Seminary
2 Corinto 5


2 Corinto 5

“Ang Ministeryo ng Pakikipagkasundo”

Ang lalaking gumaling sa araw ng Sabbath ay niyakap ng kanyang mga magulang, si Jesus ay makikita sa background. Siya ay bulag na isinilang. Kabilang sa mga outtake ang napagaling na lalaki sa paanan ni Jesus na nakayakap, at ang kanyang mga magulang. bulag-lalaki-pinagaling-mga magulang-nagagalak

Nadama mo na ba minsan na malayo ka sa Diyos? Minsan na rin bang nadama iyon ng ibang taong kakilala mo? Ipinaalala ni Pablo sa mga Banal sa Corinto ang awa na ipinakita sa kanila ni Jesucristo. Itinuro ni Pablo sa mga tao na sila ay nahiwalay sa Diyos dahil sa kasalanan. Sa kabutihang-palad, sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Cristo, maaari silang muling magkaroon ng magandang ugnayan sa Diyos at maaari nilang matanggap ang kabutihan ni Cristo (tingnan sa 2 Corinto 5:16–21). Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyong mas mapalapit sa Diyos at maging ang indibiduwal na ninanais Niyang maging ikaw.

Ang iyong ugnayan sa Diyos

Rebyuhin ang mga sumusunod na sitwasyon. Pag-isipan kung paano natutulad o naiiba ang iyong personal na sitwasyon sa mga sitwasyong ito.

  1. Si Jamilah ay isang masigasig na disipulo ni Jesucristo. Itinuturing siyang huwaran ng maraming kaibigan. Gayunpaman, kapag nagkakamali siya, pinanghihinaan siya ng loob at nag-aalala siya kung makababalik siya sa Ama sa Langit balang-araw.

  2. May ilang gawi si Andre na alam niyang hindi mabuti, at nahihirapan siyang malaman kung paano siya mapapatawad at magbabago. Iniisip niya kung mapapalapit pa siya sa Diyos, at hindi siya sigurado kung mahalaga itong pagsikapan. Ayaw niyang kausapin ang kanyang mga magulang o bishop tungkol sa kanyang mga problema.

Pag-isipan ang sarili mong ugnayan sa Ama sa Langit. Sa iyong study journal, ilarawan ang sarili mong sitwasyon sa buhay at ang iyong ugnayan sa Kanya. Maaari mong isama kung kailan mo nadarama na malapit ka sa Kanya at kung kailan mo nadarama na malayo ka, pati na rin ang iyong mga hangarin para sa iyong ugnayan sa Kanya sa hinaharap.

Sa iyong pag-aaral, alamin ang mga katotohanan na makatutulong sa iyong maunawaan ang mga pagpapala ng paglapit sa Diyos at kung paano ka mapapalapit sa Kanya.

Pakikipagkasundo

Sa 2 Corinto 5, isinulat ni Pablo na habang nabubuhay tayo sa lupa, tayo ay “dumaraing” at “nabibigatan,” at inaasam nating makabalik sa ating Ama sa Langit (tingnan sa 2 Corinto 5:1–5). Isipin ang mga pagkakataon sa iyong buhay na nadama mo rin ang inilarawan ni Pablo.

Basahin ang 2 Corinto 5:17–20, at alamin ang mga katotohanang maipamumuhay mo kapag nadarama mong malayo ka sa Diyos. Pansinin na sa mga talatang ito, ang ibig sabihin ng makipagkasundo at pakikipagkasundo ay maibalik sa pakikipagkaisa at pagsang-ayon ng Diyos matapos mawalay sa Kanya.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Anong mga salita at parirala sa mga talatang ito (2 Corinto 5:17–20) ang pinakamahusay na naglalarawan sa ginawa ng Tagapagligtas para sa iyo?

  • Ano ang ginagampanan ng Ama sa Langit sa pagtulong sa iyong makabalik sa Kanya? (Tingnan sa 2 Corinto 5:18-19.)

  • Anong mga pagpapala ang natatanggap natin kapag nagsisikap tayong mamuhay “kay Cristo”? (2 Corinto 5:17.)

Ang isang katotohanang itinuro sa 2 Corinto 5:17–20 ay maaari tayong makipagkasundo sa Diyos at maging mga bagong nilalang sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

Itinuro din ni Pablo kung bakit tayo nagiging mga bagong nilalang at kung ano ang ibig sabihin nito.

Basahin ang 2 Corinto 5:21, at alamin ang mga sinabi tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa iyo.

  • Ano ang natutuhan mo mula sa talatang ito?

Basahin ang sumusunod na talata, at maghanap ng mga karagdagang kaalaman na makabuluhan sa iyo.

Itinuro ni Pablo sa 2 Corinto 5:21 na bagama’t hindi kailanman nagkasala si Jesus, sa Halamanan ng Getsemani at sa krus ng Kalbaryo, inako Niya ang pasanin, ang bigat, at ang mga ibinunga ng ating mga kasalanan. Kapag masigasig nating hinahangad na mapatawad at maging “bagong nilalang,” tinatanggap natin ang alok ni Jesucristo na kung mananampalataya tayo sa Kanya at magsisisi tayo sa ating mga kasalanan, aalisin Niya ang ating mga kasalanan at matatanggap natin ang Kanyang kabutihan. Sa ganitong paraan, tayo ay gagawing dalisay, tulad Niya na dalisay (tingnan din sa Colosas 2:13–14; 1 Pedro 2:24).

