“7: Pabagu-bago o mahirap kontrolin ang emosyon, kalooban at pati pag-uugali ko, kaya lalo akong nahihirapang sumamba at maglingkod. May lugar ba para sa akin?” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong Para sa Akin (2019)
“Pabagu-bago ang Emosyon, Kalooban, at Pag-uugali,” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong Para sa Akin
Pabagu-bago o mahirap kontrolin ang emosyon, kalooban, at pati pag-uugali ko, kaya lalo akong nahihirapang sumamba at maglingkod. May lugar ba para sa akin?
Oo. Inaanyayahan ni Jesucristo ang lahat na lumapit sa Kanya. Inaanyayahan Niya ang lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Hindi lamang may lugar para sa mga may problema sa kalusugan ng pag-iisip, kundi kailangan din sila. Bawat isa sa atin ay may mga espirituwal na kaloob, katangian, at mga talento na makakatulong sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos. Ang mga taong nakaranas ng sakit ng damdamin ay karaniwang mataas ang antas ng kakayahang dumamay at umunawa. Kailangan at gusto ka ng Simbahan, at dapat maramdaman mo na kabilang ka.
Bilang miyembro ng Unang Panguluhan, itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf:
“Maaaring sabihin ng ilan, ‘Hindi ako nababagay sa mga tao sa Simbahan ninyo.’
“Kung titingnan ninyo ang aming mga puso, makikita ninyo na nababagay kayo nang higit sa inaakala ninyo. Maaaring ikagulat ninyo na malamang may mga inaasam at paghihirap din kami na katulad ng sa inyo. Ang inyong pinagmulan o kinalakhan ay maaaring iba sa nakikita ninyo sa maraming Banal sa mga Huling Araw, ngunit iyan ay maaaring maging pagpapala. Mga kapatid, mahal naming mga kaibigan, kailangan namin ang natatangi ninyong talento at pananaw. Ang pagkakaiba-iba ng mga indibiduwal at grupo sa iba’t ibang panig ng mundo ay lakas ng Simbahang ito” (“Halina, Sumama sa Amin,” Ensign o Liahona, Nob. 2013, 23).