Kalusugan ng Pag-iisip
1: Paano ko malalaman kung nahihirapan lang ako sa buhay o may problema na ako sa kalusugan ng pag-iisip?


“1: Paano ko malalaman kung nahihirapan lang ako sa buhay o may problema na ako sa kalusugan ng pag-iisip?” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong Para sa Akin (2019)

“Nahihirapan o May Problema sa Kalusugan ng Pag-iisip,” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong Para sa Akin

babaeng nakapikit

Paano ko malalaman kung nahihirapan lang ako sa buhay o may problema na ako sa kalusugan ng pag-iisip?

Mahalagang bahagi ng malusog na pag-iisip ang kakayahang harapin ang mga problema o alalahanin nang may ginagawang solusyon. Lahat ay nakararanas ng lungkot, problema, pangamba, o nahihirapan sa mga hamon ng buhay. Kung nahihirapan ka pa rin ilang linggo na ang nakalipas o mas matagal pa o nagsisimula nang makaapekto ang mga sintomas mo sa iyong buhay sa araw-araw—sa tahanan, trabaho, paaralan, o sa iyong mga pakikipag-ugnayan—humingi ng tulong. Makipag-usap sa isang taong pinagkakatiwalaan mo, tulad ng isang kapamilya, kaibigan, Relief Society president, bishop, o mental health professional. Ang maagap at madalas na pagtugon sa mga alalahanin sa kalusugan ng pag-iisip ang pinakamabisang paraan at makakatulong para maiwasan ang isang krisis sa hinaharap.

May iba’t ibang sanhi na nakakaapekto sa damdamin, kaisipan, kalooban, at pag-uugali. Ang problema mo sa kalusugan ng pag-iisip ay hindi nagpapahiwatig ng kahinaan sa iyong pagkatao o espiritu. Ipinaalala sa atin ni Elder Neil L. Andersen na bagama’t “maaaring hindi uliran ang sitwasyon ng isang [tao] sa mundo, perpekto ang kanyang espirituwal na pinagmulan dahil ang tunay na pagkatao ng isang tao ay bilang isang anak ng Diyos” (“Sinomang Tumanggap sa Kanila, ay Ako ang Tinanggap,” Ensign o Liahona, Mayo 2016, 50).

Bagama’t dapat nating hangarin lahat na maging malusog ang ating pag-iisip, hindi makakatulong na tayo lang ang umalam kung may problema ba tayo sa kalusugan ng pag-iisip. Makakatulong ang isang mental health professional para malaman mo ang pagkakaiba ng problema sa pag-iisip at ng karaniwang reaksyon sa araw-araw na mga problema ng buhay. Ang diagnosis o pagsuri na may kaugnayan sa kalusugan ng pag-iisip ay dapat pagtuunan ng kaukulang pansin tulad ng ibang medical diagnosis.

Pag-isipan ang sumusunod habang pinag-iisipan mong makipag-usap sa isang mental health professional:

  • Gaano mo na katagal na nararanasan ang mga problemang ito?

  • Gaano naaapektuhan ng mga sintomas na ito ang iyong araw-araw na pamumuhay?

  • May alam ka ba sa iyong pamilya na nakaranas ng gayon ding mga problema?

  • Nakakaapekto ba nang malaki ang mga problemang ito sa buhay mo?

  • Hindi ba nakakatulong sa paggaan ng pakiramdam mo ang mga sinusubukan mo mismong gawin?

  • May nabanggit ba sa iyo ang sinumang pinagkakatiwalaan mo tungkol sa ikinikilos at inuugali mo?