Kalusugan ng Pag-iisip
2: Parang mas malungkot o balisa ang aking mahal sa buhay kaysa dati. Dapat ba akong mag-alala na baka tangkain nilang magpakamatay?


“2: Parang mas malungkot o balisa ang aking mahal sa buhay kaysa dati. Dapat ba akong mag-alala na baka tangkain nilang magpakamatay?” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong para sa mga Magulang at Pamilya (2019)

“Parang Mas Malungkot ang Aking Mahal sa Buhay Kaysa Dati,” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong para sa mga Magulang at Pamilya

mag-asawa na naglalakad sa labas

Parang mas malungkot o balisa ang aking mahal sa buhay kaysa dati. Dapat ba akong mag-alala na baka tangkain nilang magpakamatay?

Kapag ang isang tao ay nalulungkot o nababalisa, hindi ibig sabihin niyan ay pinag-iisipan na nilang magpakamatay. Gayunman, ang malaman ang mga karaniwang palatandaan ng pagpapakamatay ay makakatulong sa iyo na malaman kung kailan hihingi ng karagdagang tulong at maiwasan ang isang krisis. Kabilang sa mga pinaka-karaniwang palatandaan na inilahad ng National Suicide Prevention Lifeline, ay:

  • Pagsasabi na gusto nang mamatay o kitlin ang sariling buhay.

  • Naghahanap ng paraan ng pagpatay sa kanilang sarili, tulad ng pagsasaliksik sa internet o kaya’y pagbili ng sandata.

  • Pagsasabi na wala na silang pag-asa o wala nang dahilan para mabuhay.

  • Pagsasabi na parang nakakulong sila o nakadarama ng sakit na hindi makayanan.

  • Pagsasabi na pabigat sila sa ibang tao.

  • Pagtindi ng paggamit ng alak o droga.

  • Nag-aalala o nababalisa o kumikilos nang padalus-dalos.

  • Napakaikli o napakahaba ng oras matulog.

  • Paglayo o paghihiwalay sa kanilang sarili.

  • Nagpapakita ng matinding galit o poot o naghahangad na makapaghiganti.

  • Nagpapakita ng sobra at biglang pagbabago ng ugali o kilos.

Alamin pa ang tungkol sa pagpapakamatay at kung paano iwasan ito sa PreventingSuicide.ChurchofJesusChrist.org.