o pagkamanhid, ay madalas na sintomas ng problema sa kalusugan ng pag-iisip. Hindi ka pinababayaan ng Diyos. Maaari mong pagnilayan sandali na marahil nakikipag-ugnayan sa iyo ang Espiritu sa ibang paraan kaysa sa dati mong naranasan. Kapag nahirapan ka na madama ang Espiritu, o wala ka nang nadaramang anuman, subukang gawin ang mga mungkahing ito nang may panalangin hangga’t makakaya mo:

  • Makipag-usap sa iba. Gawin ang lahat para makausap ang iyong pamilya, bishop, o mental health professional. Pag-isipang mabuti na magawa ang mga makakatulong na mungkahi.

  • Alalahanin ang alam mo noon pa. Hanapin ang isang journal entry noon na naglalarawan ng espirituwal na karanasan, o makipag-usap sa isang taong pinagkakatiwalaan mo. Sabihin sa taong iyon na ipaalala sa iyo ang iyong mga kakayahan, espirituwal na karanasan, at patotoo na ibinahagi mo sa kanila noon.

  • Punuin ng liwanag ang iyong tahanan. Literal na buksan ang mga ilaw o maupo sa nasisikatan ng araw. Magpatugtog ng mga awiting nagbibigay ng inspirasyon, makinig sa mga mensahe mula sa pangkalahatang kumperensya, tumingin sa mga likhang-sining o artwork, o magbasa ng mga banal na kasulatan o iba pang magandang aklat. Gawing mapayapa ang inyong tahanan kung saan maaaring manahanan ang Espiritu.

  • Mag-evaluate ng sarili. Alamin kung may nararamdaman ka bang anuman sa ngayon. Kung sa pakiramdam mo ay naging manhid ka na o hindi ka na konektado sa iba, makipag-usap sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan, kapamilya, o lider ng Simbahan, o humingi ng tulong sa mga propesyonal.