Mga Hanbuk at Calling
3: Ang Doktrina at mga Pangako ng Self-reliance


3

Ang Doktrina at mga Pangako ng Self-reliance

Magreport:Ibahagi (o itala sa iyong journal) ang isang bagay na natutuhan mo tungkol sa layunin ng iyong buhay sa pag-aaral ng Aklat ni Mormon o sa pagpunta mo sa templo sa linggong ito.

Ang Kahalagahan ng Self-Reliance sa Gawain ng Diyos at sa Iyong Plano

Basahin:Ang self-reliance ay ang kakayahang maglaan para sa iyong temporal at espirituwal na mga pangangailangan.

Saan ka man nakatira, anuman ang antas ng iyong pinag-aralan, o anuman ang available na resources, kailangang matutuhan mong maigi ang mahahalagang alituntunin ng self-reliance para magtagumpay sa pagsasakatuparan ng plano ng Panginoon para sa iyo.

Ang pagiging self-reliant ay isang doktrina; ito ay bahagi ng plano ng kaligtasan ng Diyos. Tulad ng ang Diyos mismo ay self-reliant, inaasahan Niya na ikaw, sa pamamagitan ng pag-asa sa Kanya, ay matututong maging self-reliant at hindi nakaasa sa iba—sa espirituwal at temporal. Bahagi ito ng gawain at kaluwalhatian ng Diyos.

Talakayin:Bakit bahagi ng layunin ng Diyos para sa iyo ang self-reliance?

Mga Pangako Tungkol sa Pagiging Self-reliant

Tutulungan Ka ng Panginoon sa Iyong mga Gawain sa Araw-araw

Basahin:Sa Alma mababasa natin ang sumusunod na payo: “Oo, magsumamo sa [Panginoon] ng awa; sapagkat may kapangyarihan siya na makapagligtas. … Magsumamo kayo sa kanya para sa mga pananim ng inyong mga bukid, upang kayo ay umunlad sa mga yaon. Magsumamo kayo para sa mga kawan ng inyong mga bukid upang sila ay dumami” (Alma 34:18, 24–25).

Talakayin:Bakit inuutusan tayo ng Panginoon na “magsumamo,” o manalangin, para sa ating mga negosyo o gawain? Anong mga pangako ang makakamit ng mga gumagawa nito nang may pananampalataya?

Maglalaan ang Panginoon

Panoorin:“I Will Provide” sa srs.lds.org/mcm. (Walang video? Basahin ang liham ng Unang Panguluhan sa My Foundation o My Path na mga buklet sa srs.lds.org.)

Basahin:Sinabi ng Panginoon: “At layunin ko ito na maglaan para sa aking mga banal, sapagkat lahat ng bagay ay akin. … Sapagkat ang lupa ay sagana, at may sapat at matitira; oo, aking inihanda ang lahat ng bagay, at ibinigay sa mga anak ng tao na maging mga kinatawan ng kanilang sarili” (D at T 104:15, 17).

Talakayin:Paano naglalaan ang Panginoon para sa Kanyang mga Banal? Ano dapat ang bahagi ko sa pagtustos sa mga pangangailangan ko sa tulong ng Panginoon?

Activity:Isulat ang ilang temporal at espirituwal na mga pangangailangan sa buhay sa ibaba:

Basahin:Itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, “Tulad ng dalawang mukha ng isang barya, ang temporal at espirituwal ay hindi mapaghihiwalay” (“Pagtulong sa Paraan ng Panginoon,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 53).

Talakayin:Paanong ang paghahanap ng trabaho at paghahanapbuhay ay kapwa temporal at espirituwal na bagay?

Ang Kanyang Biyaya ay Sapat—Maaari Kang Maging Anumang Nais ng Panginoon sa Iyo na Maging

Basahin:Itinuro ni Pangulong Thomas S. Monson: “Kung iniisip ng sinuman na napakahina niya para baguhin ang takbo ng kanyang buhay, o kung iniisip ng sinuman na napakahina niya para gumawa nang mas mabuti dahil sa pinakamalaking takot, ang takot na mabigo, wala nang iba pang mas makaaaliw na katiyakan kaysa mga salita ng Panginoon: ‘Ang aking biyaya,’ sabi Niya, ‘ay sapat para sa lahat ng taong magpapakumbaba ng kanilang sarili sa aking harapan, at magkakaroon ng pananampalataya sa akin, sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila’” (“Your Eternal Voyage,” Ensign, Mayo 2000, 48).

Bilang mga anak ng Diyos, tayong lahat ay maraming magagawa sa buhay na ito. Gayunman, hindi natin ito magagawa nang mag-isa, dahil hindi ang tao ang lumikha sa kanyang sarili; ang Diyos ang siyang lumikha. Maaari tayong maging ang anumang bagay at lahat ng bagay na kailangan nating maging upang makabalik sa ating Ama sa Langit, at bibiyayaan Niya tayo ng bawat kaloob, karanasan, mapagkukunan, at pagpapalang kailangan para magawa ito.

