Seminary
2 Corinto 7


2 Corinto 7

“Kalungkutang Naaayon sa Diyos”

Isang dalagita na nakaluhod sa tabi ng kanyang kama upang manalangin.

Maaaring mahirap malaman kung lubos tayong nagsisi. Minsan ka na bang nahirapang malaman kung lubos mo nang pinagsisihan ang isang bagay o hindi? Sa kanyang unang sulat sa mga taga-Corinto, pinagsabihan ni Apostol Pablo ang ilan sa mga Banal sa Corinto dahil sa kanilang pagiging makasalanan. Kalaunan, natanggap ni Pablo ang balita na naranasan ng mga Banal sa Corinto ang tunay na pagsisisi, na siya naman niyang ikinatuwa at ikinasiya. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan ang isang mahalagang bahagi ng tunay na pagsisisi at makatutulong sa iyo na mas mapalapit kay Jesucristo.

Kalungkutang Naaayon sa Diyos

Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Sa isang interbyu para sa temple recommend para sa pagpapakasal, ipinagtapat ng isang dalaga sa kanyang bishop ang ilang dati niyang kasalanan. Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap, nabatid ng bishop na ang dalaga ay hindi pa tunay na nagsisi sa kanyang mga kasalanan at na ang mga kasalanan niya ay mabigat at hindi siya karapat-dapat sa temple recommend. Ipinaliwanag ng bishop na kailangang magsisi nang lubos ang dalaga bago niya matanggap ang recommend. Nagulat siya, at sinabing nakapagsisi na siya dahil matagal na niyang hindi inulit ang anuman sa mga kasalanang iyon. Ipinaliwanag ng bishop na ang pagtigil lang sa paggawa ng kasalanan ay hindi lubos na pagsisisi, at inanyayahan siya na taos-pusong magsimula sa proseso ng tunay na pagsisisi.

Ipinaliwanag ng dalaga sa kanyang bishop na lubos siyang nababahala dahil sinabi na niya sa ibang tao ang tungkol sa kasal at gumawa na siya ng mga plano para sa pagdiriwang. Nag-aalala siya sa kahihiyan na idudulot ng pagkaantala sa kanyang mga plano sa kasal at kung paano niya ito sasabihin sa kanyang fiancé at mga magulang. Itinanong niya kung may paraan upang matuloy ang kanyang kasal nang ayon sa plano at magpatuloy na gawin ang proseso ng pagsisisi pagkatapos nito.

  • Batay sa tugon ng dalaga sa bishop, ano kaya ang pinakamalaking alalahanin niya?

  • Bakit kaya siya mahihirapang lubos na magsisi dahil sa pinagtutuunan niya?

Pag-isipan kung ano ang hindi lubos na nauunawaan ng dalagang ito tungkol sa pagsisisi. Sa pagpapatuloy mo ng lesson na ito, maghanap ng alituntuning makatutulong sa dalagang ito. Pag-isipan din kung kailangan mo ang alituntuning ito sa sarili mong pagsisisi.

Kalungkutang Naaayon sa Diyos

Isa sa mga layunin ni Pablo sa pagsusulat ng kanyang naunang sulat sa mga taga-Corinto ay hikayatin ang ilang tao na magsisi. Sa kasunod na sulat na ipinadala niya, pinuri ni Pablo ang mga taong pinagsabihan niya para sa kanilang taos-pusong pagsisisi at itinuro niya ang isang mahalagang bahagi ng pagsisisi.

Basahin ang 2 Corinto 7:8–11, at alamin ang mga kabatirang ibinigay ni Pablo tungkol sa pagsisisi na maaaring makatulong sa babae sa sitwasyon. (Pansinin na ang salitang ipinagdaramdam na ginamit sa talata 8 ay nangangahulugang pinanghihinayangan.) Maaari mo ring panoorin ang Bible video na “Godly Sorrow Worketh Repentance” (1:40), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, at sumabay sa pagbabasa sa iyong mga banal na kasulatan.

1:40

Repentance

Godly sorrow for sin leads to repentance. 2 Corinthians 7:8–10

Para mga turo mula sa Aklat ni Mormon tungkol sa kalungkutang naaayon sa Diyos, basahin ang Alma 36:12–13; 42:29.

