Mga Hanbuk at Calling
Mga Pangakong Gagawin


Mga Pangakong Gagawin

Ang sumusunod na mga hakbang ay tutulong sa iyo na lumapit kay Cristo at magpatuloy sa habambuhay na landas ng pagkadisipulo.

  1. Maging tunay at tapat sa iyong mga tipan.

  2. Maghangad ng personal na paghahayag tungkol sa iyong misyon sa buhay. Hangarin at tumanggap ng patnubay mula sa Panginoon sa pag-aaral ng Aklat ni Mormon araw-araw, madalas na pagrerebyu ng iyong patriarchal blessing, at pagsamba sa templo.

  3. Magplano at magtrabaho para maging self-reliant. Mangakong pananagutan ang iyong sariling espirituwal at temporal na self-reliance habambuhay. Simulan ang pagtahak sa landas tungo sa self-reliance. Kung ikaw ay nakatira sa isang area na may stake self-reliance resource center, sumali sa isang self-reliance group.

  4. Maging masunurin sa mga utos ng Panginoon at sa mga pahiwatig ng Espiritu Santo.

  5. Magtakda ng mga mithiin at masigasig na kumilos upang maisagawa ang mga ito.

  6. Maghanap ng mentor o guro. Talakayin ang iyong mga mithiin sa kanya at palaging humingi ng payo.

  7. Humanap ng mga pagkakataong paglingkuran ang iba.

Larawan
babae na naglalakad sa madamong bukirin

Print