Pag-isipang mabuti:Nangako si Cristo, “Kung kayo ay magkakaroon ng pananampalataya sa akin, magkakaroon kayo ng kapangyarihang gawin kahit na anong bagay na kapaki-pakinabang sa akin” (Moroni 7:33). Ano ang ibig sabihin na kayang gawin ni Cristo ang lahat ng kapaki-pakinabang (o akma at matalino) para sa atin?

Basahin:Nagsusumamo ang Panginoon na tanggapin natin ang sumusunod na katotohanan—“Siya na tinatawag ng Panginoon ay ginagawang karapat-dapat ng Panginoon” (Thomas S. Monson, “Duty Calls,” Ensign, Mayo 1996, 44). Nilikha Niya tayo at kaya Niyang bigyan tayo ng kakayahan upang maging ang nais Niyang marating natin—na magiging lahat ng kailangan nating maging upang maging karapat-dapat na makabalik sa Kanyang piling.

Alalahanin kung paano tinawag ng Panginoon si Moises na alisin ang Kanyang mga tao “sa kapighatian sa Egipto” (Exodo 3:17) pero nagduda si Moises na kaya niyang maging ang pinuno na kailangan ng Panginoon, sinasabing: “Oh Panginoon, ako’y hindi marikit mangusap … sapagka’t ako’y kimi sa pangungusap, at umid sa dila.” Sumagot ang Panginoon: “Sinong gumawa ng bibig ng tao? o sinong gumawa ng pipi, o bingi, o may paningin, o bulag sa tao? Hindi ba akong Panginoon? Ngayon nga’y yumaon ka, at ako’y sasaiyong bibig, at ituturo ko sa iyo kung ano ang iyong sasalitain” (Exodo 4:10–12).

Pag-isipang mabuti:Paano naging pinuno ng Israel si Moises? Ano ang kahulugan nito sa iyo mismo?

Panoorin:“He Polished My Toe” sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang sumusunod na mga talata.)

Elder Enrique R. Falabella: “Habang lumalaki ako, wala kaming gaanong pera. Naaalala ko nang lapitan ko isang araw ang aking ama at sinabi ko sa kanya, ‘Papa, kailangan ko po ng bagong sapatos. Luma na po itong suot ko.’ Tumigil siya at tiningnan ang sapatos ko at nakita niya na talagang luma na ito. Sabi niya, ‘Palagay ko maaari nating ayusin ito.’ Kumuha siya ng kaunting itim na shoe polish at nilagyan ang sapatos ko, at makintab at maganda na ito. Sabi niya sa akin, ‘Hayan, maayos na ang sapatos mo, anak.’ Sumagot ako, ‘Hindi po, hindi pa. Kita pa rin po ang daliri ng paa ko.’ Sabi niya, ‘Kung gayon, aayusin din natin iyan!’ Kumuha pa siya ng shoe polish at nilagyan niya ang daliri ko sa paa!

“Noong araw na iyon nalaman ko na mayroong solusyon sa bawat problema. Kumbinsido ako na ang alituntuning ito ng self-reliance at ang inisyatibong ito ay isang paraan para mapabilis ang gawain ng Panginoon. Bahagi ito ng gawain ng kaligtasan. Tayong lahat ay maaaring maging mas mabuti pa kaysa ngayon. Kailangan ninyong kalimutan ang kawalan ng interes. Maraming beses tayong kampante, at sumisira ito sa ating pag-unlad. Araw-araw ay maaari akong umunlad kung ipapasiya kong gumawa ng isang bagay na kakaiba para mapaganda ang hindi magandang nagawa ko noon. Kung gagawin mo ito nang may pananalig, na nagpapakita ng pananampalataya at pag-asa kay Cristo na nariyan Siya para tumulong sa iyo, makikita mo ang paraan para umunlad sa temporal at espirituwal na mga bagay. Ito ay dahil sa ang Diyos ay buhay, at ikaw ay Kanyang anak.”

Pag-isipang Mabuti:Ano ang nais ng Panginoon na maunawaan mo tungkol sa pagiging self-reliant?

    Mangakong Gawin:
  • Rebyuhin ang pananaw at mga mithiin ng buhay na itinakda mo sa Aking Plano sa katapusan ng iyong misyon. Simulang punan ang worksheet sa likod ng manwal na ito upang i-update o lumikha ng plano kung hindi mo nasimulan ang Aking Plano sa iyong misyon.

  • Sa iyong misyon, ano ang kinailangan mong gawin para maging marapat sa mga pagpapala ng Panginoon? Ano ang dapat mong gawin ngayon para maging marapat sa Kanyang tulong? Ibahagi ang iyong mga sagot sa mga tanong na ito at ang natutuhan mo ngayon sa isa pang returned missionary, young single adult, o miyembro ng iyong pamilya.

Print