  • Ano ang mga nalaman mo na makatutulong sa babae sa sitwasyon?

  • Paano makatutulong sa iyo ang mga turong iyon?

Ang isang katotohanang maaaring natuklasan mo ay ang kalungkutang naaayon sa Diyos ay humahantong sa taos-pusong pagsisisi.

  • Ano ang iba pang uri ng kalungkutan na binanggit ni Pablo sa talata 10?

  • Ano ang nakita mo sa sitwasyon na nagpapahiwatig sa uri ng kalungkutang nadarama ng dalaga?

Gumawa ng dalawang column sa iyong study journal sa pamamagitan ng pagguhit ng linya sa gitna ng isang pahina. Isulat ang Kalungkutang Naaayon sa Diyos sa itaas ng isang column, at Makasanlibutang Kalungkutan sa itaas ng isa pang column.

Idagdag ang iyong mga ideya sa mga sumusunod na tanong sa ilalim ng bawat heading.

  • Ano ang itinuro ni Pablo sa talata 8–10 tungkol sa pagkakaiba ng kalungkutang naaayon sa Diyos at makasanlibutang kalungkutan?

  • Ano sa palagay mo ang iba pang pagkakaiba ng dalawang uring ito ng kalungkutan?

Basahin ang mga sumusunod na pahayag, at maghanap ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa kalungkutang naaayon sa Diyos at makasanlibutang kalungkutan. Idagdag ang mga kaalamang ito sa iyong chart.

Ibinigay ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol ang kahulugang ito ng kalungkutang naaayon sa Diyos:

Opisyal na larawan ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol, 2010, Agosto.

[Ang ibig sabihin ng kalungkutang naaayon sa Diyos ay] makadama ng matinding kalungkutan at pagsisisi dahil sa pag-uugali na nagdagdag ng sakit at pagdurusa sa Tagapagligtas, habang inaalis natin sa ating kaluluwa ang anumang pagkakaila o pagdadahilan. …

Marahil ang pinakamatinding pagkagising sa buhay na ito sa isang espirituwal na sensitibong anak ng Diyos ay ang natatanging personal na realisasyon na ang pagbabayad-sala ni Jesucristo para sa kasalanan ay talagang totoo at ang Kanyang pagdurusa ay hindi lamang para sa iba—kundi para din sa inyo at sa akin! … Habang espirituwal nating nauunawaan na nagdusa Siya para sa ating mga kasalanan, nakadarama tayo ng kalungkutan para sa bahagi natin sa Kanyang pasakit. Nauunawaan natin na bahagi ito ng plano ng ating Ama, ngunit napupuspos tayo sa kaloob na ibinibigay Niya sa atin. Ang pagkamanghang ito, ang pagpapahalagang ito, ang pagsambang ito sa isang Tagapagligtas na gumawa nito para sa atin, ay nagpapaluhod sa atin habang ang ating espiritu ay napupuspos ng kalungkutang naaayon sa Diyos.

(Neil L. Andersen, The Divine Gift of Forgiveness [2019], 149, 150)

Ipinahayag ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, miyembro ng Unang Panguluhan noon, ang sumusunod tungkol sa kalumbayan o kalungkutang naaayon sa Diyos:

16:19

Magagawa Na Ninyo Iyan Ngayon!

Hangga’t handa tayong bumangon at magpatuloy sa landas, … may matututuhan tayo sa pagkadapang iyon at magiging mas mabuti at masaya.

Opisyal na larawan ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol, 2006. Tinawag bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, Pebrero 3, 2008. Kinunan ng opisyal na larawan noong 2008 na ipinalit sa larawang kuha noong 2004.

Ang kalumbayang mula sa Diyos ay naghihikayat ng pagbabago at pag-asa sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay hinahatak tayo pababa, pinapawi ang pag-asa, at inuudyukan tayong magpatangay pa sa tukso.

