“1: Masakit makitang nahihirapan ang aking mahal sa buhay, at gusto ko talagang makatulong. Ano ang magagawa ko para masuportahan sila?” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong para sa mga Magulang at Pamilya (2019)
“Ano ang Magagawa ko para Masuportahan Sila?” Kalusugang Pangkaisipan: Tulong para sa mga Magulang at Pamilya
Masakit makitang nahihirapan ang aking mahal sa buhay, at gusto ko talagang makatulong. Ano ang magagawa ko para masuportahan sila?
Maraming paraan na masusuportahan mo ang iyong mahal sa buhay sa pamamagitan ng hamong ito:
-
Panatilihin ang pakikipag-ugnayan. Kausapin ang iyong mahal sa buhay na katulad ng pakikipag-usap mo sa kanya bago naging kapansin-pansin ang kanyang mga sintomas o bago siya maipasuri. Magtanong sa halip na hulaan kung ano ang maaaring makatulong.
-
Alamin ang mga limitasyon. Ang karamdaman sa pag-iisip ay maaaring makabawas ng enerhiya o motibasyon. Isaalang-alang na maaaring mahirap para sa iyong mahal sa buhay na magbasa, manalangin, o makibahagi sa mga aktibidad kasama ang iba. Patuloy silang anyayahan na gawin ang mga bagay na ito, ngunit huwag maghinanakit kung hindi ka nila paunlakan.
-
Hikayatin silang humingi ng tulong mula sa mga propesyonal. Maging sensitibo at magiliw sa pagmumungkahing ito. Sa halip na sabihing, “May problema sa iyo—kailangan mo ng therapy!” subukang magsabi ng katulad nito, “Handa akong makinig kung may gusto kang sabihin. Maaari kang maghanap ng isang tao na mas maraming kasanayan para makatulong din sa iyo.”
-
Pangalagaan ang sarili. Ang stress ay maaaring maging lubhang mapanganib sa iyong kalusugan. Mag-ukol ng panahon na pangalagaan ang iyong sarili sa paggawa ng bagay na nagpapasaya sa iyo bawat araw—maaari kang mag-ukol ng ilang minuto para magbasa ng isang aklat, makinig sa musika, umupo sa labas, o magdrowing ng isang bagay. Maaari mo ring kausapin ang iyong bishop o mga ministering brother o sister o dumalo sa support group sa inyong lugar.
-
Magpakita ng habag. Ipahayag ang pagmamalasakit mo para sa kanila at suportahan sila. Huwag maliitin ang kanilang paghihirap, at huwag ikumpara sa ibang tao ang kanilang mga karanasan. Ang sabihin sa kanila na “huwag ka nang malungkot”o “pagsikapan mo pa” ay malamang na hindi makatulong at magdagdag lamang ng lamat sa ugnayan at lalo pang magpahina ng loob.