  • Paano nakatutulong sa iyo ang mga turo sa 2 Corinto 5:21 na mas maunawaan kung bakit tayo nagiging mga bagong nilalang kay Cristo at ano ang tunay na kahulugan nito?

  • Anong mga ideya at damdamin ang maaaring naranasan ng walang kasalanang Anak ng Diyos nang kusang-loob Niyang akuin ang iyong mga kasalanan upang makipagkasundo ka sa Diyos at makapagbago ka? (Maaari mong basahin ang Isaias 49:16 at Doktrina at mga Tipan 19:18 bago sagutin ang tanong na ito.)

Upang makakita ng halimbawa sa makabagong panahong ito tungkol sa isang tao na nakipagkasundo sa Diyos at naging “bagong nilalang” sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Jesucristo, panoorin ang “I Know His Grace Is There When I Fall” (6:24). Matatagpuan ang video na ito sa ChurchofJesusChrist.org.

6:24

I Know His Grace Is There When I Fall | His Grace

“Who am I?” thought Josh as he prayed in his small closet seeking God’s help to break his drug addiction. Praying in secret, he was filled with love and light and warmth that he wanted to feel forever.

Pag-isipan kung paano mo naranasan, o paano naranasan ng isang kakilala mo, ang pagpapagaling at pakikipagkasundo na ibinibigay ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala.

Ang pagninilay sa mga alituntunin ng ebanghelyo ay makatutulong sa atin na mas maunawaan at madama ang kahalagahan ng mga ito. Muling basahin ang paglalarawan ng kasalukuyan mong sitwasyon sa buhay at ugnayan sa Diyos na isinulat mo sa simula ng lesson. Maglaan ng ilang minuto upang pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano kaya ang kahihinatnan at pakiramdam kapag nakipagkasundo sa Diyos magpakailanman?

  • Sa anong mga paraan mo gustong maging bago sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo?

  • Ano ang mga naranasan mo sa iyong buhay na nagpapakita kung gaano kahanda si Jesucristo na tulungan kang magbago?

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Paano nakatulong ang pagninilay?

  • Ano ang natutuhan mo sa lesson na ito tungkol sa mga damdamin at hangarin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa iyo?

Matuto, makadama, at gumawa

Sa iyong study journal, isulat ang natutuhan at nadama mo ngayon na pinakamakabuluhan sa iyo at kung bakit ito ang pinakamakabuluhan sa iyo. Isulat kung ano ang nahihikayat kang gawin na makatutulong sa iyong makipagkasundo sa Diyos at maging “bagong nilalang” kay Cristo. Anong mga pagbabago ang inaasahan mong makita sa iyong sarili (sa loob ng isang taon, dalawang taon, o limang taon) bilang isang taong tunay na nabago kay Cristo?

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa? 

Paano ako matutulungan nito na ipamuhay ang ebanghelyo ni Cristo at maging “bagong nilalang” sa Kanya?

Ipinaliwanag ni Elder Ulisses Soares ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder Ulisses Soares, opisyal na larawan ng Korum ng Labindalawang Apostol.

Ang pagpapaibayong iyon ng pananampalataya at pagbabalik-loob ay tutulungan tayong gumawa at tumupad ng mga tipan sa Diyos, sa gayo’y lalakas ang ating hangaring tularan si Jesus at magkaroon ng tunay na espirituwal na pagbabago sa atin—sa madaling salita, ginagawa tayong panibagong nilalang, tulad ng itinuro ni Apostol Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Corinto (2 Corinto 5:17). Ang pagbabagong ito ay magbibigay sa atin ng mas masaya, mabunga, at malusog na buhay at tutulong sa ating mapanatili ang walang-hanggang pananaw.

(Ulisses Soares, “Paano Ako Makauunawa,” Liahona, Mayo 2019, 6)

2 Corinto 5:17–21. Paano ko mas mauunawaan ang itinuro ni Pablo sa mga talatang ito?

Ang sumusunod na paliwanag ay maaaring makatulong sa iyong maunawaan ang ilang salita at parirala sa mga talatang ito:

Ang ibig sabihin ng pagiging “bagong nilalang” ay “ang ating puso, mukha, at likas na pagkatao ay magiging mas katulad ng Tagapagligtas” (Benjamin M. Z. Tai, “Ang Bisa ng Aklat ni Mormon sa Pagbabalik-loob,” Liahona, Mayo 2020, 47).

Ang ibig sabihin ng “hindi ibinibilang [ni Cristo] sa kanila ang kanilang mga kasalanan” ay dahil sa ginawa ni Cristo para sa atin, kapag tayo ay nakipagkasundo sa Diyos, hindi tayo papanagutin para sa ating mga kasalanan.