Ang kalumbayang mula sa Diyos ay humahantong sa pagbabalik-loob at pagbabago ng puso. Nagiging dahilan ito para kamuhian natin ang kasalanan at mahalin ang kabutihan. Hinihikayat tayo nitong bumangon at lumakad sa liwanag ng pagmamahal ni Cristo. Ang tunay na pagsisisi ay tungkol sa pagbabago, hindi paghihirap o pagdurusa. Oo, ang taos-pusong pagdadalamhati at taos na pagsisisi dahil sa pagsuway ay kadalasang masakit at napakahalagang mga hakbang sa sagradong proseso ng pagsisisi. Ngunit kapag ang pagkabagabag ay humantong sa pagkasuklam sa sarili o pinigilan tayong bumangong muli, humahadlang ito sa halip na maghikayat sa atin na magsisi.

(Dieter F. Uchtdorf, “Magagawa Na Ninyo Iyan Ngayon!,” Liahona, Nob. 2013, 56)

Panoorin ang video na “Repentance Is a Process That Brings Peace” mula sa time code na 0:00 hanggang 1:39 para makita kung paano inilarawan ng isang tao ang kalungkutang naaayon sa Diyos na naranasan niya at kung paano nito pinagpala ang kanyang buhay.

3:34

Repentance Is a Process That Brings Peace

Three adult members share their experiences with repentance. They say repentance leads to godly sorrow for sin and a willingness to involve God in a process that brings peace and joy.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Gamit ang natutuhan mo, sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang kalungkutang naaayon sa Diyos?

  • Ano ang makasanlibutang kalungkutan?

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 2. Isipin muli ang sitwasyon sa pagitan ng dalaga at ng kanyang bishop, at pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na tanong.

  • Ano ang maibabahagi mo sa dalaga tungkol kay Jesucristo at sa kalungkutang naaayon sa Diyos na makatutulong sa kanya na matamo ang mga pagpapala ng pagsisisi?

Pagnilayan sandali ang sarili mong mga pagsisikap na magsisi. Isaalang-alang ang nadama at naranasan ng Tagapagligtas sa pagdurusa para sa iyong mga kasalanan. Ano ang magagawa mo para mas lubos na mabuksan ang iyong puso upang makadama ng kalungkutang naaayon sa Diyos at maanyayahan ang nakapagpapagaling na kapangyarihan ng Tagapagligtas sa iyong buhay? Maaari mong isulat ang iyong sagot sa tanong na ito sa isang personal na journal o notebook.

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Paano ko mas mauunawaan ang pagkakaiba ng kalungkutang naaayon sa Diyos at ng makasanlibutang kalungkutan?

Habang naglilingkod bilang Area Seventy, ipinahayag ni Elder D. Chad Richardson:

Huling opisyal na larawan ni Elder D. Chad Richardson ng Sixth Quorum ng Pitumpu, 2002. Ini-release sa pangkalahatang kumperensya ng Abril 2010, epektibo sa Mayo 1, 2010.

Ang pangunahing pagkakaiba ng [kalungkutang naaayon sa Diyos at ng makasanlibutang kalungkutan] ay ang pinagmumulan ng mga ito. Ang makasanlibutang kalungkutan ay udyok ni Satanas. Ito ang kalungkutang sanhi ng pagkahuli, ng hindi na makapagpatuloy sa pagkakasala, o paglaban sa sarili nang may pagkasuklam o paghamak sa sarili.

Ang kalungkutang naaayon sa Diyos, sa kabilang banda, ay kalungkutang ibinigay ng Diyos bilang kaloob sa mga taong handang tanggapin ito. Ang kalungkutang naaayon sa Diyos ay umaakay sa atin na lubos na matanto ang laki ng ating mga kasalanan ngunit kasabay nito ay nalalaman din na maaari tayong maging malaya sa mga ito.

(D. Chad Richardson, “Forgiving Oneself,” Ensign, Mar. 2007, 32)

Noong Setyembre 2019, ang magasin na New Era ay naglimbag ng isang infographic batay sa mga turo ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol na maaaring makatulong sa iyo na mas matukoy ang kaibhan ng kalungkutang naaayon sa Diyos at ng makasanlibutang kalungkutan. Hanapin dito: Dieter F. Uchtdorf, “Godly Sorrow,” New Era, Set. 2019, 32–33.